Pumunta sa nilalaman

Kasukalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang kasukalang may mga baging. Pangkaraniwan ito sa mga kasukalan.

Ang kasukalan o sukal[1] (Ingles: jungle, thicket[2]) ay isang masinsing gubat na nasa lugar na tropikal. Maulan sa mga kasukalan. Naniniwala ang mga siyentipiko na mas maraming mga hayop at mga halamang naninirahan sa mga kasukalan kaysa iba pang mga pook. Maraming oras na mainit, o mataas ang temperatura, sa mga kasukalan. Kapag pinag-uusapan ng mga tao ang kasukalan, maaaring tinutukoy din nila ang gubat[1] o maulang mga gubat. Maaari ring tumukoy ang kasukalan sa pinakamasinsin o mahigit-kumulang ang hindi kayang pasuking[2] mga rehiyong nasa loob ng tropikal na maulang gubat na may masaganang buhay na mga halaman at mga hayop. Nilalarawan din ito bilang isang lupaing tropikal na may malalago at magkakasalasalabat na mga halaman at mabababang mga puno na nasa ilalim ng naglalakihang mga punongkahoy.[3]

Ibang kahulugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa ganitong mga katangian ng isang kasukalan, naging kasingkahulugan din ng salitang ito ang "kasagsagan at kaguluhan sa lungsod", ang "kaguluhan o kalituhan na walang patutunguhan ng isang tao", at "makapal na bagay na hindi mapasuk-pasok ng diwa, ugnayan, o kaya ng katwiran".[2] Maaari rin itong mangahulugang "magulong pagkakahalu-halo", o kaya isang "pook na pinangyayarihan ng malupit na pakikihamok".[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Jungle". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Jungle Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Jungle, thicket - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. 3.0 3.1 "Jungle". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 68.

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.