Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Potenza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Katedral ng San Gerardo ay ang pangunahing simbahan o duomo ng lungsod ng Potenza, kabesera ng lalawigan ng parehong pangalan, ng rehiyon ng Basilicata, Italya.

Patsada ng Katedral

Isang templo sa pook, na nakatuon sa Birhen ng Asuncion, malamang na napetsahan noong ika-5 o ika-6 na siglo, nang ito ay itinatag ni San Oroncio ng Lecce. Isang bagong simbahan na inialay kay San Gerardo della Porta, na naging patron ng bayan at ang mga relikya na itinatago rito, ang itinayo sa pagitan ng ika-12 at ika-13 siglo, sa ilalim ng pagtangkilik ng obispo na si Bartolomeo (1197-1206). Umiiral pa rin ang limang palapag na batong kampanilya nito mula sa simbahang ito, na iniuugnay sa mga disenyo ni Sàrolo di Muro Lucano.

Ang kasalukuyang simbahan ay higit sa lahat dahil sa isang muling pagtatayo noong 1783 hanggang 1799 sa esitlong neoklasiko na may disenyo ni Antonio Magri, isang mag-aaral ni Luigi Vanvitelli. Simula noon, ang simbahan ay nangangailangan ng pagkukumpuni pagkatapos ng iba't ibang lindol at pambobomba noong 1943.

Mga fresco sa kisame ng Nave

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]