Fantastic Four
Ang Fantastic Four ay isang piksiyonal na superhero team na lumalabas sa American comics na inilathala ng Marvel Comics. Ang grupo unang lumabas sa The Fantastic Four #1 (pesta ng pabalat: Nob. 1961), na nakatulong upang maghatid ng isang bagong antas ng realismo sa medium. Ang Fantastic Four ay ang unang superhero team nilikha ni writer-editor Stan Lee at artist/co-plotter Jack Kirby, na bumuo ng isang tulunang diskarte sa paggawa ng komiks sa na sinimulan mula sa seryeng at sa mga sumunod pa.
Ang apat na mga indibidwal kaugaliang nauugnay sa Fantastic Four, na nakakuha ng superpowers matapos malantad sa cosmic rays sa panahon ng isang misyong pang-agham sa outer space, ay sina Mister Fantastic (Reed Richards), isang henyo sa agham at ang lider ng pangkat, na may kakayahang mabanat ang kanyang katawan sa mga hindi kapanipaniwala haba at hugis; Invisible Woman (Susan "Sue" Storm), na sa huli ay pinakasalan si Reed, na may kakayang gawang invisible (hindi nakikita) ang kanyang sarili at nang lumaon ay may kakayang gumawa ng malalakas na force field; Human Torch (Johnny Storm), nakakabatang kapatid ni Sue, na kakayang lumikha ng apoy, palibutan ng apoy ang kanyang sarili at lumipad; at ang malahalimaw na si Thing (Ben Grimm), ang kanilang kaibigang mainitin ang ulo ngunit mabait, isang dating college football star at college roommate ni Reed at ang isang mahusay na piloto, na nagtataglay ng superhuman na antas sa lakas, tibay, at tatag dahil sa taglay niyang malabatong laman.
Bilang unang seryeng superhero team ng Marvel Comics, ito ang bumuo ng isang pundasyon sa pag-akyat ng kompanya noong dekada 1960 mula sa isang maliit na sangay ng isang kompanyang tagalimbag patungo sa isang pop culture conglomerate. Ang serye ay nagpatuloy na nagtanghal sa talento ng manlilikha ng komiks gaya nina Roy Thomas, John Buscema, George Pérez, John Byrne, Steve Englehart, Walt Simonson, at Tom DeFalco, at isa sa ilang serye ng Marvel na nagsimula sa Pinalakang Panahon ng Komiks na patuloy inilalathala hanggang 2015.
Mula sa unang pagpapakilala nong 1961, ang Fantastic Four ay inilalarawan na medyo problemado ngunit mapagmahal na pamilya. Sa pagbaluktot ng kombensiyon sa iba pang comic book archetypes ng panahon, sila ay nagbabangayan at nagkimkim ng sama ng loob na minsang mababaw o malalim, at tinalikuran ang anonymity upang maging celebrity. Ang koponan ay kilala para sa kanilang paulit-ulit na tagpo sa mga karakter gaya ng kontrabidang hari na si Doctor Doom, ang kumakain ng planta na si Galactus, ang prinsipeng naninirahan sa dagat na si Namor, ang taga-outerspace na si Silver Surfer, at ang mga napapalit-anyong alien na Skrulls.
Ang Fantastic Four iniangkop na rin sa ibang media, kasama dito ng apat na animated series at apat na pelikulang live-action.