Adapa
Bahagi ng isang serye hinggil sa |
Mitolohiyang Mesopotamiano |
---|
Relihiyong Mesopotamiano |
Ibang mga tradisyon |
Ayon sa mitolohiyang Mesopotamiano, si Adapa ay isang mamamayan ng siyudad ng Eridu sa Sumerya. Siya ang una sa pitong mga pantas (Apkallu sa wikang Akkadiano o Abgal sa wikang Sumeryo) ng Mesopotamia. Siya ay tumanggi sa kaloob na imortalidad o walang hanggang buhay na inalok ng Diyos. Ang kuwento ni Adapa ay unang pinatutunayan sa panahong Kassite noong ika-14 siglo BCE sa mga pragmentaryong tableta mula sa Tell el-Amarna at mula sa Assur ng huling ikalawang milenyong BCE. Ang mitolohiyang Mesopotamiano ay nagsasalaysay ng pitong mga pantas bago ang malaking baha na ipinadala ng Diyos na si Ea na matalinong Diyos ng Eridu upang magdala ng mga sining sa kabihasnan ng sangkatauhan. Ang una sa mga ito na si Adapa na kilala rin bilang Uan ay nagpakilala ng kasanayan ng mga tamang rito ng pagmamasid na pang-relihiyon bilang saserdote ng templong E'Apsu sa Eridu. Ang mga pantas na ito ay inilalarawan sa panitikang Mesopotamiano blang purong isdang parādu na ang mga buto ay natagpuang nauugnay sa pinakamaagang dambana at pinananatili pa rin bilang banal na katungkulan sa mga presinto ng mga moske at monastreryo sa Malapit na Silangan. Ang Abgallu, pantas (Ab = tubig, Gal = dakila, Lu = tao, Sumeryo) ay nagpatuloy hanggang sa mga panahong Nabateo noong sinasabing panahon ni Hesus bilang apkallum na ginagamit upang ilarawan ang propesyon ng isang uri ng saserdote o pari.
Ayon sa mitolohiyang Mesopotamiano, si Adapa[1] ay isang pantas o matalinong tao mula sa siyudad ng Eridu sa Sumerya na sumusunod sa mga kautusan ng mga Diyos. Ginawa ng Diyos na si Ea si Adapa na pangunahin sa mga tao at pinakalooba niya si Adapa ng karungunan ngunit hindi ng buhay na walang hanggan. Isang araw, habang nangingisda si Adapa, ang katimugang hangin ay marahas na umihip na siya ay tumapon sa karagatan. Sa kanyang galit, kanyang binali ang mga pakpak ng hangin na tumigil sa pagihip. Dahil dito, tinanong ng Diyos na si Anu ang kanyang sugo kung bakit ang katimugang hangin ay hindi umiihip sa lupain sa pitong araw at sumagot ang sugo na binali ito ni Adapa. Ipinatawag ni Anu si Adapa sa mga kalangitan upang ipaliwanag ang kanyang pag-aasal. Pinagbihis ni Ea si Adapa ng damit ng pagdadalamhati at nagpayo na kapag tinanong siya kung para kanino ang kanyang pagpunta sa langit at ang kanyang pagdadalamhati ay para sa dalawang Diyos na naglaho sa lupain na sina Tammuz at Ningishzida (Diyos na orihinal na may anyong Ahas).[2] . Binalaan rin ni Ea si Adapa na huwag kainin ang pagkain ng kamatayan na ihahain nila sa kanya ngunit isuot ang mga kasuotang inihain nila at ipahid ang langis na ihahain nila. Sinunod ni Adapa ang payo ni Ea at ang dalawang Diyos ay namagitan kay Anu para kay Adapa. Isinaad nina Ningishzida na dalhin sa kanila si Adapa upang kumain ng pagkain ng buhay ngunit ito ay tinanggihan ni Adapa. Dahil dito, si Adapa ay pinabalik sa mundo.