Pumunta sa nilalaman

Cyrano de Bergerac

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cyrano de Bergerac
Kapanganakan6 Marso 1619[1]
  • (Île-de-France, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan28 Hulyo 1655[1]
MamamayanPransiya[2]
NagtaposLycée Louis-le-Grand
Trabahomandudula, makatà, manunulat,[1] pilosopo, manunulat ng science fiction, nobelista

Si Hector Savinien de Cyrano de Bergerac (6 Marso 1619 o bandang 1620[3] – 28 Hulyo 1655[3]) ay isang Pranses na makata[4], dramatista, kawal[4], at duwelistang higit na naaalala dahil sa kanyang maraming mga gawang likhang-isip na napapalibutan ng kanyang kuwento ng sariling buhay. Sa mga akdang kathang-isip na ito, mayroon siyang katangian ng pagkakaroon ng napakalaking ilong. Batay sa mga larawan ni de Bergerac, mayroon nga talaga siyang malaking ilong, ngunit hindi naman kasinlaki ng nilalarawan sa dula ni Edmond Rostand at sa mga sumunod pang mga akda tungkol sa kanya. Pero nakatagpo ng bagong kasiglahan ang kabantugan ni de Bergerac nang maging bayani o bida siya sa komedyang romantiko ni Edmond Rostand[3][4], bagaman hindi nakabatay ang takbo ng salaysay sa katotohanan. Nakatayo ang isang estatuwa niya sa bayan ng Bergerac, Dordogne.

Ipinanganak si Cyrano de Bergerac sa Perigord. Naglingkod siya sa hukbong katihan mula 1637 hanggang 1640. Pagkaraang maaksidente, nagtuon siya ng pansin sa pagsusulat.[4]

Bilang may-akda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong kanyang kapanahunan, bagaman hindi gaanong pinapansin ng kanyang mga kapwa Pranses, hinangaan siya ni Moliere. Sa loob ng maraming mga taon, mas ninanais ang kanyang mga gawa sa Inglatera sa halip na sa Pransiya. Nagbigay ng inspirasyon sa mga Ingles na manunulat na katulad nina Dean Swift, may-akda ng Erewhon, at Samuel Butler, partikular na ang Voyage to the Moon ("Paglalakbay Patungo sa Buwan"; may orihinal na pamagat na Comic History of the States and Empires of the Moon and the Sun o "Nakakatawang Kasaysyan ng mga Estado at mga Imperyo ng Buwan at ng Araw") ni de Bergerac, na isang satirikong akda na kinapapalooban ng mga makinang lumilipad at mga gramopono.[3]

Bilang duwelista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 19 na taong gulang, sumali siya sa Rehimento ng mga Bantay, at nakilala sa kanyang katapangan. Bukod sa pagiging marunong sa buhay at makata, kilala rin siya sa pagiging isang duwelista o tagapaglaban. Noong 20 taong gulang, natagpuan niya ang isang pangkat ng isandaang mga lalaki na nagnanais na insultuhin ang isang kaibigan. Sinagupa niya ang mga ito, nakapatay ng dalawa, nasugatan ang pito sa mga ito, at napaalis ang mga natitira pa.[3]

Namatay siya sa Paris, Pransiya noong 1655, dahil sa mga sugat na natamo mula sa[4] pagkakabagsak sa kanya ng isang malaking biga (isang piraso ng balangkas ng isang gusali) habang nasa kalsada.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb11898355k; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. https://www.biografiasyvidas.com/biografia/c/cyrano.htm.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Savinien Cyrano de Bergerac, ipinanganak noong bandang 1620 at namatay noong 1655". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 265.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 "Savinien de Cyrano de Bergerac". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik C, pahina 626.


TalambuhayPransiyaPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.