Pumunta sa nilalaman

Kalso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kalso ay isang uri ng kunyas, kalang, sagka, sabat, sangkal, singkal, pangiwak, o pasang, (maaari ring pambiyak o sangkalan[1]) na hugis patulis ang dulo[2] o hugis tatsulok. Madalas na ginagamit ang piyesang ito upang hatiin ang mga piraso ng kahoy upang maging mas maliliit pang mga piraso. Isa rin itong bahagi ng isa pang payak na makitang kilala bilang nakahupay na lapya (inclined plane sa Ingles). Marami pang ibang kahulugan ang kalso. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Sa larangan ng mekaniks, ang kalso na isang payak na makina. Ginagamit ng mga tao ang makinang ito upang paghiwalayin ang dalawang mga bagay. Minsan, ginagamit ng tao ang kalso upang hatiin sa dalawa ang isang bagay o mas marami pang mga bahagi, o upang kumpunihin ng bahagya ang mga bagay.
  • Produktong kalso, isang kataga sa matematika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Wedge, kalso, sangkalan". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Wedge - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.