Esp 6 Q2 Week 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 94

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Week 5
Day 1
Ideya mo
igagalang ko
Balikan ang nakaraang aralin.

Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang


TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng paggalang at MALI kung ito ay hindi
nagpapakita ng paggalang.

1. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga


ideya ng kaniyang kapangkat.
2. Tinangga nang maluwag ni Kasim na hindi
maisasama ang kaniyang ideya sa plano
ng kanilang klase.

3. Iniwasan ni Salma ang mga kaklaseng


nagbigay ng puna sa kaniyang gawa.
4. Isinaalang-alang nina Raisa ang mga opinyon
ng nakatatanda at nakababata ukol sa
piging na magaganap sa kanilang lugar.

5. Sumama ang loob ni Jana nang hindi isinama


ang kaniyang ideya sa pagbuo ng
kanilang proyekto sa Edukasyon sa
Pagpapakatao.
Naranasan mo na bang mapuri dahil sa maganda
mong ginawa? Kung hindi ito napansin
ninuman, ano kaya ang naramdaman mo?
Sa mga pagkakataon na gumagawa tayo ng
pasiya, hinihingi natin ang suhestiyon ninuman
sa ating paligid: magulang, kapatid, kamag-anak,
kaibigan, kaklase o sinumang tao na sa palagay
natin ay maaaring makatulong sa atin.

Ang kanilang mga suhestiyon ay ginagawa nating


gabay upang matimbang ang mga bagay-bagay
at makapili ng pinakamainam sa lahat.
Ang pagbibigay ng opinion ng ating kapuwa ay maaaring
makapagdulot ng iba’t ibang damdamin. Maaari itong
makapagbigay ng positibo o negatibong pakiramdam.

Anuman ang sabihin ng ating kapuwa sa ating ginawa,


tumigil sandal, suriin at pagnilayan ang pagsisikap na
inilaan sa isang Gawain upang maging makatotohanan
ang ebalwasyon. Kung hindi man tayo sang-ayon sa
kanilang sinasabi dapat pa rin natin itong igalang dahil
mahalaga sa atin ang suhestiyon ng ating kapuwa.
Ating nalaman na magkakaiba man tayo ng mga
perspektibo sa buhay, palaging piliin ang
pagkakaroon ng pagtanggap, pagtanggap sa
kagustuhan ng iba.

Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng


pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ang
pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang
nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang.
Sa bahaging ito, ating tuklasin ang mga
nagpapakita ng paggalang sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halaga sa ideya o sushestiyon ng
isang batang tulad mo.

Ating Alamin!
Panuto: Gamit ang Graphic organizer na
Concept Mapping punan ang mga sangay nito
na nagpapakita ng paggalang sa ideya o
suhestyon sa kapwa kalaro.
Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
Ekis Mo, Tsek ko

Panuto: Basahin ang mga nakatala sa ibaba.


Pagkatapos, lagyan ng tsek (√) ang kahon kung
nagpapahaya ito ng paggalang sa ideya o
suhestiyon ng kapuwa at ekis (X) kung hindi.
Ano ang kahalagahan ng paggalang sa ideya o
suhestiyon ng kapuwa?

Paano maiiwasan ang pagbigay ng ideya o


suhestiyon na makasasakit ng damdamin ng
ibang tao?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel .
1. Paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng
kapuwa kalaro?
A. Ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng ideya o
suhestiyon
B. Pakinggan ang sinasabi at pag-aralan o timbangin kung
makatutulong ang ideya.
C. Sang-ayunan agad ang ibinigay na ideya o suhestiyon ng walang
dahilan
D. Pakinggan ang sinasabi at sabihan agad na mali ang kanyang
ideya o suhestiyon
2. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng
paggalang sa ideya o suhestiyon ng iyong kapwa kalaro
maliban sa isa:
A. Maging bukas tayo sa mga ideya ng iba, ngunit kailangan
muna nating suriin kung ito ba ay makabubuti o makasasama
B.Kung may pagkakataon na hindi nagustuhan ang naibigay
na ideya sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-
usap
C. Iwasang magbigay ng mga ideya o suhestiyon na
makakasakit sa damdamin ng iyong kalaro
D. Balewalain ang ideya o suhestiyon ng kalaro dahil hindi
siya ang namumuno
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI
kasingkahulugan ng salitang “suhestiyon”.

