Kaligirang Pangkasaysayan NG Noli Me Tangere

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG
NOLI ME TANGERE
Layunin

● Nakatutukoy sa mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng


nobelang pag-aaralan.

● Nakapagtatala ng mga kalagayang panlipunan bago at matapos


ang may akda.

● Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa bayan sa pamamagitan


ng pagtatala ng mga sitwasyong nagpapatunay na ang
kalagayang panlipunan ng Pilipinas noong naisusulat ang akda
ay umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Balik-Aral
Ano ang buong
pangalan ni Jose Rizal?

❖José Protacio Rizal Mercado y Alonso


Realonda
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ano
ang unang nobelang naisulat ni
Jose Rizal?

❖Noli Me Tángere
Sa anong taon naisulat ni Jose
Rizal ang Noli Me Tangere?

❖1884
Ang Noli Me Tangere ay mula sa
wikang Latin. Ano ang salin nito sa
wikang Filipino?

❖Huwag Mo Akong Salingin


Ano-ano ang mga sagisag-panulat
na ginamit ni Jose Rizal?

❖Laong Laan
❖Dimasalang
❖Latigo
❖Krus
❖Kadena
❖Dahon ng Laurel
Pabalat ng
Noli Me Tángere
● Si Rizal mismo ang
nagdisenyo ng pabalat ng
nobela.

● Pinili ni Rizal ang mga


elemento na ipapaloob niya
rito, hindi lamang ang
aspektong astetiko ang
kanyang naging
konsiderasyon- higit sa lahat
ay ang aspekto ng simbolismo.
Pamagat
● Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang Latin na
ang ibig sabihin ay “Huwag Mo Akong Salingin”

● hango sa Bibliya sa ebanghelyo ni San Juan 20:13-17

● madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito


ay “Social Cancer”.
Kilusang Propaganda

Mariano Gomez,
Jose Burgos,
at
Jacinto Zamora
(GomBurZa)
Iilan sa mga layunin ng propaganda ay
ang kilalanin ng mga Kastila ang
Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng
bansang Espanya at pantay na pagtingin
sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan
ng batas.
Sino si Jose Rizal?
Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
Sagisag-Panulat: Laong Laan at Dimasalang
(Hunyo 19, 1861-Disyembre 30, 1896)
● Ang kanyang unang guro ay walang iba kung hindi ang
kanyang ina na si Teodora Alonzo.

● Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha


ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina
sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.

● Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad


Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng
Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan
na magpraktis ng pagmemedisina.

● Maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta,


pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat,
at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay
ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El
Filibusterismo.
Noli Me Tángere
● Ito ang kauna-unahang nobelang isinulat
ni Rizal.

● Inilathala ito noong 26 taong gulang siya.

● Makasaysayan ang aklat na ito at naging


instrumento upang makabuo ang mga
Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.

● Orihinal itong nakasulat sa wikang


Kastila, ang wika ng mga edukado noong
panahong iyon.
Ang Ideya ng Pagsulat
Naisipan ni Rizal na isulat ang Noli Me Tangere dahil sa tatlong
aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:

● The Wandering Jew


● Uncle Tom’s Cabin
● Biblia
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga
unang bahagi ng “Noli Me Tangere” noong
1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng
medisina. Nang makatapos ng pag-aaral,
nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy
ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni
Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat
bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakakabatid sa uri ng lipunan sa
Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya
upang maging nobela. Ngunit hindi ito
nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang
walang katulong.
Natapos niya ang Noli Me
Tangere ngunit wala siyang
sapat na halaga upang
maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kanya
si Maximo Viola na
nagpahiram sa kanya ng
salapi na naging daan upang
makapag-palimbag ng 2,000
sipi nito sa imprenta.
Kasama si Viola, nagsurvey sila murang
limbagan para sa aklat na Noli at
nakakita naman sila, Ang Berliner
Buchdruckerei-Action-Gesellschaft ang
natagpuan nila na mayroong pinaka
mababang singil na 300 piso para sa
2000 sipi ng Nobela.
Ipinaliwanag ni Rizal sa
kanyang liham sa matalik
niyang kaibigang si Dr.
Ferdinand Blumentritt ang
mga dahilan kung bakit
niya isinulat ang Noli Me
Tangere. Ang lahat ng mga
ito ay maliwanag na
inilarawan sa mga kabanata
ng nobela.
Ang Pilipinas noong panahon ni Rizal
● Hindi matatag na administrasyong kolonyal
● Korupt na Kolonyal na Opisyales
● Pagkakaroon ng representasyon sa Pilipinas
sa Spanish Cortes
● Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino
● Walang pantay-pantay sa harap ng batas
Mga Layunin ni Rizal sa Pagsulat ng Noli Me Tangere
● Matugon ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa
mga Pilipino at sa bansa.

● Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga


paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at
kalungkutan.

● Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang


dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama.

● Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na relihiyon.

● Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karingalan ng


pamahalaan.
Noong Agosto 8, 1887 bumalik si Rizal sa Pilipinas. Nagalit man
ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kanyang pamilya na
baka siya’y mapahamak inibig parin niyang makabalik sa Pilipinas
dahil:

● Una, hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa


lumalalang panlalabo ng kanyang mata.

● Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi


tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong
1884-1887.

● Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng


kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan.
Mga epekto ng Noli Me Tangere
● Nagising ang kamalayan ng mga Pilipino.
● Naging mas bokal ang mga Pilipino higit sa lahat ang mga
kabataan sa pagpapahayag ng damdamin.
● Mahalaga na maunawaan ng mga Pilipino ang konsepto ng
pagkakapantay - pantay ng mga tao sa lipunan.
● Nakapagbigay ng positibong pananaw lalo na sa mga Pilipino
na ang pag - aaral kapag pinag sumikapan ay nagbubunga ng
tagumpay.
● Nakapagbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino na ang
pagkakaroon ng sariling wika ay pagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan.
Paglalahat
● Ano ang kahulugan ng Noli Me Tangere?

● Ano-ano ang mga layunin ni Jose Rizal sa pagsulat


ng nobelang ito?

● Bakit mahalaga na pag-aralan ang nobelang ito?


Paglalapat
● Bakit isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere?

● Anong kalagayang panlipunan mayroon ang Pilipinas noon sa


kamay ng mga dayuhan na hanggang ngayon ay umiiral pa din?

● Bilang kabataang Pilipino ng makabagong panahon, ano ang


maipapangako mo sa Inang Bayan?
Maraming salamat sa pakikinig!

You might also like