Pumunta sa nilalaman

Ladlad: An Anthology of Philippine Gay Writing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ladlad: An Anthology of Philipine Gay Writing ay naitala noong 1994 at nailathala nina J. Neil Garcia at Danton Remoto na naglalaman ng iba't ibang tula, maikling kuwento, at mga palabas tungkol sa mga karanasan ng mga 'bading'. Ang Antolohiyang ito ay inuusisa ang 'macho', konserbatibong kultura na patuloy na hindi naiintindihan ang homosekswalidad, partikular sa mga bakla, at tanggapin ang kanilang buhay.

J. Neil Garcia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay nagtapos ng A.B. Journalism, magna cum laude, mula sa University of Santo Tomas noong 1990; MA sa Comparative Literature noong 1995, at Ph.D. sa English Studies: Creative Writing noong 2003 mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay kasalukuyang isang Propesor ng Ingles, Creative Writing at Comparative Literature sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya rin ang gumaganap bilang Associate para Poetry sa Likhaan: UP Institute of Creative Writing.

Danton Remoto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay isang manunulat, reporter, editor, tagapamahala, at propesor. Nagtuturo siya ng Ingles sa Ateneo de Manila University. Siya rin ay tagapanguna ng Ang Ladlad, isang lesbian, gay, bisexual, transgender o (LGBT) na pampolitika na partido sa bansa.

Mga Nilalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maikling Kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Red ang Luha ni Michael ni Jimmy Alcantara

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tungkol ito sa kay Michael at kay Ricky na magkakilala na simula kanilang pagkabata, mula Butuan hanggang Maynila. Si Michael ay nagtatrabaho sa isang ad agency at si Ricky naman ay dating production designer sa CCP. Isang umaga, nanghinayang si Michael sa nakikita niya sa loob ng kanilang tinitirahang bahay ni Ricky, dahil ito sa kinakalawang na Refrigerator. Naisipan ni Ricky na sorpresahin si Michael, kaya bumili ito ng pulang pintura at pininturahan ang kinakalawang na refrigerator. Natuwa si Ricky sa pagpipinta, kaya naman naisipan niyang pinturahan lahat ng bagay na kanyang magustuhang pinturahan, sa huli, halos ang buong bahay pati na ang mga gamit rito ay nagkulay na ng pula. Dumating na si Michael, inakala nitong hindi siya rito nakatira dahil sa kakaibang itsura ng kanyang nakita. Papaalis na ito ng pintuan ng may kasamang hiya ng pinigilan ito ni Ricky at sinabing doon ang bahay nila. Laking Gulat ni Michael sa kanyang nakita, labis ang kanyang panghihinyang at galit at napagdesisyunang iwan na si Ricky dahil sa kanyang inaasal. Naisipan ni Michael na muling bumabalik ang sakit ni Ricky sa pagiisip. Napaluha ito, at pininturahan ni Ricky ang mga luha ni Michael ng pula hanggang maubos ang laman ng lata.

Par ni Edzel Cardil

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tungkol ito sa magkalive-in na nagtatawagan ng Par. Ang isa ay ang isang lalakeng siga at kilala ng lahat sa kanila habang ang isa naman ay isang baklang mukhang babae. Ang lalake ay laging binubugbog ang kanyang asawang bakla tuwing mainit ang ulo nito at may nagagawang hindi maganda ang kanyang kabiyak. Patuloy na nagiisip ang bakla kung bakit siya nagpapatali sa isang lalaki lamang ng pitong taon ngunit maari naman siyang maging malaya at magkaroon ng madaming lalaki, kagaya ni Panchang na natikman na ng kanyang kaibigang si Ogie. Si Panchang ay isa mga mga sigang kaibigan ni Par na may lihim na pagkagustong makipagtalik sa kabiyak ni par. Isang gabi, napagdesisyunan ni Andang, kabiyak ni Par, na makipagtalik kay Panchang at ipinaayos ang tagpuan kay ogie, habang sila ay nagtatalik, dali daling kinatok ni Ogie ang dalawa dahil nagwawala raw si Par sa kanilang bahay. Nang nakauwi na ang kabiyak ni Par, dali dali nitong hinaplos si Par at patuloy itong inaamo. Pumasok na sila sa kanilang kwarto at nagpasakop sa isa't isa.

