4thQ G8-M13 PPT ESP Teleradyo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

8

8
MODULE 13: ANG
SEKSWALIDAD NG
TAO
ALAMIN
MELC 13.3 Nahihinuha na: Ang pagkakaroon ng tamang
pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa
8
susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at
nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na
magmahal - EsP8IPIVb - 13.3

MELC 13.4 Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa


paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang
bokasyon na magmahal - EsP8IPIVb - 13.4
BABAE LALAKI
8
B
L
B
L
8
1.Bakit mo napili ang mga kagamitang tinutukoy
bilang panglalaki o pambabae ?
Pagnilayan ninyo ito: “Pangako sa Kasal”

8
8
May mga isyung na dulot ng maling pananaw sa sekwalidad.

Aborsyon
Pre-marital sex
Pornograpiya
post abortion syndrome
Bakit mahalaga ang tamang 8
pananaw sa sekswalidad?
8
ANO NGA BA ANG SEKSWALIDAD?
SEKSWALIDAD 8
Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay
ng kaniyang pagiging ganap na
babae o lalaki.
Ang sekswalidad ay ang behikulo upang 8
maging ganap na tao - lalaki o babae - na
ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o
bayolohikal na kakanyahan lamang, ang
pagpapakalalaki at pagpapakababae ay
isang malayang pinili at personal na
tungkulin na gagampanan mo sa iyong
buong buhay.
Ano ang moral na hamon sa tao
tungkol sa sekwalidad?
8
Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o
pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang
maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki.
Kung hindi mapag-iisa ang sekswalidad at
pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata,
magkakaroon ng kakulangan sa kaniyang pagkatao
pagsapit ng sapat na gulang (adulthood).
Ano ang bokasyon ng tao?
8
May dalawang bokasyon ang tao. Ang tao ay
tinawag upang MAGMAHAL. Ito ang natatanging
bokasyon o misyon ng tao bilang tao.
May dalawang daan patungo dito:
1. Ang pag-aasawa 2. ang buhay na walang asawa
(celibacy).
Ano nga ba ang elemento ng tunay 8
na pagmamahal?
Kabilang sa mahahalagang elementong tinutukoy
dito ay: ang sex drive o sekswal na pagnanasa,
ang kilos-loob (will), mga pandama at emosyon,
pakikipagkaibigan at kalinisang puri
1. Sex drive o sekswal na pagnanasa
8
Sa yugto ng pagdadalaga at
pagbibinata, may mga
pagbabago sa iyong katawan
na nagiging dahilan ng
pagpukaw ng iyong interes sa
katapat na kasarian. Sa
tamang panahon lilisanin mo
rin ang sariling tahanan at
hahanap ng kapares sa
katapat na kasarian upang
magsimula ng sariling pamilya.
Hindi maaaring ikumpara ang katutubong simbuyong
sekswal (sex drive) ng hayop sa sekswal na
pagnanasa ng tao. Ang instinct sa hayop ay isang
8
awtomatikong kilos o reflex mode na hindi
nangangailangan ng kamalayan.
2. Kilos-loob (Will) 8
May kamalayan at kalayaan ang
sekswalidad sa tao. Sa pag-iisip ng tama at
isasakilos bilang paghahanda sa bokasyon
sa tamang panahon. Ito ay bunga ng
pagpili, may tuon, at nag-uugat sa
pagmamahal. (Ang sekswal na pagnanasa
sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang
mangibabaw sa kaniyang pagkatao.
3. Mga pandama at Emosyon 8
Hindi winawalang-halaga ng Banal na si Papa
Juan Paulo II ang emosyon at ang mga pandama
sa pagsibol ng tunay na pagmamahal. Sa
katunayan, sinabi niya na “ang lahat ng tao ay
nararapat na gamitin ang lakas at sigla sa likod ng
kaniyang senswalidad at emosyon, upang ang mga
ito ay maging katuwang sa pagsisikap na makamit
ang tunay na pagmamahal.
- Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating
tunay na pagmamahal. Ang totoo maaari naman talaga
itong maging simula o pundasyon ng isang tunay at
8
wagas na pagmamahalan sa pagdating ng tamang
panahon. (Kailangan lamang ng tamang integrasyon
ang nararamdamang senswalidad at damdamin.)
- Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na
pinupukaw ng mga pandama (senses) at damdamin na
tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng
emosyon. (Kapag nakakilala ka ng isang tao na sa
iyong pamantayan ay nakaaakit, natural lamang na ang
una mong naging batayan ng paghuhusga ay ayon sa
iyong mga pandama. Masasabi mo, “Pagmamahal na
nga kaya ito?”
-Ang mahalaga, huwag
mong kalilimutan na ikaw
8
ay nasa proseso pa lamang
ng paghahanda para sa
TUNAY at WAGAS na
PAGMAMAHAL at ang iyong
nararamdaman ay
paghanga lamang at hindi
pa tunay na pagmamahal.
4. Pakikipagkaibigan
- maaaring ito ang nararamdaman, dahil sa kinahihiligan
8
ninyong gawain, talento, pag-aaral o iba pa. (Ang tao ay may
kilos-loob,may kalayaan. Kaya nga kailan man walang ibang
taong maaaring magpasiya para sa iyo. Ang tunay na
pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng
minamahal.
5. Kalinisang puri o Chastity ( birtud)
8
- Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may kalinisang
puri lamang ang may kakayahang magmahal ng tunay.
- Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang
minamahal bilang isang bagay. Naghihintay sa tutunguhing ng bawat
isa na sa takdang panahon ay magbubuklod o mag-iisa.At may
kaugnayan sa birtud ng Pagmamahal.
5. Kalinisang puri o Chastity ( birtud)
8
Huwag kalimutan ang
Pagmamahal ay isang birtud at
di basta emosyon at pandama
lamang.
ISAISIP: Responsableng Babae at Lalaki
8
Ako ay isang responsableng Ako ay isang responsableng
babae… lalaki…
1.Ang aking mga halik ay di hamak na mas 1. Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang
matimbang kaysa anumang party o sine. ng aking kasintahan at ng aking mga magulang.
Hindi ko ito sisirain.
2.Ang aking katawan ay templo ng Diyos at
2. Igagalang ko ang aking nobya katulad ng pag-
hindi isang laruan. asa kong igagalang ng ibang lalaki ang aking
kapatid na babae.
3.Ang unang “AYAW KO” ay mahirap ngunit
ang mga susunod ay madali na. 3. Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang
aking ina ay isang babae. Hindi ko hihilingin sa
aking nobya na gumawa ng mga bagay na
ikahihiya kong malaman ng aking ina.
Ako ay isang responsableng Ako ay isang responsableng
babae…

