Mbah Gotho
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Mbah Gotho | |
---|---|
Kapanganakan | Saparman Sodimejo 31 Disyembre 1870 |
Kamatayan | 30 Abril 2017 Sragen, Rehensiya ng Sragen, Gitnang Java, Indonesia | (edad 146)
Dahilan | Pagpalya ng puso |
Nasyonalidad | Indones |
Kilala sa | Pag-angkin bilang pinakamatandang tao sa mundo |
Si Saparman Sodimejo, o mas kilala bilang Mbah Gotho (sinasabing ipinanganak noong 31 Disyembre 1870 – Abril 30, 2017) ay isang lalaking Indones na nag-angkin na nabuhay nang higit 140 taon pero hindi pa napapatunayan. Kapag ito ay lumabas na totoo, siya ay maaaring maging ang pinakamatandang tao na naitala sa kasaysayan.
Si Mbah Gotho mismo ay hindi matandaan ang kanyang eksaktong petsa ng kapanganakan, ngunit sinabi na naalala niya ang pagpapatayo ng isang pabrika ng asukal na itinayo noong 1880.[kailangan ng sanggunian] Inirehistro siya ng mga lokal na awtoridad bilang higit na 140 taong gulang noong 2010, at inilagay ang kanyang petsa ng kapanganakan noong 1870 sa isang ID card na inisyu noong 2014.[kailangan ng sanggunian]
Ang pinakamatandang kilalang tao na ang edad ay napatunayan, si Jeanne Calment, ay 122 taon nang siya ay namatay.[kailangan ng sanggunian]
Pag-angkin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Mayo 2010, iniulat ng Solopos na naitala ng senso ang kanyang susunod na kaarawan bilang ang kanyang ika-142. Ito ay maaaring magpatunay sa kanya na 19 taong gulang siya mas matanda kaysa sa pinakamatandang naitala na tao, si Jeanne Calment, na namatay na noong 1997.[kailangan ng sanggunian]
Iniulat ng website ng Liputan 6 na ang tinatayang edad ni Mbah Gotho ay 165. Hindi niya matandaan ang kanyang petsa ng kapanganakan, ngunit inaangkin na naaalala niya ang pagtatayo ng isang pabrika ng asukal na itinayo sa Sragen noong 1880.[kailangan ng sanggunian]
Noong Agosto 2016, matapos ang isang ulat sa telebisyon sa Liputan 6, maraming mga internasyonal na outlet ng media ang nag-ulat tungkol kay Gotho. Pagkatapos ay ipinakita nila ang mga litrato ng kanyang ID card (na inilabas noong 2014), na nagpapakita ng kanyang inaangkin na petsa ng kapanganakan.[kailangan ng sanggunian]
Bagaman kinumpirma ng mga opisyal ng Indonesia sa lokal na tanggapan ang ulat ng petsa ng kapanganakan, walang sariling patunay ang kanyang inaangking edad. Kakailanganin iyon para sa pag-alam tungkol sa edad na maitatanggap ng mga awtoridad ng rekord, tulad ng Guinness World Records.[kailangan ng sanggunian] Ang gobyerno ng Indonesia ay hindi nagrehistro ng mga kapanganakan bago ang 1900, at mayroong mga pagkakamali sa nakaraan.[kailangan ng sanggunian]
Ang Gerontology Research Group ay nagkomento na ang napakalaking bilang na inaangking edad niya ay "kathang-isip" at "hindi kapakipaniwala".[kailangan ng sanggunian] Ang kwento sa Liputan 6 ay nagbanggit ng iba pang katulad na mga patunay tungkol sa edad niya. Kasama rito ang isang babaeng nagngangalang Maemunah at kilala bilang Ambu Unah, na nagaangkin na ipinanganak noong 1867, sa Cimanuk, Rehensiya ng Pandeglang.[kailangan ng sanggunian]
Pagkamatay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Abril 28, 2017 Si Mbah Gotho ay isinugod sa Ospital ng RSUD dahil sa kapalyahan sa puso sa Sragen at namatay makalipas ang dalawang araw sa ganap na 5:45 ng hapon lokal na oras noong 30 Abril 2017.[kailangan ng sanggunian]
Ayon sa BBC, nabuhay siya ng mas mahigit pa kaysa sa sampung kapatid niya, apat na asawa, at lahat ng kanyang mga anak.[kailangan ng sanggunian]