Pumunta sa nilalaman

Dibuhante

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang drafter o dibuhante (draughtsman/draftsman sa Britong/Amerikanong Ingles) ay taong gumagawa ng nga teknikal na guhit at plano na mula sa pamamatnugot ng isang arkitekto o inhiniyero.

Sa nakararaan, ang mga drafter ay umupo sa mga tablang=pangguhit at gumamit ng mga lapis, kumpas, protraktor, tatsulok, at iba pang mga kasangkapan upang makagawa ng mga plano. Mula sa mga taong 1980 hanggang 1990, nagsisimulang mawala sa uso ang manu-manong na pagguguhit dahil nagsimula na yumabong ang disenyong gabay ng kompyuter (computer aided design o CAD), na nakakagawa ng mga teknikal na guhit nang mas mabilis kaysa sa mga tradisyunal na pamamaraan. Ngunit, guhit-kamay pa rin ang saligan ng sistemang CAD. Dahil dito, ang ibang mga drafter ay maaaring tawaging aparatista ng CAD.

Gamit ang CAD, kaya ng mga drafter na gumawa at magtipon ng mga guhit na elektronik upang matignan, mailimbag, o maiprogramang direkta sa mga sistemang yumayari gamit ng makina. Ang mabilisang paghahanda ng mga salin ng disenyo ay nagagabayan din gamit ng CAD. Kahit malawak-lawak ang paggagamit sa CAD, ito pa rin ay isang kasangkapan lamang. Ang mga drafter ay nangangailangan ng kaalaman tungkol sa pagguhit ng tradisiyunal pa rin. Kaya kahit halos buong mundo na ang gumagamit nito, ang pagguguhit sa pamamaraang tradisyunal ay napapairal sa ibang gamit.