Pumunta sa nilalaman

Hambingang panrelihiyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang hambingang panrelihiyon o paghahambing ng mga relihiyon (Ingles: comparative religion) ay ang sangay ng mga pag-aaral ng mga relihiyon na nakatuon sa masistemang paghahambing ng mga doktrina at mga gawain ng mga relihiyon sa mundo. Maraming mga pakinabang ang nakukuha sa isang kurso ng pagsisiyasat na katulad nito subalit, sa pangkalahatan, ang pag-aaral ng relihiyon ay nakapagbibigay ng mas malalim na pagkaunawa sa mga saligang pagsasaalang-alang na pampilosopiya ng relihiyon, na katulad ng etika, metapisika, at ng kalikasan at uri ng kaligtasan. Ang isang tao na nakakuha ng ganitong kurso ng pag-aaral ay mayroong mas mayaman at mas sopistikadong pagkakaunawa sa mga paniniwala at mga gawain ng tao hinggil sa kabanalan, sobrenatural, misteryo, espirituwalidad, at dibinidad.[1]

Sa larangan ng aralin ng relihiyong komparatibo, ang pangunahing mga pangkat na panrelihiyon sa mundo ay pangkalahatang inuuri bilang relihiyong Abrahamiko, relihiyong Indiyano (relihiyon ng India), o relihiyong Taoiko. Kabilang sa mga pook ng pag-aaral ang mga mito ng paglikha at ang humanismo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Human beings' relation to that which they regard as holy, sacred, spiritual, and divine" Encyclopædia Britannica (online, 2006), binanggit pagkaraan ng What is Religion? Definitions and Quotes.


Relihiyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.