Pumunta sa nilalaman

Mark Aeron Sambar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Mark Aeron H. Sambar ay Isang Politiko sa Pilipinas. Siya ay ang Kinatawan ng PBA Partylist (Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist). Ang Kanyang kinabibilangang Partylist ay naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga Atleta at ng Sambayanang Pilipino pagdating sa Lehislatura. Siya ay Baguhang Congressman ng PBA Partylist. Ipinanganak siya noong 24 Enero 1982.

Sa edad na 29 isa siya sa pinaka batang Kongresista ng 15th congress. Dahil sa kanyang kabataan at isang baguhang politiko marami siyang naaambag sa paggawa ng mga batas na naangkop sa panahon natin ngayon. Isa sa mga isinusulong niyang batas ngayong 15th Congress ay ang mabigyan ng sapat na insentibo ang mga Pilipinong propesyonal at amateur na atleta. Inaasahang ang mga batas na kanyang isinusulong sa kongreso ng Pilipinas ay maisasabatas kapag ang senado ng Pilipinas ay makapagtibay na din ng parehong batas.

Si Congressman Mark Aeron H. Samabar ay aktibo din sa pagsulong sa mga programang pang kabataan at panlipunan kung kayat ang PBA Partylist ngayon sa pangunguna niya ay mayroon ng humigit kumulang 2,000 College Scholars sa Labing Isang (11) State Universities and Colleges sa Pilipinas. Nagsasagawa din ang kanyang opisina ng ibat ibang livelihood projects, Medical Missions, Sports Programs, at kung anu anu pang pangkabuhayan projects sa mga probinsiya tulad ng Bulacan, Cavita, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon, Zamboanga del Sur, Davao City, Bohol, North Cotabato, National Capital Region, Pangasinan, Cebu, Eastern Samar, at Marinduque.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.