Pumunta sa nilalaman

Konglish

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Konglish (Koreano콩글리시; RRkonggeullisi; [kʰoŋ.ɡɯl.li.ɕi]) o ang mas pormal na Ingles na Istilong-Koreano (Koreano한국어식 영어; Hanja韓國語式英語; RRhangugeo-sik yeongeo; [han.ɡu.ɡʌ.ɕik̚ jʌŋ.ʌ]) ay isang uri ng Ingles na ginagamit ng mga nagsasalita ng Koreano.[1]

Ang pangalang ito ay pinaglaguman ng mga pangalan ng dalawang wika at unang naitala noong 1975. Kabilang sa mga iba pang di-gaanong kilalang katawagan ang Korlish (naitala mula noong 1988), Korenglish (1992), Korglish (2000) at Kinglish (2000).[2]

Ang Konglish ay may mga salitang hiniram sa Ingles na inangkop sa Koreano at ginagamit sa mga paraan na hindi mauunawaan agad ng mga katutubong tagapagsalita ng Ingles.[3][4] Isang karaniwang halimbawa nito ang katagang Koreano na hand phone na kilala bilang mobile phone sa Ingles.[5] Bilang karagdagan, ang Konglish ay may mga salitang hiniram nang tuwiran mula sa Ingles, maling salin mula sa Ingles tungo sa Koreano, o huwad na salitang Ingles na inilikha sa Hapon na ginamit din sa Koreano.[1][4]

Laganap ang paggamit ng Konglish sa Timog Korea dahil sa impluwensyang kultural ng Estados Unidos, ngunit hindi ito pamilyar sa mga Hilagang Koreano.[6]

Matatagpuan din ang Ingles sa mga pangunahing kalye, restawran, pamilihan sa Seoul at nalalabing bahagi ng Timog Korea. Ginagamit ng mga Timog Koreano ang Ingles sa sosyolingguwistikong paraan upang magkita ng karangyaan, kabataan, pagiging sopistikado, at kamakabaguhan.[7]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pangkalahatan, naglalaman itong talaan ng mga salitang Konglish na hindi agad-agad mauunawaan ng isang katutubong tagapagsalita ng Ingles, gaya ng mga salitang wasei-eigo sa wikang Hapones. Naimbento ng Korean mga ang karamihan ng mga salitang Konglish sa pamamagitan ng mga di-pamantayang pagdadaglat o kombinasyon ng mga salitang Ingles o pagbibigay ng bagong kahulugan o paggamit sa isang karaniwang salita sa Ingles.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Ahn, Hyejeong (2017). Attitudes to World Englishes: Implications for Teaching English in South Korea. Taylor & Francis. pp. 30–33. ISBN 978-1315394299.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lambert, James. 2018. A multitude of ‘lishes’: The nomenclature of hybridity. English World-wide, 39(1): 27. DOI: 10.1075/eww.38.3.04lam
  3. Rhodes, Margaret (2016-09-29). "The Rise of Konglish, the Korean-English Hybrid That's Both Beautiful and Perilous". WIRED (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Hadikin, Glenn (2014). Korean English: A corpus-driven study of a new English. John Benjamins Publishing Company. pp. 8–12. ISBN 978-9027269942.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Suk, Gee-hyun (2015-07-22). "'Konglish' floods into apartment brand names". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kim, Hyung-Jin (2017-03-25). "After 70 years of division, North and South Koreans losing shared language". The Globe and Mail. Associated Press. Nakuha noong 2018-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lawrence, Bruce (2012). "The Korean English linguistic landscape". World Englishes. 31: 70–92. doi:10.1111/j.1467-971x.2011.01741.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)