Pumunta sa nilalaman

Fuji Television

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
JOCX-DTV
Rehiyong Kantō, Hapon
Lungsod ng LisensiyaTokyo
Mga tsanelDihital: 21 (UHF)
Birtuwal: 8
TatakFuji Television
Pagproprograma
Kaanib ngFuji News Network at Fuji Network System
Pagmamay-ari
May-ariFuji Television Network, Inc.
Mga kapatid na estasyon
  • BS Fuji
  • Fuji Television One
  • Fuji Television Two
  • Fuji Television Next
Kasaysayan
ItinatagNobyembre 18, 1948
Unang pag-ere
Marso 1, 1959
(dihital) Disyembre 1, 2003
Huling pag-ere
(analogo) Hulyo 24, 2011
Dating mga tatak pantawag
JOCX-TV (1959–2011)
(Mga) dating numero ng tsanel
Analogo:
8 (VHF) (1959-2011)
Kahulugan ng call sign
Chūō (Central) Television, dating pansamantalang pangalan
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglilisensya
MIC
Lakas ng transmisor68 kW
Mga koordinado ng transmisor35°39′31″N 139°44′44″E / 35.65861°N 139.74556°E / 35.65861; 139.74556
(Mga) transladorHachiōji, Tokyo
Analogo: Tsanel 31

Tama, Tokyo
Analogo: Tsanel 55
Chichi-jima, Kapuluang Ogasawara
Analogo: Tsanel 57
Haha-jima, Ogasawara Islands
Analog: Tsanel 58
Mito, Ibaraki
Analogo: Tsanel 38
Dihital: Tsanel 19
Hitachi, Ibaraki
Analogo: Tsanel 58
Utsunomiya, Tochigi
Analogo: Tsanel 57
Dihital: Tsanel 35
Maebashi, Gunma
Analogo: Tsanel 58
Dihital: Tsanel 42
Chichibu, Saitama
Analogo: Tsanel 29
Narita, Chiba
Analogo: Tsanel 57
Tateyama, Chiba
Analogo: Tsanel 58
Yokohama Minato Mirai 21, Kanagawa
Analogo: Tsanel 58
Yokosuka-Kurihama, Kanagawa
Analogo: Tsanel 37
Hiratsuka, Kanagawa
Analogo: Tsanel 39
Dihital: Tsanel 21
Kitadaitō, Okinawa
Analogo: Tsanel 46

Minami Daito, Okinawa
Analogo: Tsanel 58
Mga link
Websaytfujitv.co.jp
Impormasyong pangkorporasyon
Kumpanya
Pangalang lokal
株式会社フジテレビジョン
UriSubsidiyariyo KK
IndustriyaMedya
Itinatag1 Oktubre 2008; 16 taon na'ng nakalipas (2008-10-01), (upang palitan ang negosyong pagbrodkast ng dating Fuji TV na pinalitan ang pangalan sa "Fuji Media Holdings, Inc.")
Punong-tanggapan4-8, Daiba Nichome, Minato, Tokyo, Hapon
Pangunahing tauhan
Masaki Miyauchi
(Tapangulo at CEO)
Osamu Kanemitsu
(Pangulo at COO)
SerbisyoPagbobrokast ng telebisyon
MagulangFuji Media Holdings
SubsidiyariyoDavid Production
Fuji News Network
Fuji Network System
Websitefujitv.co.jp/en/

Ang Fuji Television Network, Inc.[a], kilala din bilang Fuji Television o Fuji TV[b], na may pantawag na senyas na JOCX-DTV, ay isang estasyon ng telebisyo sa bansang Hapon na nakabase sa Odaiba, Minato, Tokyo, Hapon. Ito ang susing estasyon ng Fuji News Network (FNN) at Fuji Network System (FNS). Isa ang Fuji Television sa ''limang pribadong mga brodkaster na nakabase sa Tokyo''.

Pinapagana ng Fuji Television ang tatlong primerang estasyong telebisyon, na kilala bilang "Fuji Television One" ("Fuji Television 739"—palakasan/variety, kabilang ang lahat ng larong tahanan ng Tokyo Yakult Swallows), "Fuji Television Two" ("Fuji Television 721"—drama/anime, kabilang lahat ng larong tahanan ng Saitama Seibu Lions), at "Fuji Television Next" ("Fuji Television CSHD"—live na primerang palabas) (sama-samang tinatawag bilang "Fuji Television OneTwoNext"), na mayroon lahat sa high-definition (o mataas na depinisyon).

Ang may-ari ng Fuji Television ay ang Fuji Media Holdings, Inc.[c],[1] isang sertipikadong kompanyang humahawak ng pagbobrodkast sa ilalim Batas ng Pagbobrodkast na Hapones, at apilyado sa Fujisankei Communications Group. Itinatag ang kasalukuyang Fuji Television noong Oktubre 2008. Ang Fuji Media Holdings ay ang dating Fuji Television na itinatag noong 1957.

Noong mga unang araw ng pagbobrodkast ng Fuji TV, matagal na nasa gitna ng lahat ng mga estasyon sa Tokyo ang marka o rating nito. Noong unang bahagi ng dekada 1980, tumaas ng husto ang marka nito. Noong 1982, nanalo ito ng "Triple Crown" (Koronang Triple) sa mga marka sa mga nangungunang estasyon para sa unang pagkakataon, at ginawa ang maraming kilalang dramang pantelebisyon at mga palabas na variety. Noong 1997, lumipat ang Fuji Television mula sa Kawata-cho, Distrito ng Shinjuku tungo sa Odaiba, ang sub-sentro ng Rinkai, Tokyo, na nagdulot ng pag-unlad ng lugar sa Odaiba, na halos walang laman noong mga panahon na yaon. Pagkatapos ng dekada 2010, bumagsak ng husto ang marka ng Fuji TV, at nakaranggo ito sa lima ng mga marka ng sambahayan sa lahat ng estasyon sa Tokyo. Subalit, sa kabilang banda, ang Fuji TV ay isang estasyon ng sari-saring operayon sa industriyang telebisyong Hapones at isang mas mataas na proporsyon ng kita mula sa mga departamento sa labas ng pangunahing negosyo. Karagdagan pa dito, ang Fuji TV ang unang estasyon ng telebisyon sa Hapon na nagbrodkast at gumawa ng seryeng animasyon na gawang-lokal.

Mga tanggapan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang punong himpilan ng Fuji Television sa 2-4-8, Daiba, Minato, Tokyo.[2] Matatagpuan ang tanggapan sa Kansai sa Silangang Aqua Dojima, Dojima, Kita-ku, Osaka. Matatagpuan ang tanggapan sa Nagoya sa Telepia, Higashi-sakura, Higashi-ku, Nagoya. Mayroon di ang estasyong telebisyong Hapones ng 12 tanggapang kagawaran sa ibang bahagi ng mundo sa mga lokasyon sa mga bansa, tulad ng Pransya, Rusya, Estados Unidos, Timog Korea, Tsina, Thailand at Reyno Unido.[3]

  1. Hapones: 株式会社フジテレビジョン Hepburn: Kabushiki gaisha Fuji Terebijon
  2. Hapones: フジテレビ Hepburn: Fuji Terebi
  3. Hapones: 株式会社フジ・メディア・ホールディングス Hepburn: Kabushiki gaisha Fuji Media Hōrudingusu

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Radio Regulatory Council - 934th Meeting" (PDF). Soumu.go.jp (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2011-03-23. Nakuha noong 2022-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Fuji TV Headquarters". architectuul.com. Nakuha noong 2017-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Overseas Offices - FUJI TELEVISION NETWORK, INC". Fujitv.co.jp (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)