David Livingstone
Si David Livingstone (19 Marso 1813 – 1 Mayo 1873) ay isang Eskoses na tagapanimulang misyonerong pangmedisina na Kongregasyunalista para sa Lipunang Misyonero ng London at isang eksplorador sa Aprika. Ang kaniyang pakikipagtagpo kay Henry Morton Stanley noong 10 Nobyembre 1871 ay nagpalitaw sa tanyag na siping pagbanggit sa wikang Ingles na "Dr. Livingstone, I presume?" (Malamang ikaw ay si Dr. Livingstone?).
Marahil siya ang isa sa mga pinakabantog na mga pambansang bayani ng hulihan ng ika-19 na daantaon sa Britanyang Victoriano. Si Livingstone ay nagkaroon ng isang mitikong katayuan, na naganap sa ilang mga magkakaugnay na mga antas: bilang isang martir na misyonerong Protestante, bilang isang tao na dumanas ng kuwentong nakapagbibigay ng inspirasyon dahil sa pagiging mahirap niya na naging mayaman, bilang isang imbestigador na makaagham at eksplorador, bilang isang repormador na imperyal, bilang isang krusador na laban sa pang-aalipin, at bilang tagapagtaguyod ng imperyong pangkomersiyo.
Ang kaniyang kabantugan bilang isang eksplorador ay nakatulong sa pagpapasulong ng pagkahumaling sa pagtuklas sa pinagmumulan ng tubig ng Ilog Nilo na bumuo sa paghantong sa klasikong kapanahunan ng Europeong panunuklas na pangheograpiya at penetrasyong pangkolonya sa lupalop ng Aprika. Gayundin, ang kaniyang mga paglalakbay na pangmisyonero, "pagkawala" at kamatayan sa Aprika, at kasunod na gloripikasyon o pagluluwalhati bilang pambansang bayani pagkalipas ng kaniyang kamatayan noong 1874 ay humantong sa pagtatatag ng ilang pangunahing mga inisyatibo o pagpapasimula na pangmisyonerong Kristiyano sa gitnang Aprika, na ipinagpatuloy sa kapanahunan ng Europeong "Pakikipag-agawan para sa Aprika".[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ John M. Mackenzie, "David Livingstone: The Construction of the Myth," in Sermons and Battle Hymns: Protestant Popular Culture in Modern Scotland, ed. Graham Walker and Tom Gallagher (Edinburgh: Edinburgh University Press, 1990).