Lumipas ang dalawang buwan, galit na galit na tinawag ni Par si Andang habang kasama si Panchang. Pinaso ni ar ang leeg ni Andang at sinasabi kay Panchang na si Andang ay sa kanya lang. Nagsapakan sina Par at Panchang at pinahinto naman ng mga tanod. Iniwan ni Andang si Par sa labis nitong pagkakapahiya at galit kay Par kabila ng kanilang labis na pagmamahalan. Nakitira muna siya kila Ogie at laging pinupuntahan ni Par at inaamo, nagpapakita ng motibo upang bumalik sa kanyang pilign si Andang. Ngunit nagpmamatigas si Andang dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman. Isang gabi, habang nasa tapat ng bahay nila Ogie si Par at ang kanyang kaibigan na si Rey, tumitingin tingin ito kay Andang, umuudyok ng pagnanasa nang bigla siyang sinaksak ni Rey. Nagulat si Andang at hindi makapaniwal sa pangyayare. Namatay si Par at hindi alam ni Andang ang kanyang gagawin. Pilit nitong nilalakasan ang kanyang loob at kinakapalan ang kanyang mukha upang makapunta sa burol at libing ng kanyang iniibig na si Par. Pinapahinga niya na si Par, habang kausap ang isang litrato pagkatapos ng libing dahil pagod na raw ito at kakayanin niya dahil ok lang.

Lucy ni Miguel Castro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay isang storya ng isang mayari ng parlor na si Lucio. Siya ay isang transekswal nung umpisa ngunit nagpakalalaki dahil sa kanyang iniirog. Sa tuwing napapatingin ng salamin si Lucio, naninibago siya, di makapaniwala ngunit pinipilit ang kanyang sarili sa bagong siya. Hindi na siya katulad ng dati na maingay, masayahin, at kinatutuwaan ng marami. Siya na ngayon ay nagmumukhang klosetang baklang nagpupumiglas dahil sa kagustuhan ng kanyang iniibig. napapnsin niyang tumatanda na siya, napagtanto nitong pagod na siya at kinabukasan ay babalik na ang dating siya, si Lucy.

Pagkatapos ng Dilim ni Rands Sanchez Catalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arthur ay nagtapos sa U.P. at nawala ng apat na taon sa kanilang probinsiya sa LEgazpi. Ng umuwi ito sa kaniyang Tiyo at Tiya, agad-agad itong nagagalak at niyakap ang kanyang pinakamamahal na tiyo at tiya. Hinanap niya si Jojo ngunit naisip ng kanyang tiya na hindi na makakbuti si Jojo sa kanya dahil isa na itong rebelde at namumundok at umiiwas. Nagkita muli si Jojo at si Arthur sa palengke habang namimili ang kanyang Tiya. Inanyayahan si Jojo na doon na lang magtanghalian sa kanila. Pagkatapos ng pagkain ay sumama si Arthur sa kubo no Jojo sa gubat at doon nagpalipas ng gabi. Nagtalik ang dalawa sa labis na pananabik, pagkatapos ng gabi ay nagpatuly ang ninanais nilang relasyon at pagmamahalan.

