GabbyDictionary.com
Ang GabbyDictionary.com o Gabby's Dictionary ay isang talahulugang Ingles-Filipino at gabay sa pagsasalinwika mula Ingles hanggang Filipino na matutunghayan sa Internet. Ito ang de-Internet na bersiyon ng Gabby's Practical English-Filipino Dictionary na nilikha ni Luciano L. Gaboy, na nagtapos ng Batsilyer ng Agham mula sa Akademyang Militar sa West Point ng Estados Unidos noong 1976. Walong taon na itong umiiral sa internet, magmula pa noon nairehistro ang dominyo nito. Karamihan sa mga dumadalaw sa diksyunaryong ito ang galing sa Pilipinas (72.1%), Estados Unidos (24.8%), at iba pang mga bansa (3.2%).[1][2] Nakabase ito sa Houston, Teksas ng Estados Unidos, na nasa ThePlanet.com ng Internet Services, Inc. ang serbidor.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ About Gabbydictionary.com, judgespot.com
- ↑ GabbyDictionary.com, aboutus.org
- ↑ GabbyDictionary.com[patay na link], serversiders.com
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gabby's Dictionary ("Talahuluganan ni Gabby") Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., opisyal na websayt
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.