A. Kaalaman
B. Ideya
C. Kaisipan
D. Pananaw
4. Ang pakikinig sa ideya o suhestiyon ng kapwa
kalaro ay nagpapakita ng _____________.

A. Mapagmahal
B. Maunawain
C. Pagkamagalang
D. Pagiging mabait
5. Ito ang antas ng pakikilahok na kung saan
kinakailangan mong making sa ideya o
suhestiyon ng iba na maaaring makuha sa isang
proyekto o gawain.

A. Konsultasyon
B. Sama-samang pagpapasya
C. Impormasyon
D. Sama-samang pagkilos
THANK YOU FOR
LISTENING!!!
Day 2
Ideya mo
igagalang ko
Balikan ang nakaraang leksyon…
Basahin ang sitwasyon.

Isang tsismis ang ipinagkakalat ni Rosana sa


kaniyang mga kaklase tungkol kay Tim sa
pamamagitan ng isang text message.

Ipinaalam ito kay Tim ng isa nilang kaklase. Sa


muling pagkikita nina Rosana at Tim, ano ang
dapat gawin ni Tim?
A. Magtanim ng galit kay Rosana at huwag na itong
kakausapin.

B. Pabayaan na lamang ipagkalat ang tsismis dahil


hindi naman ito totoo.

C. Komprontahin si Rosana at awayin ito upang


malaman niyang mali ang kaniyang ginawang paninira.

D. Lapitan si Rosana at yayaing mag-usap ng maayos


at alamin kung totoo ang sumbong na natanggap
Talakayin ang sagit ng mag=aaral.
Sa bahaging ito, ating alamin ang kahalagahan ng
paggalang sa idea o suhestiyon ng kapuwa. At pagkilala
sa halaga ng tao o bagay na nakapagpapatibay sa
kahalagahan ng paggalang.

Tandaan
Paggalang sa Ideya o Suhestiyon ng Kapuwa

 Ang pagbibigay ng opinyon sa ating kapwa ay maaaring


makapagdulot ng iba’t ibang damdamin. Maari itong
makapagbigay ng psitibo o negatibong pakiramdam.
 Ang paghingi ng tulong o opinyon ukol sa isang
gawaing sisimulan ay nakatutulong sa
pagsasakatuparan nito.

Mainam din na makinig sa suhestiyon ng ibang mga


tao upang maging bukas ang isip sa mga ideya na
ibibigay nila.
 Anuman ang sabihin n gating kapwa sa ating
ginawa, tumigil sandali, suriin at pagnilayan ang
pagsisikap na inilaan sa isang Gawain upang
maging makatotohanan ang ebalwasyon.

Kung hindi man tayo sangayon sa kanilang sinasabi


dapat pa rin natin itong igalang dahil mahalaga sa atin
ang suhestiyon n gating kapwa.
Sagutin:

1. Paano ka makapagpapahayag ng may


paggalang at respeto sa ideya o suhestiyon
ng ibang tao?

2. Ano ang maaaring maging epekto ng


pagpapahayag mo na hindi isinasaalangalang
ang damdamin ng iyong kapuwa?
3. Paano maiiwasan ang madaliang paghuhusga
at pagbibitiw ng masasakit na salita sa kapuwa
habang nagbibigay ito ng kaniyang ideya o
suhestiyon?

4. Ano ang kahalagahan ng pagbibigay galang sa


ideya o suhestiyon ng kapuwa?

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita


ang pagiging bukas sa opinion ng iba?
Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
Punan Mo Ako

Panuto: Buuin ang pangungusap. Punan ng


angkop na salita ang bawat patlang gamit ang
mga salita na nasa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na
paglilingkod sa _____________ na may kalakip
na pagmamahal at pagpapatawad.

2. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng


bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng
angkop na paraan ng ________________.
3. Sikaping huwag makasakit sa damdamin ng
______________ habang nagbibigay ng ideya o
suhestiyon.

4. Tanggapin ang ________________________


ng iba lalo na kung makakabuti ito.

5. Dahil sa ideya o suhestiyon ng iba,


_______________ ay may solusyon.
Paano mapahahalagahan ang paggalang sa
ideya o suhestiyon ng kapuwa?

Ano ang makukuha mo sa pagiging bukas sa


opinion ng iba?
Sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, may mga
pagkakataon na nagpapakita ng paggalang at di-
paggalang sa pagbibigay ng suhestiyon o ideya.
Ilagay ang ( ♥ ) kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa pagbibigay ng suhestiyon o ideya
at ( Λ ) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
_____1. Hindi raw maganda ang boses ko sabi ni
Dan. Ayoko na uling kumanta.

_____2. Mataas ang nakuha nating marka sa


pangkatang gawain dahil masisipag tayo. Sana
tayo uli ang magkakagrupo.
_____3. ‘Wag ka na lang sumali sa amin Gen,
hindi ka naman magaling sumayaw.

_____4. Huwag kang susuko Pat, ipagpatuloy mo


lang ang pagtutula mo, gagaling ka rin.

_____5. ‘Di na natin kailangang ipagpatuloy ang


proyekto natin, hindi naman tayo tinutulungan ng
ating mga kagrupo
_____6. Sa dami ng iyong sinasabi hindi na kita
maintidihan kaya kung pwede tumigil ka na.

_____7. Kelly paki sabihan naman ang kapatid


mo na gumising ng maaga para hindi na siya
mahuli sa klase.

_____8. Wala na akong pakialam kung tama o


mali itong gagawin nating proyekto, bahala na!
_____9. ‘Wag na tayong mag-aral. Mangopya na
lamang tayo sa pagsusulit mamaya.

_____10. Salamat sa pagpapahiram mo ng


ballpen. Hayaan mo babawi ako sa iyo.
THANK YOU FOR
LISTENING!!!
Day 3
Ideya mo
igagalang ko
Balikan ang nakaraang aralin.
Tuwing linggo ay nakaugalian na ni Manoy
magpatugtog ng malakas ng kaniyang mga
paboritong awitin na kung kaniyang tawagin ay
Sunday’s Best. Sumapit ang isang linggo na sa
kaniyang pagpapatugtog ay may pumunta sa
kanilang bahay at nakiusap na hinaan ang
kaniyang music dahil ang kaniyang kapitbahay ay
may prayer meeting. Kung ikaw si Manoy, ano
ang gagawin mo?
A. Pagsasabihan ang kapitbahay na sa ibang
lugar na lamang sila mag-prayer meeting.

B. Ititigil muna ang pagpapatugtog at maghanap


ng ibang pagkakaabalahan bilang respeto sa
kanilang aktibidad.
C. Hihinaan ang pagpapatugtog at magdadabog
upang malaman ng kapitbahay na nagambala
nila ang aking pakikinig.

D. Ipagpapatuloy ang pagpapatugtog ng malakas


sapagkat ito ay ginagawa naman niya sa loob ng
kanilang bahay.

Talakayin ang sagit ng mag=aaral.


Huwag kang matakot sabihin ang iyong saloobin
at buksan ang iyong isip sa ideya ng iba. At isa
naman sa mahalagang dapat isaalang-alang ay
ang mga paraan ng pagpapakita at pagtanggap
ng ideya o suhestiyon ng may paggalang.

Napakahalaga na ito ay iyong matutuhan


sapagkat inaasahan na makakasalamuha mo
ang iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang pag-uugali,
paniniwala, kultura, hilig o paninindigan.
Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, may mga paraan
upang ito ay harapain at unawain. Ang mga paraan
na tatalakayin ay makakatulong rin upang
magkaroon ng magandang ugnayan sa kapwa.

