Aralin 3 - Popularisasyon
Aralin 3 - Popularisasyon
Aralin 3 - Popularisasyon
POPULARISASYON BILANG
APARATONG
KOLONYAL/KOMERSYAL AT ANG
KAPANGYARIHAN NG
KOMUKUNSUMONG MASA
KOLONYA
LISMO
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pagkontrol
ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
(Ito ay madalas na naihahalintulad sa
imperyalismo ngunit ang dalawa ay
magkaiba).
MGA BAKAS NG
KOLONYALISMO
Ang krus ay ginamit
upang maikalat ang
Kristiyanismo sa bansa.
Ang Espada naman ay ginamit
nila sa dahas at puwersang militar
upang maipamukha ang
katatagan at kalakasan ng mga
dayuhan sa pananakop nila gamit
ang Istrakturang political at
ekonomiko.
Ginamit naman ang maskara
bilang pananakop sa kultural
na lebel – ang paggamit ng
Comedia at Zarzuela upang
mahubog ang mga sinakop sa
kaisipan at kontumbreng
dayuhan
ANG MGA TUNGALIANG
IDEOLOHIKAL
Sa pagpasok ng Amerikano,
naging isang daluyan ng pag-
aaklas sa panibagong kolonisasyon
ang paggamit ng drama.
Halimbawa nito ay ang pagyabong ng
Drama Simbolico sa Maynila at
karatig-Katagalugan at sa mga drama
realistiko na ipinangalan ni Resil
Mojares sa Cebu.
Naturete at nangamba rin ang mga
Amerikano sa ganitong uri ng
pagsasadula gamit ang mga dramang
naisulat nila:
o Aurelio Tolentino – Kahapon,
Ngayon at Bukas
o Juan Matapang Cruz – Hindi Aco
Patay
o Juan Abad – Tanikalang Ginto
o Tomas Remigio - Malaya
Itinuring ang mga obrang ito bilang
subersibo at mapanganib.
Dahil sa ang nilalaman ng
pagtatanghal ay laban sa
Imperyalistang Amerikano, naging
palaman sa publiko ang ganitong
pagbabanta.
Upang maiwasan ang ganitong
pagkakataon sa unang salvo ng mga
kolonyalistang Amerikano, pinalaganap
ng huli ang tunggaliang ideolohikal na
hindi nakatutok sa puwersa kundi sa
tinaguriang inobasyon at “benevolent
assimilation”.
BENEVOLENT ASSIMILATION
PROCLAMATION