Sababasanito 190212042549

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

“Sa Babasa

Nito”

Florante at Laura
Layunin:
A. Kasanayang Pampagkatuto
a. Nailalahad ang pangyayari sa nabasang bahagi ng
aralin (F8PN-Ncd-34)
b. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng
kabanatang binasa (F8PB-Ncd-34)
B. Tiyak na Layunin
c. Nabasa ang tulang “sa babasa nito”
d. Nasusuri ang mahalagang kaisipang nais ipahiwatig
ng tula
e. Nasasagot ang mga tanong na inihanda ng Guro
Nasubukan mo na bang
mapagbilinan ng iyong magulang
o isang taong malapit sa iyo?
Ano-ano ang karaniwang
inihahabilin sa iyo?
Ano-ano ang ginagawa mo sa
mga habilin ng mga taong
malapit sa iyo?
Ano kaya ang puwedeng
mangyari kapag hindi sinunod
ang kahilingan o tagbubilin?
Bakit mahalagang tuparin ang
kahilingan o tagubilin sa iyo?
“Sa Babasa
Nito”

Florante at Laura
TALASALITAAN
irog-

tumarok-

bubot-

pantas-

dustain-

katkatin-
“Sa Babasa
Nito”
Pagganyak na
Tanong
Ano kaya ang maaaring maging
tema ng isang babasahing may
pamagat na “Sa Babasa Nito”?
Salamat saiyo, O nanasang irog,
Kung halagahan mo itong aking pagod;
Ang tula ma’y bukal ng bait na kapos
Pakikinabangan ng ibig tumarok.

Kung sa biglang tingi’y bubot at masaklap,


Palibhasa’y hilaw at mura ang balat;
Ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap
Masasarapan din ang nanasang pantas.
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
Tawana’t dustain ang abang tula ko;
Gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo,
Ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo


Bago mo hatulang katkatin at liko,
Pasuriin muna ang luwasa’t hulo
At makikilalang malinaw at wasto.
Ang mga tandang letra alinmang talata,
Di mo mawatasa’t malalim na wika;
Ang mata’y itingin sa dakong ibaba
Buong kahuluga’y mapag- uunawa.

Hanggang dito ako, o nanasang pantas,


Sa kay Segismundo’y huwag ding matulad
Sa gayong katamis, wikang masasarap
Ay sa kababago ng tula’y umalat.
MGA KATANUNGAN:
1. Paano inilarawan ni Balagtas ang kanyang
akda?
2. Ano- ano ang kanyang mga habilin?
3. Sa inyong palagay, bakit kailangang maghabilin
ng isang manunulat para sa kanyang
mambabasa?
4. Bakit isa sa mga habilin ni Balagtas na huwag
babaguhin ang berso ng tula?
JOURNAL WRITING:

Bakit mahalagang tuparin ang


mga tagubiling makabubuti hindi
lang sa iyo kundi maging sa
ibang tao?
Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang
Berso.
Ang pagnanais na maging mahusay ring manunulat
ang lahat ng makababasa ng Florante at Laura.
Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin
munang mabuti.
Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango
sa mensahe ng awit.
Ang pakiusap na huwag agad huhusgahan ang tula
hanggang hindi pa ito nauunawaan ng mabuti.
Bilugan ang salitang hindi dapat mapasama sa
pangkat sapagkat may naiiba itong kahulugan.
Tukuyin at lagyan ng tsek (✓) ang kahon kung ang
pahayag ay tumutukoy sa pangunahing kaisipan o
mensaheng kabilang sa mga habilin ni Balagtas sa
kanyang “Babasa Nito”. Lagyan ng ekis (X ) kung hindi.
PAGPAPALALIM
Nasubukan mo na bang
sumuway sa isang tagubilin?
Ano ang nangyari?
Ano ang madalas na
ipagbilin ng iyong magulang
bago ka lumabas ng inyong
tahanan papasok sa paaralan?
Ano kaya ang maaaring
mangyari kung hindi mo
susundin ang mga tagubiling
ito para sa iyo?
GAWAIN
“Habilin Para sa
Kabataan,
Mula sa Kabataan”
a. Pag-iwas sa labis na paggamit ng social
media at paggugol ng halos lahat ng kanilang
oras o panahon sa pakikipag-chat gamit ang
kanilang smartphone o gadget.
b. Pagkakaroon ng disiplinang pansarili upang
maiwasan ang lagging pagkahuli sa pagpasok,
pagpasa ng proyekto, at laging pagliban sa
paaralan.
c. Pagbibigay ng sapat na panahon sa pag-aaral.
d. Pag-iwas sa junkfood at pagpili ng
masustansiyang pagkain.

e. Pag-iwas sa masasamang barkadang


nagdadala ng hindi magagandang impluwensiya.

f. Pag-iwas sa mga nakasisirang bisyo tulad ng


sigarilyo, alak, at droga.
Gawain: Basahing muli ang tulang “Sa Babasa Nito”. Punan ang mga
kahon.

You might also like