1. Sa pagtanggap ng anomang ideya o


suhestiyon ay matutong makinig. Madaling sabihin
ngunit mahirap gawin sapagkat maaaring naririnig
natin ang suhestiyon ng ating kapwa ngunit
lumalabas naman ito sa kabilang tainga.
Bagamat may mga pagkakataon na may
sumasalungat sa iyong ideya, pakinggan mo pa
rin ito at ituon ang iyong atensiyon dito. Kung
gusto mong maipakita ang paggalang sa
pagbibigay o pagtanggap ng suhestiyon dapat
ay matuto ka muna makinig sa mga sinasabi ng
iyong kapwa. Itigil mo muna ang iyong mga
ginagawa at tumingin ka sa iyong kinakausap
bilang respeto.
2. May mga pagkakataon na may mga hindi
magandang nangyayari sa araw natin at sa ating
kapwa tulad ng mga simpleng pagkakamali o
pagkabigo sa gawain o proyekto. Kung ito man ay
makaharap mo, subukan mo munang pasiglahin
ang iyong kapwa sa pamamagitan ng pagsasabi
tulad halimbawa ng “huwag kang mag-alala,
maaayos rin natin iyan.”25 PIVOT 4A
CALABARZON EsP G6
3. Ang pagpapasigla bago magbigay ng anumang
suhestiyon o ideya ay isang paraan upang ipakita
ang iyong paggalang sa anumang pinagdadaanan
ng iyong kapwa. Sa tuwing nakakagawa ng mabuti
ang iyong kapwa, batiin mo siya at bigyan ng
pugay ang kaniyang mga mabuting nagawa. Sa
pamamagitan nito ay makukuha mo ang kanilang
interes at respeto. Huwag kakalimutan na sa
pagbibigay ng suhestiyon ay mag-alok ka ng
tulong na maaari mong maibigay sa iyong kapwa.
4. At palaging magpasalamat at matutong
makisuyo (paggamit ng salitang pakiusap/paki).
Sa tuwing makikinig sa ideya o suhestiyon ng
iyong kapwa, palaging magpasalamat tanggapin
mo man ito o hindi.
5. At sa tuwing magbibigay ng suhestiyon ay
gumamit ng “paki, makikisuyo” upang ipakita ang
paggalang sa pagbibigay ng ideya at suhestiyon.
Habang nasa hapag kainan ang pamilya Cruz,
naibahagi ng panganay na si Tracy ang kaniyang
pagsali sa isang poster making contest.

Humingi siya ng suhestiyon sa kaniyang pamilya.


Iminungkahi ng kaniyang kapatid na si Bea na
mahusay rin sa paglikha ng poster na lumikha ng
panibagong poster na mas maganda ang tema
kesa sa kaniyang nilikha. Kung ikaw si Tracy, ano
ang gagawin mo?
Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang mga
mungkahi o suhestiyon kung paano
masusulusyunan ang bawat suliranin. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Situwasyon 1. Matalik na magkaibigan sina Dennis


at Jose. Sabay nilang ginagawa ang mga takdang
aralin sa paaralan. Pagkatapos ng kanilang
pag-aaral, madalas silang maglaro ng patintero.
Dahil sa COVID – 19, naging madalang na
silang magkasama. Pagkaraan ng ilang buwan,
nalaman ni Dennis na may bago nang kalaro at
kaibigan si Jose. Naging sanhi ito ng kanilang
madalas na pagtatampuhan.

1. Ano ang maipapayo mo kay Dennis?

2. Makatwiran ba ang naiisip ni Jose? Bakit?


Bakit hindi?
Ano ang mahalagang natutunan mo sa aralin
natin ngayon?
Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang mga
mungkahi o suhestiyon kung paano
masusulusyunan ang bawat suliranin. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon 1. Nagkaroon ng pagtatalo ang


magkamag-aral na sina Beth at Irene.
Ipinagkalat ni Beth sa social media na si Irene
ang kumuha ng kanyang nawawalang gamit
gayong wala siyang sapat na basehan.
1. Kung ikaw si Irene, ano ang maari mong
gawin?

