Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 115
3rd Grading- Week 7
Sino ang namumuno sa
ating komunidad? Sa iyong palagay, bakit sila ang namumuno sa ating komunidad? Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang komunidad? Ang pamahalaan ay isang institusyon na may kakayahang gumawa, magpatupad ng mga batas at tumugon sa mga pangangailangan ng nasasakupang teritoryo para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pangangasiwa ng mahusay na pinuno. Itinataguyod ng pamahalaan ang kaayusan, kaligtasan at kaunlaran ng bansa. Ang tungkulin ng isang Alcalde Mayor na namumuno sa bayan/lungsod, ay mamuno sa lahat ng mga proyekto,gawain,progra ms at mga serbisyo para sa pangkalahatang kapakanan ng bayan na kanyang nasasakupan Ang Kapitan ng Barangay: Magsagawa ng mg proyektong makakatulong sa pagpapa-unlad ng kabuhayan ng kanyang nasasakupan. Siguraduhin ang pamamahagi ng serbisyo publiko Tatay Malaki ang papel na ginagampanan ng isang ama sa kaniyang pamilya. Bilang haligi ng tahanan, inaasahan na itataguyod niya ang kaniyang pamilya at sisiguruhin ang kaligtasan ng bawat isa. Sa kaniya rin nakapasan ang malaking responsibilidad ng paghahanap-buhay para sa pangangailangan ng kaniyang mga anak. Punongguro Punongguro o prinsipal ay siyang namamahala sa isang eskwelahan o unibersidad. Ang punong guro din ang may karapatan sa mga proyektong ilulunsad ng isang paaralan. Pastor/Pari/imam Pastor/Pari/imam Ang mag bigay ng aral sa mga tao at ilapit sila sa dyos. Doktor Doktor- mangalaga ng kalusugan ng mga naninirahan sa komunidad. Isulat ang T kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung hindi wasto. 1. Igalang natin ang mga namumuno sa ating sa komunidad. 2. Tulungan at mahalin natin ang ating mga magulang lalong lalo na ang ama na siyang nagtataguyod ng pamilya. 3. Hindi sumusunod sa batas at patakaran ng isang komunidad. 4. Nagtatago sa tuwing nakikita ang guro. 5. Ginagalang at sinusunod ang mga pangaral ng pari. PAGWAWASTO 1. Igalang natin ang mga namumuno sa ating sa komunidad. 2. Tulungan at mahalin natin ang ating mga magulang lalong lalo na ang ama na siyang nagtataguyod ng pamilya. 3. Hindi sumusunod sa batas at patakaran ng isang komunidad. 4. Nagtatago sa tuwing nakikita ang guro. 5. Ginagalang at sinusunod ang mga pangaral ng pari. Ang mabuting pamumuno o pamamahala ang susi sa pagiging matagumpay ng isang komunidad. Sino-sino ang mga namumuno sa ating komunidad? Ang mabuting pamumuno o pamamahala ang susi sa pagiging matagumpay ng isang komunidad. Nakarating ka na ba sa brgy. Hall? Sino sino ang makikita mo sa loob nito? Ano ano ang mga ginagawa ng mga tao sa loob ng brgy. hall? Sino ang namumuno sa kanila? Ang pamahalaan ang nagbibigay ng pangangailangan nating mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas, mga paglilingkod at mga programa upang umunlad ang ekonomiya at pamumuhay sa bansa. May pamahalaan sa bawat komunidad na pinamumunuan ng isang halal na pinuno. Ang pinuno ng bawat komunidad ay pinili sa pamamagitan ng pagbito ng mga mamayan sa kinabibilangang komunidad. Ang isang baranggay ay pinamumunuan ng kapitan o barangay chairman. Ang bayan o lungsod ay pinamumunuan naman ng alkalde o mayor. Ang isang bayan ay binubuo ng mga barangay. Sa makatuwid, ang mga kapitan o barangay chairman ay sakop ng pamahalaang pambayan na pinamumunuan ng alkalde. Ang senador ang namumuno sa pagsasagawa at pagpapatupad ng batas upang maging maayos ang ating komunidad. Ang pamahalaang panlalawigan ay pinamumunuan nng gobernador. Ang pamahalaang pambansa ay pinamumunuan naman ng pangulo ng bansa. Sino ang humahalili kapag wala ang alkalde, gobernador at ang pangulo? Ang vice mayor ang humahalili sa alkalde kapag wala ito. Mayroon ding vice governor na humahalili sa governador kapag wala ito. Ang Pangalawang Pangulo ang humahalili kapag hindi natapos ng pangulo ang kanyang pamunuan. Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung umaayon ka sa sinasabi nito at MALI kung hindi. 1. Magiging matalino ang mga bata kahit walang guro na magtuturo sa kanila. 2. Sa pagpili ng pinuno ng isang komunidad, dapat ito ay mayaman. 