4. Ang pagkabirhen ay isang kanaisnais na


lalaki…
8
4.Ikinararangal at ikinalulugod kong makasama ang
aking nobya. Isang pagkakamali ang umasa nang
katangian at halaga pa rin. Ang kahalayan
higit pa bilang kabayaran sa pagtatagpong ito.
ay malaking paglabag sa batas moral.
5.Balang araw, magiging isang ina at asawa ang
5.Ang aking pananamit, pagkilos, at aking nobya. Dapat siyang magsilbing halimbawa
pananalita ay maaaring magsilbing tukso sa sa kaniyang mga anak at maipagmalaki ng
aking kasintahan. Ako ay magiging mabini kaniyang asawa. Tutulungan ko siyang maging
para sa aming proteksyon. malinis ang puso at maging disente tulad ng gusto
ko sa mapapangasawa ko.

6.Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng


6.Malaki na ang nagawa ng aking mga karakter gayon din ng katawan. Isang kahinaan ang
magulang para sa akin, nais kong lagi nila kakulangan ng pagpipigil sa sarili. Gusto kong
akong ikapuri. malaman ng aking kasintahan na ako ay tunay na
lalaki.
Ako ay isang responsableng
babae…
Ako ay isang responsableng
lalaki…
8
7. Ang nobyo ko ay magiging asawa at ama 7. Ang Panginoong Diyos ay nasa lahat ng
balang araw. lugar, nakikita ang lahat, at alam ang lahat.
Maaaring itago ako ng kadiliman ngunit
Kailangan siyang maging bayani sa mata hindi ako maitatago nito sa Diyos
ng kaniyang asawa at mga anak. Hindi ako
gagawa ng anumang bagay sa aming
pagtatagpo na hahadlang sa katuparang
niyon.

8. Gusto kong maging isang ina at asawa.


Ilalaan ko ang aking puri at damdamin para
sa aking magiging asawa at anak.
TANONG
8
1. Batay sa babasahing ito, ano ang kahulugan ng pagiging
responsable, kaugnay ng sekswalidad?
Magbigay ng pangako mo.
Isagawa/Kasunduan: Responsibilidad para sa Akin Pangarap
Panuto Magtala ng mga gawain na maaaring isasagawa bilang paghahanda mo sa
8
pagganap sa bokasyon sa pagmamahal kapag ikaw ay ganap na binata o dalaga na
para sa iyong pangarap.
Halimbawa:
1) Ang pagsasakilos ng mga limang pangunahing responsibilidad sa tahanan, sa
paaralan at komunidad tulad ng:
Tahanan - paghuhugas ng pinggan,pag-aayos ng gamit sa pag-aaral
Paaralan - paggawa ng homework o proyekto nang maaga;
Pamayanan - pagtawid sa tamang tawiran.
a. Magtala ng iba pa at lagdaan ang ibaba ng talaan.
b. Ipaski ito sa lugar na palaging makikita
c. Pagsikapang tuparin ang mga ito.
Pangarap : _____________________________________
8
TAHANAN PAARALAN PAMAYANAN
1.    
 
 
2.    
 
 

3.    
 
 

KOMENTO:  ____________________  ____________________


Pangalan at Lagda ng Pangalan at Lagda ng
Mag-aaral Witness
Ebalwasyon/ Tayain:
Panuto: Piliin ang titik ng pangungusap na tumutugma sa mensahe ng pahayag
sa bawat bilang.
8
1. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao -
lalaki o babae - na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na
kakanyahan lamang.
A. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
B. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
C. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
D. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera
balang araw.
2. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at
8
pagkatao upang maging ganap ang pagkababae
o pagkalalaki.
A. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
B. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang
babae.
C. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
D. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.
3.“Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang
8
magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal
sa mundo – ang likas na nagpapadakila sa tao.”
A. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang
pagiging Manlilikha.
B. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang
kakayahang magsilang ng sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya.
C. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos.
D. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.
4. May mga elemento ng tunay na pagmamahal ayon
sa kung alin ang dapat mangibabaw o mauna.Alin
8
sa mga ito ang hindi kabilang sa mga element?
A. kilos-loob (will) C. barkada
B. pandama at emosyon D. kalinisang
puri.
5. Ang birtud ng pagmamahal ay nangangailangan ng
paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito. Laging ang tuon
dito ay ang ikabubuti ng minamahal at ng dalawang taong
8
ngayon ay pinag-isa.Sa sitwasyon mong bilang kabataan,
ano ang dapat mong gawin ngayon?
A. Sundin ang nararamdaman sa kapare para sa pagtupad ng
pangarap
B. Mag-aral na mabuti at kilalanin ang kagalingan ng sarili
C. Suriin ang nararamdaman sa paggawa
D. Gawin ang plano ng sarili at barkada

You might also like