Pumunta sa nilalaman

Dashi-Dorzho Itigilov

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dashi-Dorzho Itigilov (1852-1927)

Si Dashi-Dorzho Itigilov (Ruso: Даши-Доржо Итигэлов) (1852–1927) ay isang Buryat na Budistang lama ng tradisyong Tibetan Budista na mahusay na kilala sa kanyang tulad ng buhay na estado ng kanyang bangkay na iniulat na hindi sumailalim sa masroskopikong pagkabulok.

Si Itigilov ay ipinanganak noong 1852 at nagsimula ng kanyang edukasyong relihiyoso sa edad na 16. Siya ay nag-aral sa Anninsky Datsan na isang unibersidad na Budista sa Buryatia na tanging mga giba ay natitira at nagkamit ng diploma sa medisina at pilosopiya. Sa panahong ito, kanyang isinulat ang ensiklopedya ng parmakolohiya. Noong 1911, siya ay hinirang na ika-12 na Pandido Khambo Lama na kung saan ay sinimulan niya ang panahon ng muling pagbuhay na Budista sa mga Buryat. Sa pagitan ng 1913 at 1917, siya ay prominente sa buhay espiritwal ng Imperyal na Rusya. Siya ay lumahok sa mga tersentenaryong pagdiriwang ng Bahay ng Romanov at nagbukas ng Gunzechoyney datsan na unang templong Budista sa St. Petersburg at Europe. Siya ay pinagkalooban ni Ang tsar ng Orden ni San Stanislaus noong 19 Marso 1917. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, si Itigilov ay nangasiwa sa lipunan ng mga "kapatirang Buryat" na isang organisasyong tumutulong sa hukbong Ruso ng salapi, mga probisyon, mga damit at mga gamot. Siya ay tumulong rin sa pagtatag ng mga ospital na ang mga doktor na lama ay tumutulong sa mga nasugatang sundalo. Dahil sa kanyang pagkakawang gawa, siya ay ginawaran ng Orden ni Santa Ana. Noong 1926, pinayuhan ni Itigilov ang mga mongheng Budista na lumisan sa Rusa dahil ang katuruang pula ay darating sa lupain. Kanyang pinili na manatili sa bansa. Pagkatapos ng isang taon sa edad na 75, kanyang hiniling sa mga ibang lama na simula ang mga seremonyang pagninilay nila at mga ritong puneral dahil kanyang sinabi na siya ay mamamatay na. Hindi ninais na isagawa ng mga lama ang pagninilay nilay na ito dahil si Itigilov ay buhay pa. Dahil dito, si Itigilov ay nagsimulang magnilay nilay ng mag-isa hanggang sa siya ay salihan ng ibang mga lama at ang kanyang katawan ay huminto sa paghinga.

Pagkatapos ng kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Itigilov ay nag-iwan ng isang testamento na humihiling na ilibing na isang posisyong lotus. Ayon sa kanyang mga kahilingan, siya ay inilagay sa isang kahon ng pine at inilibing sa isang bumkhan (na libingan para sa mga lama) sa lokalidad ng Khukhe-Zurkhen (Dark-blue Heart sa wikang Buryat). Ang isa sa mga sugnay ng kanyang testamento ay nagsaad na ang kanyang katawan ay dapat hukayin ng ibang mga monghe sa loob ng ilang mga taon. Ang sugnay na ito ay pinakahulugan ng kanyang mga tagasuporta upang ipakita ang kanyang prekognisansiya ng pagiging hindi nabulok ng kanyang katawan.

Pagkatapos ng 28 o 30 taon, ang katawan ni Itigilov ay hinukay at siniyasat ng mga mongheng Budista na namanghang mapagmasdan na wala itong mga tanda ng pisikal na pagkabulok. Ang kanyang katawan ay muling inilibing sa isang walang markang libingan at ikinahon ang kanyang kabaong na kahoy sa asin.[1] Noong Setyembre 11, 2001, ang kanyang katawan ay muling hinukay sa presensiya ng mga pinuno ng Budistang tradisyonal na sangha ng Rusya. Ang kanyang katawan ay inilipat sa Ivolginsky datsan (na isang tirahan ng kasalukuyang Hambo Lama) kung saan ay malapit itong sinuri ng mga monghe at siyentipiko at patolohista. Ang opisyal na pahayag tungkol sa katawan ay ito "ay nasa kondisyon ng isang namatay ng nakalipas na 36 oras", napakahusay na naingatan nang walang mga tanda ng pagkabulok na may mga buong masel at panloob na tisyu, malambot na mga kasukasuan at balat.[2] Siya ay nilapitan ng mga mongheng budista bilang isang buhay na tao at nakipagkamay sa kanya. Ang ilang mga deboto ay nag-angking si Itigilov ay buhay at tanging nakalubog sa isang hibernasyon o tulad ng nirvana na estado. Noong Abril 23,2003, ang konperensiyang Budista ay kumilala sa katawan ni Itigilov bilang isa sa mga sagradong bagay na Budista ng Rusya. Sa panahong ito, kanilang inilagay ang batong pundasyon ng isang templong pinangalanang Itigel Khambyn ordon at kinonsagra kay Dashi-Dorzho Itigilov.

Sa Moscow, ang eksperto ng Center for Biomedical Technologies na si Vladislav L. Kozeltsev ay nagsabing ang asin sa kabaong ay maaaring nagpabagal ng pagkabulok ngunit hindi lamang ang makakapagpaliwang ng presebasyon ng katawan ni Itigilov. Ang ilang mga paktor ay kinabibilangan ng lupa at kondisyon sa kabaong. Ayon kay Kozeltsev, mas malamang na si Itigilov ay dumanas ng isang depekto sa gene na nagpapabilis ng pagkabulok ng istrukturang selular ng katawan pagkatapos ng kamatayan.[1] Kanyang idinagdag, na hindi mo maaaring hindi isama ang ilang mga sikretong proseso ng pageembalsamo.[1] Ayon kay Hambo Lama Ayusheyev, ang katawan ay naingatan dahil si Itigilov ay nagkamit ng isang tumaas ng estado ng pag-iral sa pamamagitan ng pagninilay nilay na kilala bilang shunyat o pagiging walang laman.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]