Esp Quarter 3 Lesson 3: Mabuting Pakikilahok

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

EsP Quarter 3

Lesson 3
Mabuting Pakikilahok
Isulat ang Wasto kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng tamang pagganap at pakikiisa
sa mga programang pampamayanan at Di-
Wasto kung hindi.
______1. Sumasali ako sa Cultural Dance
Contest para sa darating na pista.
______2. Ang magkakaibigan ay nagkaisang
sumali sa patimpalak ng sayaw
sa kanilang barangay.
______3. Hindi sumasali sa mga patimpalak
dahil nahihiya na humarap sa maraming tao.
______4. Buong pamilya nina Mang Carlos ay
nagtanim ng mga puno bilang pakikilahok sa
proyekto ng kanilang barangay.
______5. Tumutulong sa paglilinis ng paligid
tuwing may clean up drive ang
______5. Tumutulong sa paglilinis ng paligid
tuwing may clean up drive ang barangay.
Ang pakikiisa at mabuting pakikitungo sa
kapwa ay dalawang mabubuting paguugali na
taglay ng maraming Pilipino. Dalawang ugaling
ipinagmamalaki nating lahat. Bukod pa rito,
ang pakikilahok at mabuting pakikitungo sa
kapwa ay maaaring maiugnay din sa ilan pang
mabubuting ugaling Pilipino tulad ng disiplina,
kasipagan, mapanuring pag-iisip,
disiplina, kasipagan, mapanuring pag-iisip,
pagkakawanggawa, at iba pa.
Isa sa mga susi sa pag-unlad ng bayan ay
ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga
mamamayan nito. Ang pakikilahok sa
pamayanan sa pamamagitan ng mga gawain,
proyekto, at mga kampanya ay isang tungkulin
na dapat nating tuparin.
Bilang bata, maaari tayong makatulong at
makibahagi sa mabuting pakikilahok sa
pamamagitan ng mga simpleng paraan.
Sa panahon ng pandemya, maaari kang
makilahok sa iba’t ibang gawain sa
pamayanan sa pamamagitan ng:
 Pagsunod sa mga protocols at alituntunin na
ipinapatupad tulad ng pagsusuot ng face mask
face mask at shield kung kinakailangang
lumabas.
 Pagpapanatili ng social distancing kung nasa
labas.
 Pananatili sa loob ng bahay kung
kinakailangan upang makatulong sa
pagpapatigil ng pagkalat ng virus.
 Pagtulong sa pananatili kalinisan sa
kapaligiran lalo na ng sariling bakuran at
maayos na pagtatapon ng basura.
 Pagsunod sa mga paalala at alintuntunin sa
tahanan at pamayanan.
 Pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan kung
may pagkakataon.
Sa kabilang dako, ang paglimot naman sa ating
tungkulin ay magdudulot ng kawalan ng
pagkakaisa, kapayapaan, at kaayusan sa
pamayanan. Samakatuwid, tayong lahat ay dapat
magkaisa, magbayanihan, at magtulong-tulong
tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng mabuting
pakikilahok. Maaari ka ring makilahok rito kahit
ikaw ay bata pa.
Lagyan ng tsek () kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at ekis (X) kung hindi.
1. Sumusunod sa programa ng pamayanan
ang Pamilyang Reyes.
2. Umiiwas sa mga gawaing pambayan ang
Pamilyang Reyes.
3. Naibabahagi ang impormasyong narinig sa
radyo sa kaligtasan ng pamayanan.
4. Hindi naniniwala ang Pamilyang Reyes sa
pagsunod sa protocol ay nakadudulot nang
kabutihan sa bayan.
5. Ang anak ng Pamilyang Reyes ay handang
tumulong upang mahikayat ang iba pang
kabataan sa pagsunod sa paalala ng
pamayanan.
Panuto: Ano ang iyong gagawin upang
maipakita ang pakikilahok sa mga gawaing
pampamayanan?
1. Nakita mong nasasayang ang tubig sa
inyong gripo. Natatapon lang ito sa kalsada sa
harapan ng inyong bahay habang hindi pa
dumarating ang mga tauhan na
magkukumpuni nito.
2. Nasunog ang bahay ng iyong kamag-aral at
nabalitaan mo na magbibigay ng kahit anong
donasyon ang mga kaklase mo.

You might also like