Pumunta sa nilalaman

Mga lungsod ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Pilipinas)
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang lungsod ay isang yunit ng pamahalaang lokal sa Pilipinas. Nakasaad sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 ang istrukturang administratibo at kapangyarihan ng mga lungsod.

Binigbigyan ang mga lungsod ng mas malaking bahagi sa internal revenue allotment (IRA) kaysa sa mga munisipalidad. Mas nabibigyan din ng awtonomiya ang mga lungsod kaysa sa mga munisipalidad.

Ang lungsod ay pinamumunuan ng isang alkalde na hinahalal sa eleksyon. Ang bise alkalde naman ang umuupong pinuno ng Sangguniang Panlungsod. Mayroon ding iba't ibang departamento ang lungsod upang mas mapaglinkuran nila ang kanilang nasasakupan.

Gaya ng mga munisipalidad, nahahati rin ang mga lungsod sa mga barangay. May ibang lungsod naman na nahahati rin sa mga distrito.

Lahat ng mga lungsod sa Pilipinas ay mga nakakartang lungsod (Ingles: chartered city). Ayon sa legal na klasipikasyon, inuuri ang mga lungsod sa tatlo, nakapaloob na lungsod, malayang nakapaloob na lungsod at lubos na urbanisadong lungsod.

Ayon sa pinakahuling senso, ang Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas na may mahigit sa 2,000,000 residente. Ang Lungsod ng Palayan naman sa Nueva Ecija ang may pinakamaliit na populasyon. Kung lawak ang pagbabatayan, ang Lungsod ng Davao ang pinakamalaking lungsod habang ang pinakamaliit ay ang Lungsod ng San Juan sa Kalakhang Maynila.

Mayroong tatlong mga malalaking kalakhang lugar ang Pilipinas. Kalakhang Maynila ang pinakamalaking konurbasyon sa bansa. Binubuo ito ng lungsod ng Maynila at 16 na karatig lungsod at bayan. Ang pangalawa ay ang Kalakhang Cebu sa lalawigan ng Cebu. Nakasentro ito sa Lungsod ng Cebu, ang kabisera at walong karatig na lungsod at bayan. Pangatlo naman ang Kalakhang Davao. Nakasentro ito sa Lungsod ng Davao at kabilang ang mga karatig na lungsod at bayan.

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inuuri ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 ang mga lungsod sa isa sa tatlong klasipikasyon.

  • Lubos na Urbanisadong Lungsod (Highly Urbanized City): Mga lungsod na may populasyong hindi bababa sa 200,000 katao, na pinatotohanan ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, at may taunang kita na hindi bababa sa 50 milyong piso, sertipikado ng tagaingat-yaman ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 33 mataas na urbanisadong lungsod sa Pilipinas, 16 rito ay bahagi ng Kalakhang Maynila.
  • Malayang Nakapaloob na Lungsod (Independent Component City): Mga lungsod na may kartang nagbabawal sa kanilang mga nasasakupan na humalal sa mga panlalawigang katungkulan. Limang lungsod sa Pilipinas ang nauuri dito at lahat sila ay may awtonomiya mula sa lalawigan kung saan sila matatagpuan. Ang mga ito ay ang mga lungsod ng Dagupan, Santiago, Naga, Ormoc at Cotabato.
  • Nakapaloob na Lungsod (Component City): Ang mga lungsod na hindi makasapat sa mga pangangailangang nabanggit ay pinapalagay na bahagi ng lalawigan kung saan ito matatagpuan. Kung ang isang nakapaloob na lungsod ay nasa pagitan ng dalawa o higit pang lalawigan, ito ay tinuturing na bahagi ng lalawigan kung saan ito nabibilang nang ito ay isang munisipalidad pa. Maliban sa limang malayang nakapaloob na lungsod, lahat ng iba pang lungsod ay mga nakapaloob na lungsod.

Klasipikasyon ng kita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga lungsod ay naka-uri bilang sa karaniwang taun-taong kita na naka-base sa nakaraang tatlong kalendaryong taon. [1] Naka-arkibo 2013-04-30 sa Wayback Machine.

  • Unang klase - P250 milyon o pataas
  • Ikalawang klase - P155 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P250 milyon
  • Ikatlong klase - P100 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P155 milyon
  • Ika-apat na klase - P70 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P100 milyon
  • Ikalimang klase - P35 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P70 milyon
  • Ika-anim na klase - P35 milyon o pababa

Malalaking lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lungsod Populasyon Imahe Rehiyon
1. Quezon City 2,960,048 Kalakhang Maynila
2. Maynila 1,846,513
3. Davao City 1,776,949 Rehiyon ng Davao
4. Caloocan 1,661,584 Kalakhang Maynila
5. Zamboanga City 977,234 Tangway ng Zamboanga
6. Cebu City 964,169 Gitnang Kabisayaan
7. Antipolo 887,399 Calabarzon
8. Taguig 886,722 Kalakhang Maynila
9. Pasig 803,159
10. Cagayan de Oro 728,402 Hilagang Mindanao

Color coding ng bawat lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]
     Mga mataas, urbanisadong lungsod
     Mga malayang lungsod
*      Mga nakapaloob na lungsod

Tala ng mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Nobyembre 25, 2009, mayroong mga 121 lungsod sa Pilipinas

Tandaan: Nakatala ang mga malayang lungsod dito kasama ang mga lalawigan na dating kinabibilangan nila, katulad ng Lungsod ng Baguio in Benguet, Lungsod ng Zamboanga sa Zamboanga del Sur, Lungsod ng Angeles sa Pampanga, Lungsod ng Davao sa Davao del Sur, at Lungsod ng Naga sa Camarines Sur.

Malalaking mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumusunod ang tala ng sampung malalaking mga lungsod sa bansa sang-ayon sa populasyon noong sensus ng taong 2007.


Hanay Lungsod  Populasyon noong 2000 
1. Lungsod Quezon 2,679,450
2. Maynila 1,660,714
3. Lungsod ng Kalookan 1,378,856
4. Lungsod ng Davao 1,363,337
5. Lungsod ng Cebu 798,809
6. Lungsod ng Zamboanga 774,407
7. Lungsod ng Antipolo 663,971
8. Lungsod ng Pasig 617,301
9. Lungsod ng Taguig 613,343
10. Lungsod ng Valenzuela 568,928
11. Lungsod ng Dasmariñas 556,000

 

<td valign="top" style="padding-right: 1em;"

Ayon sa alpabeto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kalakhang Maynila
Agusan del Norte
Albay
Basilan
Bataan
Batangas
Benguet
Bohol
Bukidnon
Bulacan
Cagayan
Camarines Sur
Capiz
Cavite
Cebu
Cotabato
Davao del Norte
Davao del Sur
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Iloilo
Isabela
La Union
Laguna
Lanao del Norte
Lanao del Sur
Leyte
Maguindanao
Masbate
Misamis Occidental
Misamis Oriental
Negros Occidental
Negros Oriental
Nueva Ecija
Oriental Mindoro
Palawan
Pampanga
Pangasinan
Quezon
Rizal
Samar
Sorsogon
South Cotabato
Southern Leyte
Sultan Kudarat
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Tarlac
Zambales
Zamboanga del Norte
Zamboanga del Sur

Mga Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]