3. Kahit walang doktor sa komundad, gagaling pa rin ang mga tao. 4. Mahalaga ang isang pari o pastor sa isang komunidad para maibahagi ang mga salita ng Diyos. 5. Mahalaga ang guro sa paaralan dahil sila ang nagsisilbing pangalawang ina ng mga bata. Sa pamamagitan ng mabuting pamumuno, mahihikayat ang mga nasasakupan upang kumilos. Ano ano ang mga tungkulin ng mga namumuno sa ating komunidad? 1. Ang ______________ namamahala sa lungsod. 2. Ang ______________ pinakamataas na pinuno ng bansa. 3. Ang ______________ namumuno sa lalawigan o probinsya. 4. Ang ______________ namumuno isang baranggay. 5. Ang mga ______________ gumagawa at sumusuri sa mga batas bago ito pirmahan ng pangulo. PAGWAWASTO Mayor 1. Ang ______________ namamahala sa lungsod. Pangulo 2. Ang ______________ pinakamataas na pinuno ng bansa. Gobernador 3. Ang ______________ namumuno sa lalawigan o probinsya. Kapitan 4. Ang ______________ namumuno isang baranggay. Senador 5. Ang mga ______________ gumagawa at sumusuri sa mga batas bago ito pirmahan ng pangulo. Sa pamamagitan ng mabuting pamumuno, mahihikayat ang mga nasasakupan upang kumilos. Ano-ano ang bumubuo sa komunidad? Sino-sino ang pinuno nito? Sa aralin na ito, matututuhan mo ang mga katangian ng isang mabuting pinuno. Malalaman mo rin ang epekto ng isang mabuting pinuno sa isang komunidad. Ang bawat pinuno ng komunidad ay inihahalal o pinipili ng mga mamamayang 18 taong gulang pataas tuwing halalan. Ang halalan para sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan ay ginagawa tuwing Mayo kada ikatlong taon. Ang halalan naman ng mga pinuno ng barangay ay ginagawa tuwing Oktubre kada ikatlong taon. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pinuno sa isang komunidad Kaya naman kailangang ihalal ng mga mamamayan nito ang taong may mga katangian ng isang mabuting pinuno. Ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting pinuno ay ang sumusunod: • responsable; • may disiplina sa sarili; • naninindigan sa katotohanan; • huwaran at modelo ng mabuting gawa; • walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas; • inuuna ang kapakanan ng mga tao sa komunidad; at • mapagpakumbaba at matapat. Dahil sa mabuting pamumuno mapakikinggan ang tinig ng mga nasasakupan at mabibigyan ng pagkakataong ipahayag ang kanilang mga pangangailangan. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng isang pinuno? Basahin ang maikling kuwento sa ibaba tungkol sa katangian ng isang mabuting pinuno at sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. Idol Ko si Kap ni: Ginalyn B. Gaston Si Kapitan Maria ang aming pinuno sa Barangay Pandan. Bago siya naging isang kapitan, dati siyang isang lider ng Sangguniang Kabataan. Kilala siya sa pagiging masipag, maaasahan, matiyaga at matulungin. Nakikinig din siya sa mga payo at opinyon ng kaniyang nasasakupan. Bilang isang babaeng lider ng barangay, siya ang nangunguna sa pagpapatupad ng mga patakaran lalo na sa panahon ng pandemya tulad ng pagsuot ng face mask at pagsunod sa social distancing upang hindi sila mahawa ng sakit na COVID-19. Makikita mo sa aming lugar ang pagkakaisa, pagtutulungan a pagsunod sa batas. Dahil dito, “Idol” ang tawag namin sa kanya dahi sa matapat at mahusay niyang pamumuno. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Anong katangian ng isang lider ang ipinakita ni Kapitan Maria? 2. Bilang isang bata, anong katangian ang iyong nagustuhan sa kapitan? 3. Sa tingin mo ba maganda ang kanyang pamumuno sa Barangay Pandan? Bakit? May mga katangian na hinahanap ang mga kasapi sa isang pangkat at samahan sa kanilang magiging mga pinuno. Ilan sa mga ito ay: 1. Maka-Diyos - ang isang pinuno ay dapat na may malalim na pananampalataya sa Diyos upang siya ay magabayan sa kaniyang pamumuno. 2. Makatao - siya ay palakaibigan sa lahat ng tao sa kaniyang nasasakupan. Wala siyang pinipiling paglingkuran maging mahirap man o mayaman. 3. May pagmamalasakit sa kapaligiran – nagpapatupad siya ng mga programang pangkapaligiran tulad ng tree planting at paglilinis sa komunidad. 4. Mapagkakatiwalaan - siya ay matapat sa lahat ng bagay. 5. Responsable – ginagampanan niya ng buong husay ang kaniyang tungkulin. 6. Walang kinikilingan – siya ay patas sa pagtrato at pagpapatupad ng anumang batas o polisiya.