Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12
Mga Kasanayan sa
Akademikong Pagbasa Pag-uuri ng mga Ideya/Detalye
Ang mga ideya ay
nahahati sa dalawa: Pangunahing Ideya (Main Idea) sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa teksto kadalasay makikita sa unang talata (implayd) at huling talata (kon ekspositori) Mga suportang detalye(Supporting details)
mga mahahalagang kaisipan o mga susing
salita na may kaugnayan sa pangungusap tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap • Bawat manunulat ay gustong maghatid ng impormasyon, manlibang, at maghayag ng kanyang damdamin, magpabatid, pakilusin ang kanyang utak, at papag-isipin ang mambabasa.
• Bawat manunulat ay gustong magdagdag ng
kaalaman sa mambabasa. • Anumang nasulat (akda, artikulo, mensahe, at iba pa) ay nagpapakita lamang ng sariling “tayo” ng manunulat sa bagay ng kanyang tinatalakay.
• Ang kanyang napiling wika ay
sumusunod/naaayon sa damdamin niya habang sinusulat ang akda. Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin at Pananaw ng Teksto
• Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang
mga damdamin, tono, layunin at pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit niya sa teksto. • Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin. • Tono (tone) – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko. • Layunin (objective) – tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang- impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa. ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat. • Pananaw (point of view) – ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay ng anomang akda o teksto, ito ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”