Kapanganakan ni Jesus
Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan.[1][2]
Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.
Ang mga kongregasyong Kristiyano ng Kanluraning tradisyon (kabilang ang Simbahang Katoliko, ang Kanluraning Rito ng Ortodokso, ang Anglikanong Komunyon, at maraming ibang mga Protestante, tulad ng Simbahang Moraviyo) ay nagsisimulang obserbahan ang panahon ng Adbiyento sa apat na Linggo bago ang Pasko. Nag-oobserba ang mga Kristiyano ng Simbahang Ortodokso ng Silangan at Ortodoksiyang Oriental ng isang kaparehong panahon, tinatawag minsan bilang Adbiyento subalit tinatawag din na "Ayunong Natibidad," na nagsisimula apatnapung araw bago ang Pasko. May Silanganing Ortodoksong Kristiyano (tulad ng mga Griyego at Siryo) ang nagdiriwang nga Pasko sa Disyembre 25. Nagdiriwang ang ibang Ortodokso (tulad ng mga Kopto, mga Etiyope, mga Heorhiyano, at mga Ruso) ng Pasko sa (Gregoryano) Enero 7 (Koiak 29 sa kalendaryong Kopto)[3] bilang isang resulta ng kanilang simbahan na patuloy na sinusunod ang kalendaryong Huliyano, sa halip ng makabagong kalendaryong Gregoryano.[4] Bagaman, pinapagpatuloy ng Simbahang Apostolikong Armeniyo ang orihinal na sinaunang kasanayan ng Silanganing Kristiyano ng pagdiriwang nga kapanganakan ni Cristo bilang isang hiwalay na pista, ngunit sa parehong araw bilang pagdiriwang ng kanyang bautismo (Teopanya), na noong Enero 6.
Naging mahalagang paksa ang artistikong paglalarawan ng natibidad para sa mga Kristiyanong alagad ng sining simula pa noong ika-4 na siglo. Binigay-diin simula pa noong ika-13 dantaon ng mga artistikong paglalarawan ng eksena ng natibidad ang kababaang-loob ni Jesus at sinulong ang isang mas magiliw na imahe niya, isang pangunahing pagbabago mula sa naunang "Panginoon at Guro" na imahe, na sinasalamin ang mga pagbabago sa karaniwang kaparaanan na isinagawa ng Kristiyanong ministrong pastoral noong parehong kapanahunan.[5][6][7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Isaak 2011, p. 144.
- ↑ Robinson 2009, p. 111.
- ↑ "29 كيهك - اليوم التاسع والعشرين من شهر كيهك - السنكسار". st-takla.org (sa wikang Arabe).
- ↑ "Orthodox Christmas Day in the United States". timeanddate.com.
- ↑ The image of St Francis ni Rosalind B. Brooke 2006 ISBN 0-521-78291-0 p. 183–184 (sa Ingles)
- ↑ The tradition of Catholic prayer nina Christian Raab, Harry Hagan, St. Meinrad Archabbey 2007 ISBN 0-8146-3184-3 pp. 86–87 (sa Ingles)
- ↑ The vitality of the Christian tradition ni George Finger Thomas 1944 ISBN 0-8369-2378-2 pp. 110–112 (sa Ingles)