Kakaibang quark
Komposisyon | Elementaryong partikulo |
---|---|
Estadistika | Fermioniko |
Henerasyon | Ikalawa |
Mga interaksiyon | Malakas na interaksiyon, Mahinang interaksiyon, elektromagnetismo, grabidad |
Simbolo | s |
Antipartikulo | Strange antiquark (s) |
Nag-teorisa | Murray Gell-Mann (1964) George Zweig (1964) |
Masa | 100+30 −20 MeV/c2[1] |
Nabubulok sa | Up quark |
Elektrikong karga | –1⁄3 e |
Kargang kulay | Yes |
Ikot | 1⁄2 |
Mahinang isospin | LH: −1⁄2, RH: 0 |
Mahinang hyperkarga | LH: 1⁄3, RH: −2⁄3 |
Ang kakaibang quark (Ingles: strange quark o s quark mula sa simbolong s) ang ikatlong pinakamagaan sa lahat ng mga quark na isang uri ng elementaryong partikulo. Ang mga kakaibang quark ay matatagpuan sa mga hadron na mga subatomikong partikulo. Ang halimbawa ng mga hadron na naglalaman ng kakaibang quark ay kinabibilangan ng kaon(K), kakaibang D meson(Ds), Sigma baryon (Σ), and other strange particle. Ang kakaibang quark ay minsang tinatawag na sideways quark in the past.[2]
Ito kasama ng charm quark ay bahagi ng ikalawang henerasyon ng materya at may elektrikong karga na −1⁄3 e at isang bare na masa na 100+30
−20 MeV/c2.[1] Tulad ng lahat ng mga quark, ang kakaibang quark ay isang elementaryong fermion na may ikot-1⁄2, at dumaranas ng lahat ng pundamental na interaksiyon: grabitasyon, elektromagnetismo, mahinang interaksiyon at malakas na interaksiyon. Ang antipartikulo ng kakaibang quark ang kakaibang antiquark(strange antiquark)(na minsang tinatawag na antistrange quark o simpleng antistrange) na iba lamang dito sa dahilang ang ilang mga katangian nito ay may katumbas na magnitudo ngunit kabaligtarang senyas.
Ang unang kakaibang partikulo(na partikulong naglalaman ng kakaibang quark) ay natuklasan noong 1947(kaon) ngunit ang eksistensiya ng mismong kakaibang quark gayundin ng taas na quark at babang quark ay pinostula noong 1964 nina Murray Gell-Mann at George Zweig upang ipaliwanag ang Eightfold Way na klasipikasyong skema ng mga hadron. Ang unang ebidensiya para sa eksistensiya ng mga quark ay dumating noong 1968 sa mga malalim na inelastikong pagkakalat na mga eksperimento sa Stanford Linear Accelerator Center. Ang mga eksperimentong ito ay kumompirma sa eksistensiya ng taas at babang quark at sa ekstensiyon ang mga kakaibang quark dahil sa ang mga ito ay kailangan upang ipaliwanag ang Eightfold Way(Makawalong Daan).
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1
K. Nakamura et al. (Particle Data Group) (2011). "PDGLive Particle Summary 'Quarks (u, d, s, c, b, t, b', t', Free)'" (PDF). Particle Data Group. Nakuha noong 2011-08-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
P. C. W. Davies (1986). The Forces of Nature (ika-2nd (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 134. ISBN 0521313929.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)