Pag Uulo NG Balita

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

Pag-uulo ng Balita

Ulo ng Balita o Headline

• Ang pamagat ng isang balita na


makikilala sa pamamagitan ng paggamit
ng higit na malalaking titik kaysa sa
nilalaman.
3 Gamit ng Ulo ng mga Balita

• Upang lagumin o bigyang-boud ang


balita
• Upang pagandahin at gawing kaakit-akit
ang pahina
• Upang bigyang-antas ang bawat balita
Katuturan

• Ito ay dapat na maliwanag at madaling


maunawaan.
• Sa unang tingin pa lamang ng babasa ay
matawag agad ang kanyang pansin.
Katuturan

• Kinakailangang mailahad ang boud o


diwa ng balita at maipakita ang
kahalagahan ng bawat balita sa
pamamagitan ng laki ng ulo.
Estilo sa Pagsulat ng Ulo ng Balita
• Malalaking titik o ALL CAPS
(CALABARZON TINANGHAL NA KAMPEON?

• Malaki-Maliit na Titik o Cap and Lower Case


(Calabarzon Tinanghal na Kampeon)

• Pababa o Down Style


(Calabarzon tinanghal na kampeon)
Tuntunin
• Gamitin ang kuwit sa halip na pangatnig
at pantukoy.

Hal:

Alo at Perez ang nangunguna sa


talumpatian.
Tuntunin
• Iwasang gumamit ng salitang may
dalawang kahulugan.

Hal:

Hindi pantay na tubo, pinag-


awayan ng magkapatid.
Tuntunin
• Huwag puputulin ang salita sa dulo ng
linya.

Hal:

Seminar, ida-
raos sa EQHS
Tuntunin
• Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-
angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.

Hal:

Reyes, nahalal na
pangulo ng
Dramatics
Tuntunin
• Huwag gumamit ng pang-abay na
pananggi.

Hal:

Pulong ng Math Club, hindi


natuloy
Tuntunin
• Daglatin lamang ang mga salitang kilala
at nakaugalian nang daglatin.

Hal:

De La Salle University,
kampeon sa basketball
Tuntunin
• Iwasang ulitin ang mga salita.

Hal:

VAT tatalakayin sa Senado


tatalakayin din sa Kongreso
Tuntunin
• Gamitin ang pandiwang lantad.

Hal:

GMA, maaaring dumalo sa


pulong ng Senado
Tuntunin

• Gamitin lamang ang pangalan ng


tanyag o kilala.
Hal:
Roxas, nagtutulak ng bawal na
gamot, nadakip
Tuntunin
• Gumamit ng pang-uring pamilang kung
mahalaga.

Hal:

Mga mag-aaral nahuli sa ‘pot


session’
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Banner o Banner Headline


-ulo ng pinakamahalaga at
pinakatampok na balitang nagtataglay ng
pinakamalaking titik at pinakamaitim na
tipo.
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Streamer
-isang banner na tumatawid o
sumasakop sa boung pahina.
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Binder
-ulo ng balita na tumatawid sa boung
pahina at matatagpuan sa itaas na bahagi
ng panloob na pahina
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Deck
-pangalawang ulo ng balitang bahagi
pa rin ng banner na nagtataglay ng maliit
na titik at gumagamit ng naiibang tipo
kaysa sa unang ulo.
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Umbrella o Skyline
- natatanging ngalan sa streamer na
matatagpuan sa itaas ng pangalan ng
pahayagan o nameplate at tila isang
paying na sumasakop o sumasaklaw sa
lahat.
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Subhead
-isang napakaikling pamagat na
nagsisilbing pahinga o ang tinatawag na
white space upang hindi maging kabagot-
bagot sa mga mambabasa
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Tagline, teaser o kicker


-isang maikling linya, maaaring isang salita
o parirala lamang, na makikita sa gawing itaas
na bahagi ng pinakaulong balita, sa dakong
kaliwa o sentro nito na gumagamit ng maliit na
tipo at mau salungguhit, at giinagamit bilang
pagganyak sa mga mambabasa
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Boxed Head
-ulo ng balitang ikinahon upang higit
na maitampok ang kahalagahan
Mga Uri ng Ulo ng Balita

Jump Head
-Ulo ng jump story na matatagpuan sa
ibabang pahina.
Pagbilang ng Yunit

• Lahat ng maliliit na titik, maliban sa


maliit na m,w, at j, i, l,f,t =1 yunit
• Maliit na m at w = 1 ½ yunit
Pagbilang ng Yunit

• Maliit na j, i, l, t, at f =½ yunit
• Lahat ng malalaking titik maliban sa
malaking M, W, J, I, = 1 ½ yunit
Pagbilang ng Yunit

• Malaking M,W = 2 yunit


• Malaking J,I = 1 yunit
• Lahat ng bantas maliban sa gitling,
gatling, tandnang pananong at
dalawang panipi = ½ yunit
Pagbilang ng Yunit

• Gitling, gatling, tandang pananong at


dalawang panipi = 1 yunit
• Bilang na 2 hanggang 9 at o = 1 yunit
Pagbilang ng Yunit

• Bilang na 1= ½ yunit
• Espasyo sa pagitan ng mga salita = 1
yunit
Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Pantay-kaliwa

Halimbawa:
Guro P63M ang baon
sa pagreretiro
Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Pantay-kanan
Halimbawa:
Guro P63M ang baon
sa pagreretiro
Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Dropline
Halimbawa:
Algieri wala pang desisyon
kung lalabanan si
Pacquiao
Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Hanging indention
Halimbawa:
Ex-Makati Vice Mayor
Pinagbabayad ng P1-M
VP Binay wagi sa kaso
Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Baligtad na piramide
Halimbawa:
CIDG pinabulaanan ang suicide
ni Deniece Coenejo
Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Crossline o Barline
Halimbawa:

Global award ng WB, ipinangalan sa Pinoy


Mga Anyo ng Ulo ng Balita

Flushline o Full line


Halimbawa:
Algieri wala pang desisyon
kung lalabana si Pacquiao
Mga Dapat Tandaan
sa Pag-uulo ng Balita
• Gamitin ang pinaikling mga salita sa pag-uulo.
• Gamitin lamang ang tuldok- padamdam kung
kinakailangan.
• Isulat ang numero o kaukulang salita nito ayon
sa pangangailangan ng espasyo. Gamitin ang M
at B sa milyon at bilyon.
Mga Dapat Tandaan
sa Pag-uulo ng Balita
• Huwag maglagay ng tuldok at katapusan
ng ulo ng balita.
• Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng
balita.
• Simulan ito ng simuno at huwag sa
pandiwa.
Patuloy na matuto
dahil ang buhay
ay laging nagtuturo.

Maraming Salamat!!!

You might also like