Blue Beetle
Ang Blue Beetle ay ang pangalan ng tatlong kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng iba't ibang mga kompanya simula pa noong 1939. Ang kamakailan lamang kompanya na nagmamay-ari kay Blue Beetle ay ang DC Comics na binili ang karapatan sa karakter noong 1983, gamit ang pangalan ng tatlong natatanging karakter sa paglipas ng mga taon.
Nalikha ang orihinal na Blue Beetle ng Fox Comics at sa kalaunan ay naging pagmamay-ari ng Charlton Comics. Si Dan Garret (binaybay sa kalaunan bilang Dan Garrett) ang unang Beetle, na unang nakuha ang higit-sa-taong kapangyarihan mula sa isang natatanging bitamina, na napalitan sa kalaunan ang pagkuha ng kapangyarihan mula sa isang "sagradong scarab." Hindi lamang naitampok ang orihinal na Blue Beetle sa sariling komiks nito kundi pati na rin sa seryeng pang-radyo.
Ang ikalawang Blue Beetle, nilikha ng Charlton at kinuha ng DC Comics sa kalaunan, ay humalili kay Dan Garrett at nakilala bilang si Ted Kord. "Tumalon" si Kord sa DC Comics universe noong Crisis on Infinite Earths kasama ang ilang ibang mga karakter sa Charlton Comics. Bumida sa kalaunan ang ikalawang Blue Beetle sa kanyang sariling 24 isyung komiks. Hindi kailanman nagkaroon ng higit-sa-taong kapangyarihan si Kord subalit ginamit ang agham upang makagawa ng iba't ibang kagamitan upang makatulong ito sa kanyang paglaban sa krimen. Naging kasapi siya ng Justice League of America at namatay sa kalaunan noong crossover na Infinite Crisis ng DC Comics.
Si Jaime Reyes ang ikatlong Blue Beetle na nilikha ng DC Comics, na isang tinedyer na natuklasan na ang orihinal na scarab ni Blue Beetle ay nagbabagong-anyo sa isang kasuotang pandigma na pinapahintulot siyang labanan ang krimen at maglakbay sa kalawakan. Sa paglipas ng mga taon, naging kasapi si Reyes ng Teen Titans at bumida sa dalawang Blue Beetle na serye ng komiks. Sa "New 52" reboot ng DC Comics noong 2011, si Jaime Reyes ang pangunahing karakter ng Blue Beetle, na paminsan-minsang binabanggit ang mga nakaraang bersyon. Bagaman, sa mga sumunod na pagpapatuloy na rebisyon na "DC Rebirth", napanumbalik ang mga nakaraang bersyon.
Kasaysayan ng paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang lumabas ang orihinal na Blue Beetle, si Dan Garret, sa Mystery Men Comics #1 (nakapetsa ang pabalat noong Agosto 1939) ng Fox Comics, na ginuhit ni Charles Nicholas Wojtkoski (bilang Charles Nicholas); bagaman pansamantalang krinedito ng Grand Comics Database si Will Eisner bilang manunulat.[1]
Noong kalagitnaan ng dekada 1950, nagsara ang Fox Comics at ibinenta ang plato ng imprenta sa ilang mga kuwento na tinatampukan ni Blue Beetle sa Charlton Comics.[2] Naglathala ang kompanyang iyon ng ilang kalat-kalat na pakikipagsapalaran ng bersyong Ginuntuang Panahon ng karakter bago binago ang bayani noon 1964.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang pamilya ni Wojtkoski ang nagbigay sa online na ensiklopedyang komiks na "The Lambiek Comiclopedia" kasama ang dokumentasyon upang suportahan ang kabuuang kredito ni Wojtkoski. May isang pang tagaguhit, si Charles Nicholas Cuidera, ang gumuhit din kay Blue Beetle sa mga kalaunang kuwento, at inangkin na siya ang lumikha, subalit ang dalubhasa sa kasaysayan ng komiks ay krinedito si Wojtkoski.
- Mougin, Lou. "Mystery Men Comics #1". Grand Comics Database (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 22, 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Charles Nicholas". The Lambiek Comiclopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 17, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Mougin, Lou. "Mystery Men Comics #1". Grand Comics Database (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 22, 2007.
- ↑ "Fox Feature Syndicate" (sa wikang Ingles). Don Markstein's Toonopedia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-15. Nakuha noong Setyembre 13, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ang dalawa unang mga seryeng Charlton ay:
- Mougin, Lou. "Blue Beetle (1955)". Grand Comics Database (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 17, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Blue Beetle (1964)". Grand Comics Database (sa wikang Ingles). Klein, Bob, Ramon Schenk (indexers). Nakuha noong Setyembre 17, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: others (link)
- Mougin, Lou. "Blue Beetle (1955)". Grand Comics Database (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 17, 2010.