Pananaliksik
Pananaliksik
Pananaliksik
Ang pananaliksik o riserts ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.
Katangian ng Pananaliksik
1. May Layunin (objective) 2. Marami at ibat iba ang ginagamit na datos. 3. May pamamaraan o angkop na metodolohiya. 4. Masuri o Kritikal 5. Dokumentado
Layunin ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos o impormasyon. 2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang idea. 3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu. 4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya. 5. Magpatunay na makatotohanan o valid ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay o pahayag. 6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.
4. Matapat at Responsable
Plagiarism
Ito ang teknikal na salitang ginagamit kaugnay ng pangongopya ng gawa ng iba nang walang pagkilala.
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik 1. Kilalanin mo ang mga ginamit mong idea. 2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso ng may-ari. 3. Iwasang gumawa ng mga personal na obserbasyon. 4. Huwag kang mag-short cut. 5. Huwag kang mandaya.
1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba. 2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa mga pangungusap at hindi kinikilala ang awtor. 3. Pag-angkin at paggaya sa pamagat ng iba.
Mapagkukuhanan ng Paksa sa Pananaliksik 1. Personal na Interes 2. Elektronik Midya 3. Print Midya 4. Brodkast Midya 5. Aklatan 6. Mga Awtoridad 7. Disiplinang Kinabibilangan
Ratings
Pamagat: Isang
Pananaliksik kaugnay sa Sosyolohikal na Epekto ng TV Ratings sa mga Mag-aaral ng Komunikasyon sa DLSU-D taong 2008
1. Pamamaraang Historikal Dito binabalikan ang mga sunud-sunod na pangyayari ng nakaraan, ang punagmulan ng mga dahilan ng mga pangyayari at ang bunga nito.
Dapat sundin sa pamamaraang ito ang mga sumusunod: (1) pagpili at pagbabalangkas ng mga suliranin (2) pangangalap at pagtitipon ng mga datos (3) kritikal na pagsusuri ng mga datos. 2. Pamamaraang Eksperimental Ang pagpapalagay sa maaring maganap ay tinatawag na haypotesis. Ito ay pinatutunayan pa sa pamamagitan ng pagsubok. Samakatwid, sa pamamaraang ito binibigyang pansin ang hinahanap at kung ano ang mangyayari.
3. Pamamaraang Deskriptiv Ito ang pagaaral sa mga pangkasalukuyang ginagawa, kalagayan at mga pamantayan. 4. Pamamaraang batay sa Pamanatayan (Normative) Pinaghahambing sa pagaaral na ito ang resulta ng isang umiiral na batayan o pamantayan.
5. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study) Ito ay may pag-aaral at malawakang pagsusuri sa isang aklat, sa isang partikular na tao, sa isang usaping panghukuman, sa isang karanasan o pangyayari. Mahalaga rito ang pangangalap ng mga kaugnay na karanasan o informasyon at maioakita kung ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyang pinagaaralan.