Isang araw, nahuli si Jojo at ang kanyang mga kasamahang rebelde ng mga sundalo. Labis ang pagpapahirap sa kanila at pagbubusabos ng kanilang pagkatao. Dali daling pinuntahan ni Arthur ang kubo ni Jojo at nagaantay upang mailigtas ang kanyang nobyo. Dinala ng isang sundalo si Jojo malapit sa isang bukal pagkatapos patayin ang lahat ng kanyang mga kasamahan. Nakita ni Arthur ang pagkakataon at tinutok ang binigay na baril ng kanyang tiya. Binaril ni ARthur ang sundalo at dali daling inakay si Jojo at dinala sa malayong lugar kasama ng kanyang tiyo at tiya. Isang araw ay binisita ng ibang kasamahan ni Jojo ang sugatan at nagpapagaling na si Jojo. Takot ang nadama ni Arthur dahil ilalayo muli sa kanya ang kanyang mahal dahil sa sitwasyon. Nang makatulog si Arthur, pagkagising niya ay wala na si Jojo at naisipang wala na ang kanyang pinakamamahal.

Geyluv ni Honorio Bartolome De Dios

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tungkol ito sa dalawang magkaibigan na si Benjie at si Mike. Si Benjie ay isang aminadong bading at si Mike ay isang straight. Nagkakilala ang dalawa sa isang party at naging matalik an magkaibigan simula noon. Higit pa sa isang magkaibigan ang turing nila sa isa't isa dahil sa likas na pagkamabait ni Benjie at paguunawa sa isa't isa. Isang araw, inamin ni Benjie na mahal nito si Mike. Sa isang bus, nais sana ni Mike na magsama na lang sila ni Benjie sa iisang bahay upang mabantayan nila ang isa't isa. NAgdadalawang isip si Benjie dahil baka mas lalo lang mahulog ang kanyang loob sa kanyang kaibigan na alam niyang walang patutunguhan. Tumingin si Benjie sa labas ng bus pagkatapos ng mabigat na paguusap nila ni Mike. Sa mabilis na pagtakbo ng bus, hinwakan ni Mike ang kamay ni Benjie dahil sa nararamdaman niyang nahihirapan na si Benjie.

Boys who like Boys ni Vicente G. Groyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tungkol ito sa isang lalakeng madaming encounter sa homosekswalidad, partikular sa kanyang mga nakakasalamuha sa araw-araw. Halimbawa nito ay ang isang bading nahumihimas sa kanyang hita sa isang sinehan at ang kanyang kabarkadang naeengganyp sa isang palabas na may halikan ng parehong lalake. Isa siyang lalakeng lalake at parang allergic sa mga bading. Isang araw, nagkita sila ng matalik niyang kaibigan noong hayskul, naginuman at nagkwentuhan magdamag. Natuwa siya sa labis na pagbabago nito, naisip niya lahat ng ginawa nila noong sila ay nasa hayskul pa kagaya ng kanilang mga kalokohan at kung ano anong pantritrip. Habang nagmamasid sa kanyang kaibigan, naisip niya ang maganda niyang girlfriend,ngunit naibsan ito ng kanyang katuwaan at kagalakan na kasama niya noon ang matalik niyang kaibigan at kumukutitap ang kanyang mga mata.

Hedonicus ni Jaime An Lim

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naganap ang istorya noong Christmas Break, si Leo ay may dating karelasyon na si Randy. Naging matagal sialng magkarelasyon ngunit nagdesisyon na lamang na maging magkaibigan. Inimbitahan ni Randy si Leo sa isang party sa kanila, hindi nagdalawang isip si Leo at pumayag agad. Pumunta sila sa isang gay bar na punong puno ng kababalaghan. Hindi na naiisip ni Leo ang maaaring mangyare, ang naiisip niya na lang ay tigang siya at nais niyang makipagtalik sa kung sino at sa kung anong paraan. Pagkatapos niyang magpalipas sa orgy room ng club, paglabas nito ay tumungo siya sa lugar ng may mga pagkain at nagsimulang kumain upang maibsan ang pagod. May isang lalakeng nakapansin sa kanya, ayun ang lalaking nakatitigan niya kanina habang nakatapis ng tuwalya bago pumasok ng orgy room. Nagpakilala itong si Humphrey at nagsabing interesado siya sa mga Asian na lalake, kagaya ni Leo. Nagusap sila ng matagal at naisip ni Leo na yun ang simula ng isang mabuting pagkakaibigan.

