Pumunta sa nilalaman

Bagyong Maymay (2022)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
 Bagyong Maymay 
Depresyon (JMA)
NabuoOktubre 11
NalusawOktubre 12
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur1002 hPa (mbar); 29.59 inHg
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022

Ang Bagyong Maymay ay isang maulang bagyo na nanalasa sa Gitnang Luzon, ang ika-13 at ikaunang bagyo sa buwan ng Oktubre 2022 sa Pilipinas na nasa kategoryang tropikal depresyon.[1]

Ang galaw ng bagyong Maymay.

Ika Oktubre 11 bilang isang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Isabela sa layong 105 kilometro (km), silangan ng Baler, Aurora, ang bagyo ay nag-landfall sa vicinity ng Dinapigue, Isabela sa pagitan ng Dilasag, Aurora at kalaunan ay naging low pressure area (LPA).[2]

Nagdulot ng malawakang at rumaragasang pag-baha ang bayan sa Gonzaga, Cagayan dahil sa walang tigil na buhos ng ulan dala ng bagyo. Nagsuspinde ng klase ang mga rehiyon sa Lambak ng Cagayan at nalalabi mga lalawigan sa Gitnang Luzon. Ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Quirino at Aurora ay naghahanda sa pagdaan ng bagyo, Itinaas sa Signal#1 ang mga lalawigan ng Aurora, Cagayan, Isabela at bayan ng Polillo sa Quezon.[3]

Nagdulot ng malawakan at lubog sa baha ang bayan ng Gonzaga, maging ang mga bayan ng Santa Ana, Lal-lo at Sta. Teresita dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.[4][5]

  1. https://www.thesummitexpress.com/2022/10/bagyong-maymay-pagasa-weather-update-october-12-2022.html
  2. https://news.abs-cbn.com/news/10/13/22/walangpasok-sa-oktubre-13-dahil-sa-bagyong-maymay
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-10-22. Nakuha noong 2022-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. https://whatalife.ph/weather-update-october-13-202
  5. https://whatalife.ph/weather-update-october-12-2022
Sinundan:
Luis
Kapalitan
Maymay
Susunod:
Neneng