Agham 3 Q4 Week 6

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

AGHAM 3 Q4 WEEK 6

Mga Natural na Bagay na


Makikita sa Kalangitan
(Buwan)
MALOU DOLOT/PDBES
Reference: PIVOT 4A CALABARZON Science G3
LAYUNIN
• Natutukoy ang mga
likas na bagay na
nakikita sa
kalangitan sa araw at
gabi. (Araw at Bituin)
S3ES-IVg-h-6
ALAMIN
• Kapag gabi, hindi na nakikita ang araw sa
kalangitan. Ang kalangitan ay dumidilim. Ang
tanging nakikita ay ang mga maliliit na bagay
na kumukutitap o mga bituin at ang buwan
na nagniningning. Sa araling ito, inaasahan
na matutukoy mo ang iba’t-ibang mukha ng
buwan na nakikita sa kalangitan at ang
epekto ng buwan sa mga tao at kapaligiran.
Ano ang buwan? Ano ang pinagkaiba nito sa araw? Ang
buwan ay ang nag-iisang satellite ng planetang ating
tinitirhan ang Earth. Ito ay tinatawag din na Luna. Walang
buhay sa buwan dahil wala ditong hangin at tubig. Ito ay
napapalibutan ng mga bato at gabok kaya kung makikita
sa mga larawan ay madami itong butas o craters. Sa gabi,
ang buwan ang pinakamaliwanag na bagay sa kalangitan
ngunit wala itong sariling liwanag. Ito ay parang salamin
na sumasalamin lamang sa liwanag ng araw papunta sa
ating mundo. Ang liwanag ng buwan ay nanggagaling sa
liwanag na nagmumula sa araw. Kung ang ating mundo ay
umiikot sa araw, ang buwan naman ay umiikot sa ating
mundo.
Ano ba ang hugis ng buwan na iyong
nakikita? Nagbabago ba ang hugis nito? Ang
buwan ay bilog. Hindi ito nagbabago ng hugis.
May mga pagkakataong nakikita natin ang
buwan kahit sa umaga. May mga gabi na
nagmimistulang nagbabago ang hugis ng
buwan. Ito ay dahil sa paggalaw ng ating
mundo. Sa pag-ikot ng ating mundo, umiikot
din ang buwan. Ang pagbabago ng posisyon
ng ating mundo at ng buwan ang dahilan
kung bakit may nakikita tayong iba’t-ibang
hugis o mukha ng buwan. Ito ay dahil ang
ibang bahagi ay nasisinagan ng araw. Ang
bahaging nasisinagan ng araw ay ang ating
nakikita.
TUKLASIN • Iba’t-ibang Mukha ng Buwan
TUKLASIN
• Iba’t-ibang Mukha ng
Buwan
• 1. New Moon. Ang
buwan ay nasa pagitan ng
Earth at sun. Ito ang
unang mukha ng buwan
na madalas ay hindi
nakikita.
TUKLASIN
• Iba’t-ibang Mukha ng
Buwan
• 2. Crescent Moon.
Nakikita kapag ang
ikaapat na bahagi ng
buwan ang
naliliwanagan. Ito ay
kahugis ng letrang C.
TUKLASIN
• Iba’t-ibang Mukha ng
Buwan
• 3. Half Moon / Quarter
Moon. Nakikita kapag ang
kalahati ng buwan ang
naliliwanagan. Ito ay
kahugis ng malaking letrang
D.
TUKLASIN
• Iba’t-ibang Mukha ng Buwan
• 4. Full Moon. Nakikita ito
kapag ang buong bahagi
buwan ay naliliwanagan. Sa
gabi, ito ang pinakamalaki at
pinakamaliwanag. Ang hugis
nito ay malaking letrang O
• Ang aktibidad o gawain ng mga tao ay
naapektuhan ng paggalaw ng buwan at ng
ating mundo. Nagkakaroon ng alon o tides
depende sa galaw ng buwan. Ang alon o
tides ay ang pagtaas/ paglaki o
pagliit/pagbaba ng tubig na siyang
nakakaapekto sa gawain ng mga tao. Ang
mga mangingisda ay bumabatay sa taas o
baba ng tubig sa kanilang pangingisda. Ang
ibang aktibidad tulad ng paglalangoy at
surfing ay nakabatay din sa taas o babaw
ng tubig.
• Ang mga magsasaka
ay nagbabatay din sa
buwan para sa
pagtatanim. May
mga magsasakang
naniniwala na mas
maganda ang ani
kapag nagtanim kung
bilog ang buwan.
SURIIN
PAGYAMANIN
ISAGAWA
ISAGAWA
TAYAHIN
KARAGDAGANG GAWAIN

You might also like