Pumunta sa nilalaman

Hillary Clinton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hillary Rodham Clinton
Kalihim ng Estado ng Estados Unidos
Nasa puwesto
21 Enero 2009 – 1 Pebrero 2013
PanguloBarack Obama
Diputado
Nakaraang sinundanCondoleezza Rice
Sinundan niJohn Kerry
Senador ng Estados Unidos
mula New York
Nasa puwesto
3 Enero 2001 – 21 Enero 2009
Nakaraang sinundanDaniel Patrick Moynihan
Sinundan niKirsten Gillibrand
Unang Ginang ng Estados Unidos
In role
20 Enero 1993 – 20 Enero 2001
Nakaraang sinundanBarbara Bush
Sinundan niLaura Bush
Unang Ginang ng Arkansas
Nasa puwesto
11 Enero 1983 – 12 Disyembre 1992
Nakaraang sinundanGay Daniels White
Sinundan niBetty Tucker
In role
9 Enero 1979 – 19 Enero 1981
Nakaraang sinundanBarbara Pryor
Sinundan niGay Daniels White
Personal na detalye
Isinilang
Hillary Diane Rodham[nb 1]

(1947-10-26) 26 Oktubre 1947 (edad 77)
Chicago, Illinois, U.S.
Partidong pampolitikaDemocratic (1968–present)
Ibang ugnayang
pampolitika
Republican (Before 1968)
AsawaBill Clinton (k. 1975)
AnakChelsea
TahananChappaqua, New York, U.S.
Alma materWellesley College
Yale Law School
Pirma
WebsitioCampaign website

Si Hillary Diane Rodham Clinton /ˈhɪləri dˈæn ˈrɒdəm ˈklɪntən/ (ipinanganak noong 26 Oktubre 1947) ay isang nasa mababang hanay ng mga Senador ng Estados Unidos mula sa Bagong York at siyang nominado ng nahalal na Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama para maging Kalihim ng Estado. Dati siyang isa sa mga kandidato ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos para sa paghaharap o nominasyon sa naganap na halalang pampangulo ng 2008. Kasal siya kay Bill Clinton, ang ika-42 pangulo ng Estados Unidos, at dating Unang Ginang ng Estados Unidos mula 1993 hanggang 2001.

Taal na taga-Ilinoy, una siyang nakaakit ng pansin sa antas na pambansa noong 1969 dahil sa kaniyang mga pananalita bilang unang mag-aaral na napahayag ng isang talumpati ng pagtatapos sa pag-aaral sa Kolehiyong Wellesley. Kumuha siya ng larangang pambatas makaraang makatapos mula sa Paaralan ng Batas ng Yale noong 1973. Pagkaraang maghanapbuhay bilang silang tagapayong legal sa Kongreso ng Estados Unidos, lumipat siya sa Arkansas noong 1974, at nakipagisang dibdib kay Bill Clinton noong 1975. Nang lumaon, napangalan siyang unang babaeng kasapi ng kompanyang Rose Law Firm noong 1979, at dalawang ulit na naitala bilang isa sa mga isandaang pinakamaipluwensiyang mga manananggol sa Amerika. Dati siyang naging Unang Ginang ng Arkansas mula 1979 hanggang 1981 at mula 1983 hanggang 1992 din, at naging masigla sa ilang bilang mga samahang may pagpapahalaga sa kalagayan ng mga kabataan, maging sa pag-upo sa kapulungan ng mga direktor na tagapangasiwa ng Wal-Mart at iba pang mga korporasyon.

Habang nanunungkulan bilang Unang Ginang ng Estados Unidos, hindi nakatanggap ng pahintulot mula sa Kongreso ng Estados Unidos ang kaniyang pangunahing proyekto: ang planong pampangangalaga ng kalusugan ni Clinton noong 1994. Noong 1997 at 1999, gumanap ng malaking tungkulin si Clinton sa pagtataguyod ng paglulunsad ng Programa ng Segurong Pangkalusugan ng mga Kabataan ng Estado (o State Children's Health Insurance Program), ng Batas sa Pagaampon at Ligtas na Mag-anak (o Adoption and Safe Families Act), at ng Batas sa Malayang Pangangalaga ng mga Ampon (o Foster Care Independence Act). Siya lamang ang tanging Unang Ginang na nautusang humarap sa pederal na kalipunan ng mga hurado bilang kinahinatnan ng tinatawag na kontrobersiyang Whitewater noong 1996. Hindi siya naakusahan ng anumang katiwalian sa imbestigasyong ito o sa anumang iba pang mga imbestigasyon isinagawa sa kapanahunan ng pagkapangulo ng kaniyang asawang si Bill Clinton. Naging paksa ng usapin ng madla ang katayuan ng kaniyang pagkakakasal kay Bill Clinton makaraan ang eskandalo ng kasong Lewinsky noong 1998.

Pagkaraang lumipat sa Bagong York, nahalal si Hillary Clinton bilang senador ng Bagong York noong 2000. Ito ang unang pagkakataon kung kailan lumaban sa halalan na pangtanggapang publiko ang isang Amerikanong Unang Ginang. Si Clinton din ang unang babaeng senadorang naging kinatawan ng Bagong York. Sa Senado, una niyang tinangkilik ang administrasyon ni George W. Bush hinggil sa mga paksang pangugnayang panlabas, na kinabibilangan ng pagboto sa Resolusyon na Pandigmaan sa Irak. Pagkaraan nito, naging kalaban na siya ng administrasyon ni Bush hinggil sa naging pamamalakad ng Digmaan sa Irak, at tinanggihan din niya ang karamihan sa mga paksang domestiko ng nasabing administrasyon. Muli siyang nahalal bilang Senadora noong 2006. Sa karera kung sino ang magiging nominado ng Partidong Demokratiko sa pagkapangulo noong 2008 (tinatawag na primaryang o unang bahagi ng panghalalan na pampangulo; pampartido muna), mas maraming napagwagiang mga primarya at delegado (o kinatawan) si Clinto kaysa iba pang mga kandidatong kababaihan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Subalit, pagkalipas ng mahabang panahon ng pangangampanya, bahagya lamang ang kaniyang naging pagkatalo laban kay Senador Barack Obama na naging kikilalanin nang nominado noong Hunyo 2008, at sinuportahan naman at ipinangampanya ni Clinton. Si Clinton ang unang Unang Ginang na magiging bahagi at maitatalaga sa Gabinete, bilang Kalihim ng Estado.

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ex04); $2

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]