Transmiter
Sa larangan ng elektroniks at telekomunikasyon, ang transmiter, panradyong transmiter o transmisor ay isang de-kuryenteng aparato na lumilikha ng radio waves sa tulong ng kanyang antena. Nakalilikha ang transmiter ng sariling radio frequency alternating current na siyang natatanggap ng antena. Dahil sa epekto nito, nakagagawa ito ng radio waves. Higit pa roon, may mahalagang papel na ginagampanan ang transmiter sa mga de-kuryenteng kasangkapan na ginagamitan ng panradyong komunikasyon tulad ng telepono, wireless computer networks, mga gadyet na may Bluetooth at mga pintuan ng garahe; gayundin sa larangan ng nabigasyon, mga sasakyang panghimpapawid, pandagat, pangkalawakan, at radar set. Gayunpaman, limitado lamang ito sa mga aparatong pangkomunikasyon na nakalilikha ng radio waves o radyolokasyon tulad ng radar at transmiter na pangnabigasyon. Ang mga dyeneretor ng radio waves na ginagamit sa pagpapainit at sa iba pang larangan ng industriya, tulad ng microwave oven at diathermy equipment, ay hindi madalas tawagin na transmiter kahit na ito ay may kahawig na circuit.
Kadalasang ginagamit ang salitang ito upang tumukoy sa brodkast transmiter, na karaniwang ginagamit sa brodkasting, partikular sa panradyo (FM) o pantelebisyon. Ito rin ay kadalasang sumasaklaw sa paggamit ng tamang transmiter, antena, at sa istrukturang kinalalagyan nito.
Hindi sumasaklaw ang paggamit ng salitang ito na may kaugnayan sa prosesong industriyal. Isinasaad dito na ang transmiter ay kasangkapang telemetry na kung saan ginagawang signal ang mga datos mula sa sensor at naipadadala gamit ang kable na siyang matatanggap ng display o control device sa malayong lugar.
Mga kawing panlabas
baguhin- International Telecommunication Union
- Pahina ng Jim Hawkins' Radio and Broadcast Technology Naka-arkibo 2017-02-02 sa Wayback Machine.
- Websayt ng WCOV-TV's Transmitter Technical Naka-arkibo 2006-07-03 sa Wayback Machine.
- UK television transmitters.
- Details of UK digital television transmitters
- Richard Moore's Anorak Zone Photo Gallery of UK TV and Radio transmission sites Naka-arkibo 2012-12-09 at Archive.is