Ang Lalaking Ipinaglihi kay Marilyn Monroe ni ALfredo I. Moran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May isang lalakeng pinaglihi kay Marilyn Monroe, siya ay ipinanganak sa isang tribu malapit sa SM City North Edsa. Siya ay sumali sa iba't ibang beauty contest at nanalo. Pumunta siya sa Capiz upang lumaban sa Mutya ng Capiz, ngunit hindi ito pinalad dahil siya ay nabiktima ng lumubog na barko. Pagkatapos ng isang buwan, may nagpapalutang lutang sa ilog Pasig at napapaligiran ng Water Lilies. Dahil doon, napatunayan niyang siya ay hndi pinabayaan ng kanyang mga katribu, pinaglihi siya kay Marilyn Monroe, at isang jokla ng Pasig.

Ang H.P. at si Danny

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pakilala niya ay Danny, isa siyang estudyante sa La Salle at manunulat sa kanilang pangestudyante pahayagan. Meron siyang kaibigan na lagen pumupunta sa H.P. o Harison Plaza upang magbuking. Isang araw ay sumama si Danny sa kanyang kaibigan sa H.P. ngunit sa Gibson ito pupunta at hindi magbubuking. Nang mawalan ng kuryente sa H.P. pinuntahan niya na ang kanyang kaibigan dahil mahuhuli na sila sa klase nang biglang maykumausap sa kanyang lalake. Umalis na sila ng kanyang kaibigan ngunit bumalik si Danny sa H.P. kunabukasa, naisip niyang subukan at nagnyare ang kanyang inaasahan ng makita niya ang lalakeng nagtatanong sa kanya ng oras. Pagkatapos ng mga pangyayare, bumalik muli si Danny sa H.P. at nagmamasid at naghahanap na ng mabubuking.

Simpleng Taytel, Kumplikadong Kuwento ni Murphy Red

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Base sa kanyang pamagat, magulo ang storya ng bida at hindi inaasahan ang mga pangyayare sa loob ng kuwento. Ang bida ay isang estudyanteng tumigil sa pagaaral, napa barkada, lageng umiinom at maaaring nalulong sa droga. Siya ay isang lalaking napapaisip kung bakla nga siya. Mayroon siya kaibigan na si Big J, may asawa na ito at kasama niya lage sa lahat ng inuman at kung ano pa. Sweet si Big J sa kanya, may halong pagaalala ang mga ginagawa nito. Isang beses sa inuman, nagkaaminan ang dalawang ito na gusto nila ang isa't isa, sumod sila sa inuman ng kanilang barkada at nakantsawan ng labis na pangaasar ng mga kasama nila. Nang uwian na, naghahalucinate na ang bida at kung ano ano ang naiisip. Nasa isang disyerto ang kanyang pagiisip habang sa katotohanan ay naliligo ito sa basurahang inaakalang oasis. Nang nakasakay siya ng jeep pauwi, tinititigan siya ng mga pasaherong nagiisip kung ang kanilang naririnig ay huni ng tambutso o halakhak niya.

Greenrose ni Danton Remotoe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bida ay miyembro ng isang GaySoc, nagpunta siya sa bar na pinagdausan ng party ng kanilang organisasyon. Napansin niyang iba na ang sitwaasyon sa bar dahil magisa na lang siya at wala na ang kanyang mga kasama. Nagorder ito ng alak at nagmasid. Napansin niya ang mga magkakasayaw na iba iba. Nakakita siya ng magkarelasyong habang nagsasayaw ay iba ang tingin na tipong di magpapagalaw sa kahit na sino. Nang sumayaw na siya, may isang lalaking nagsayaw sa kanya na ang pangalan ay Mark. Nagsasayaw sila ng may pagnanais, sinimulang hinawakan ang kamay niya ni Mark at hinalikan. Umalis na sila ng bar at magkahawak ang mga kamay. Lumingon siya sa bar, naisip ang Green Rose, at sumakay na ng Cab kasama ang kanyang lalake.

