Pumunta sa nilalaman

Alice Paul

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Alice Paul noong 1901.

Si Alice Stokes Paul (Enero 11, 1885 – Hulyo 9, 1977) ay isang Amerikanang supragista, aktibista, at repormistang panlipunan.[1] Siya ang tagapagtatag ng isang organisasyon na naging National Women's Party (NWP) na nagpunyagi upang makamit ang karapatan sa pagboto ng mga babae.[1] Kasama si Lucy Burns at iba pa, pinamunuan niya ang isang matagumpay na kampanya para sa karapatang bumoto ng kababaihan. Ang kaniyang gawain ay nagbunga sa pagpapasa ng ika-19 na susog sa Konstitusyon ng Estados Unidos noong 1920.[2]

Si Paul ang orihinal na awtor ng isang ipinanukalang Equal Rights Amendment (ERA) o "Susog na mga Karapatang Patas" sa Saligang Batas ng Estados Unidos noong 1923.[3] Ang ERA ay hindi makakarating sa Senado ng Estados Unidos para sa isang pagboto hanggang sa pagsapit ng 1972. Noong taong iyon, naaprubahan ito ng Senado at ipinasa sa mga lehislatura ng estado para sa ratipikasyon (pagtitibay). Kailangan ang pag-aapruba ng 38 mga estado upang maratipika ang susog. Hindi sapat - 35 lamang - ang bumotong sumasang-ayon bago sumapit ang taning na petsa. Subalit, nagpunyagi pa rin ang mga tao upang maipasa ng Konggreso ang ERA noong dekada ng 1970. Mayroong ibang mga tao na nagpupunyagi na maidagdag ang isang bagong susog ng pagkakapantay-pantay sa Konstitusyon ng Estados Unidos. Gayundin, halos kalahati ng mga estado ng Estados Unidos ang umako ng ERA sa kanilang mga saligang batas na pang-estado.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R132.
  2. Jean H. Baker[patay na link] "Placards at the White House," American Heritage, Tagalamig 2010.
  3. "Alice Paul Biography". Lakewood Public Library: Women in History. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-19. Nakuha noong 2006-05-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "ERA Charm Bracelet". National Museum of American History, Smithsonian Institution. Nakuha noong 2008-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Adams, Katherine H. and Michael L. Keene. Alice Paul and the American Suffrage Campaign. University of Illinois Press, 2007. ISBN 978-0-252-07471-4
  • Walton, Mary. A Woman's Crusade: Alice Paul and the Battle for the Ballot. Palgrave Macmillan, 2010. ISBN 978-0-230-61175-7