2. Ano ang mabisang payo kay Beth upang


maiwasan ang kanilang
hindi pagkakaunawaan?
Sitwasyon 3. Nais lumahok ni Tony sa paligsahan
sa paggawa ng poster sa kanilang paaralan.
Ngunit sinabihan siya ni Linda na wala itong sapat
na kakayahan at maari lang siyang matalo. Dahil
dito, nawala ang tiwala ni Tony sa sarili.

1. Ano ang iyong nais iparating kay Tony?

2. Makatwiran ba ang ginawa ni Linda?


THANK YOU FOR
LISTENING!!!
Day 4
Ideya mo
igagalang ko
Balikan ang nakaraang leksyon…
Ang OFW na nanay ni Jay-r ay darating na sa kanilang
tahanan mula sa 14 na araw na quarantine sa isang
hotel.

Nagsabi ang kapatid ni Jay-r na maglinis ng buong


bahay bilang paghahanda. Subalit abala siya sa
paggawa ng kaniyang proyekto para sa kaniyang online
class. Kung ikaw si Jay-r, ano ang gagawin mo?
Hingin ang ideya o suhestyon ng mag-aaral.
Sa iyong sagutang papel, kopyahin at sagutan ang
gawain. Lagyan mo ng tsek (⎫) kung gaano mo kadalas
naisagawa ang mga gawaing nabanggit sa ibaba.
Batay sa iyong mga sagot, gaano mo kadalas
naisagawa ang pagpapahalaga sa pagbibigay ng
suhestiyon o mungkahi sa iyong kausap
o kaibigan?

Binibigyan mo ba ng halaga ang kanilang mga opinyon


at ideya?
Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
Basahin ang mga diyalogo sa talaan.
Tukuyin kung ito ay nagpapahayag ng pagsang-ayon o
pagsalungat. Lagyan ng tsek ( ⎫ ) ang kolum na
tumutukoy sa tamang sagot. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
Ano ang mahalagang natutunan mo sa
aralin natin ngayon?
Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Kung ikaw ang sinabihan ng mga pahayag na ito,
paano mo ito tatanggapin o haharapin? Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napagalitan


ng aking nanay. Ayoko na sa’yo!

2. Hindi naman nakakatulong ang suhestiyon mo sa


ating pangkat. Tatanggalin ka na lang namin sa grupo.
3. Itigil mo na ang pagguhit mo, hindi naman maganda
ang mga poster mong likha.

4. Sabi ko naman sa’yo eh, tumulong ka lang sa ating


pangkat makakakuha ka rin ng mataas na marka tulad
ko.

5. Kami na lang ang magre-report sa klase hindi ka


naman marunong.

6. Ang galing mo palang kumanta, puwede mo ba akong


turuan?
7. Diyan ako bilib sa’yo! Sinisikap mong matapos ang
takdang aralin ng buong kakayahan at katapatan.

8. Mabagal ka pa lang kumilos, huwag ka ng sumama


sa amin.

9. Pakibilisan naman ang pagkilos baka mahuli na tayo


sa ating klase.

10. Ano ba yan, ako na nga lang ang magsusulat. Para


ka namang ewan magsulat, ang pangit!
THANK YOU FOR
LISTENING!!!
Day 5
Ideya mo
igagalang ko
Balikan ang nakaraang leksyon…
Galit ang tatay nina Ken at Yen dahil nawawalan ito ng
pera sa kaniyang pitaka. Nalaman ni Yen na kinuha ni
Ken ang pera ng kanilang tatay dahil bumili ito ng load
para makapaglaro ng mobile games gayong gipit sila at
pangkain lamang ang ibinibigay sa kanila.

Ano ang dapat gawin ni Yen?


Hingin ang ideya o suhestyon ng mag-aaral
Halina’t tunghayan natin ang istorya nina Tracy at Bea
na tiyak na kapupulutan mo ng aral.
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba. Punan ang sumunod na talahanayan
ng tamang impormasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Inatasan ni Bb. Flores ang kanyang mga mag-aaral na maglunsad ng isang


proyekto upang matulungan ang mga nasalanta ng bago sa karatig bayan.
Hiniling niya na pangunahan ito ng Classroom Officers ng Grade VI-
Gumamela.