Tagay sa Patay ni R. Fulleros Santos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tungkol ito sa dalawang matalik na magkaibigang sina Jun at Santi. Si Jun ay isang aktibista samatalang si Santi ay iba ang nais. Magkababata silang namimitas ng alatiris at tumatakbo sa bakanteng lote upang maayos na makain ang mga alatiris. Nang sila ay nagtapos ng pag-aaral, si Jun ay mamumundok na at magiging NPA samantalang si Santi ay magtatrabaho. Kilalang kilala ni Santi si JUn sa mga kilos at gawi. Sa inuman nila, nagpaalam si Jun at sinabing magingat si Santi. PAgkalipas ng maraming taon, may namatay na isang politiko at gawa raw ito ng mga rebelde, naisip agad ni Santi na si Jun ang may gawa nito dahil malapit ito sa kanila at kilalang kilala niya si Jun. Bumalik siya sa dating lugar ng kanyang pagkabata kasama si Jun, sa bakanteng lote wala na ang alatiris at nagaantay na lang siya at umiinom ng alak hanggang bukang liwayway ngunit wala pa din si Jun sa datin nilang tagpuan.

Coming out ni Jerry Z. Torres

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Stephan ay isang guro sa isang University na nagkakagusto sa isang Musician na si Ramon. Umiikot ang storya sa mga sulat ni Stephan kay Ramon at sa kanyang mga estudyanteng alam ang kanyang sekswalidad at ang kanyang pagnanais kay Ramon. Sinusulatan niya rin ang kanyang mga estudyanteng malapit sa kanya kaakibat ng mga storya at payong pagibig. Sumulat siya sa estudyante niyang si Trish, nagsaad ng hindi niya na pagnanais kay Ramon at malabo talaga ang kanyang inaasam. Sinabi niya ring may nakilala siyang isang lalake sa Adriatico na sinabi niyang Renaissance Man at akala niyang hindi na nageexist. Sinabi niya ring magkikita ulit sila ng lalake at bigyan siya ni Trish ng Goodvibes.

  • Jimmy Alcantara: Jonathan N.
  • Ronald Baytan
    • He who Sleeps on my Lap
    • Crossroads
    • Star-crossed
  • Manny Espinola
    • Species
    • Poetes Maudis
  • Ralph Semino Galan
    • Diver
    • Ariel II
    • Quening Pawn
    • The Southern Cross
  • J. Neil C. Garciea
    • Real Men: A Cycle
    • The Conversion
    • From Gethsemane
  • Jaime An Lim
    • Short Time
    • Enjambment
  • R. Zamora Linmark
    • The Archaelogy of Youth
    • The Bailes of the Three Queens: Asia, Oriental and Exotica
  • V. E. CArmelo D. Nadera Jr.: Siyam na Diwata ng Sine
  • Nicolas Pichay
    • Mau Isang Pangalan
    • Karnehan
    • Tatlong Sitsit ng Tikbalang
  • Raul Regalado: Para kay Arthur
  • Danton Remoto
    • Rain
    • The Way we Live
    • Simula
    • Kaarawan
  • Glenn Joseph Tuscano
    • To You Who Wear Jeans so Well
    • Confessional
  • Juan Rufino G. Vigilar
    • Summerfruit
    • Randy
  • Three Letters ni J. Neil Garcia
  • This Risky Business of Desire: Theoretical Notes for and against Filipino Gay Male Identity Politics ni Eduardo R. Nierras
  • Sickness and Sin: Medical and Religious Stigmatization of Homosexuality in the Philippines ni Micahel L. Tan
  • Kuwan ni Rodolfo Lana Jr.
  • Last Full Show ni Chris Martinez
  • Esprit de Corps ni Aureeus Solito