Pumunta sa nilalaman

Gatas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang baso ng gatas ng baka

Ang gatas ay kadalasang nangangahulugang ang likido na nagpapakain na nililikha sa pamamagitan ng mga mammary gland ng mga babaeng mamalya. Ang kakayahan ng mga babae na lumikha ng gatas ang isang katangiang nagbibigay kahulugan sa mamalya at nagbibigay ng pangunahing pinagkukunan ng nutrisyon para sa bagong panganak bago pa man sila magkaroon ng kakayahang tumunaw ng mga iba't ibang pagkain. Ginagawa din ito bilang mga produktong gatas katulad ng krema, mantikilya, yogurt, sorbetes, gelato, keso, casein, protinang whey, laktoso, gatas na kondensada, gatas na pulbura, at marami pang ibang pangdagdag sa pagkain at produktong industriyal.

Sa tao, pinapakain ng gatas ng ina ang mga sanggol sa pamamagitan ng pagpapasuso, maaaring diretso ito o kinakatas upang ipakain sa kalaunan. Colustrum ang tawag sa mga unang laktasyon ng gatas, at dinadala ang mga antibody ng ina sa sanggol. Maaaring mabawasan ang panganib sa parehong ina at sanggol.

Ang gatas, kung ang tinutukoy ay ang gatas galing sa baka, ay malaman sa kalsiyo, bitaminang B12, riboflavin, at posporo. Maliban dito, ang gatas rin ay malaman sa protina lalo na sa casein.[1]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Milk 101". Healthline (sa wikang Ingles). 2021-10-20. Nakuha noong 2022-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

PagkainInumin Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Inumin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.