Marami ang lumitaw na suhestiyon na ibinigay ang ilangnakibahagi ng


pagpupulong. May ilan na pabor sa pagbibigay ng relief goods. Ang iba ay
nagnanais na mag-feeding program sa lugar. Mayroon namang mas gusto ay
manatili na lamang sa bahay.

Kung ikaw ang naatasang mamuno, ano ang iyong gagawin?

Anong payo ang iyong sasabihin sa tatlong panig na may iba’t-ibang naisin?
Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
Lagyan ng tsek ( ⎫ )kung ang pahayag ay nagpapakita ng
paggalang sa pagbibigay o pagtanggap ng suhestiyon at ekis
( ⎦ ) naman kung hindi, batay sa kuwentong nabasa.

___1. “Anak, maganda ang iyong pagkakagawa, wala na akong


maibibigay na suhestiyon, good luck!”

___2. “Anak, bakit hindi natin tanungin ang kapatid mong si


Bea, mahusay rin siya sa poster making at marami na ring
naipanalo baka mayroon siyang ideya.” Tugon ng tatay niya.
___3. “Ate, sa mga sinalihan ko pong paligsahan,
napansin ko po na ang mga hurado ay gusto ang
matitingkad na kulay at mga positibong tema. Subukan
mo pong gumawa pa ng isa na mas matingkad at positibo
ang tema.”

___4. “Bea, salamat na lang sa suhestiyon mo pero mas


magaling ako sa’yo kaya di ko kailangan ng tulong mo.”

___5. “Bea, susubukan kong gawin ang suhestyon mo.


Tama ka, kulang sa tingkad at pagiging positibo ang aking
likhang poster. Salamat.”
Ano ang mahalagang natutunan mo sa
aralin natin ngayon?
Basahin at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa kagandahang-asal na nararamdaman o


ipinapakita sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin?
A. Ideya C. Pagsalungat
B. Paggalang D. Suhestiyon

2. Ano ang tawag sa hindi maayos na ugnayan ng dalawa o higit


pang panig?
A. Ideya C. Pagsalungat
B. Paggalang D. Suhestiyon
3. Bakit mahalaga ang ideya o suhestiyon?

A. Ito ay makapagbibigay ng mahalagang imbensiyon sa mundo.

B. Ito ay makakatulong sa ating kapwa sa oras ng


pangangailangan.

C. Ito ay magbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa ating


kapwa.

D. Ito ay makakatulong na makabuo ng isang konkretong ideya


maaaring maging kapaki-pakinabang.
4. Isa sa pinakamahalagang imbensiyon sa kasaysayan ng
daigdig ay ang eroplano na likha ng Wright Brothers. Bukod sa
siyensyang ginamit, alin sa mga sumusunod ang isa pang naging
daan upang ito ay kanilang makamit?

A. Humingi sila ng tulong sa kanilang kaibigan.


B. Sila ay nagsumikap hanggang sa matapos ang kanilang
imbensiyon.
C. Dahil sa kanilang pinagsamang ideya ay nabuo ang kanilang
imbensiyon.
D. Dahil sa walang limitasyong imahinasiyon ng tao ay nakaisip
sila ng isang bagay na magbabago sa takbo ng transportasyon
sa daigdig.
5. Pinagalitan si Menchie ng kaniyang nanay at alam niyang hindi
siya ang may kasalanan. Kalaunan ay umamin sa kaniya ang
kapatid niyang si Kris na siya talaga ang may kasalanan at
nangakong sasabihin na ito sa kanilang nanay patawarin lamang
siya. Ano ang dapat gawin ni Menchie?

A. Awayin ang kaniyang kapatid upang makaganti siya.


B. Tanggapin ang suhestiyon ng kaniyang kapatid at patawarin siya.
C. Isumbong ang kaniyang kapatid sa kanilang nanay upang siya
ay maturuan ng leksiyon.
D. Ipagsawalang bahala na lamang ito dahil tapos na itong
mangyari at hindi na ito mababawi pa.
THANK YOU FOR
LISTENING!!!

You might also like