Mga Kalamidad

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

MGA KALAMIDAD

SA PILIPINAS
- Ang kalamidad ay isang di inaasahang
pangyayari na sanhi ng mga proseso sa
kalikasan. Ito ay nagdudulot ng
pagkawasak at panganib sa mga
tinatamaan nito. Malaking kapinsalaan
ang maidudulot ng mga kalamidad.
MGA
KALAMIDAD
SA PILIPINAS
Uri ng Ang Natural (Likas) na Kalamidad
Kalamida ay:
- Bagyo

d - Storm Surge
- Baha
- Flashflood
- Landslide
- Epidemya
- Lindol
- Buhawi
- Tsunami
Bagyo

- Ito ay tumutukoy sa malakas na hanging kumikilos

nang paikot na madalas ay may kasmang malakas at


matagal na pag-ulan. Ito ay isang higanteng buhawi.
Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas
naman ang hangin sa eyewall nito.
Storm
Surge
- Ito ay hindi pangkaraniwan o abnormal na
pagtaas ng tubig-dagat na kaugnay ng low
pressure weather system gaya ng mga
tropical cyclone at malalakas na extra
tropical cyclone.
Baha
- Nagkakaroon ng baha (flooding) kapag tumaas ang tubig nang
higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng tubig na ang
resulta ay ang pag-apaw nito sa lupa.

- Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang labis na pag-ulan, biglaang


pagbuhos ng malakas na ulan o thunderstorm, at tuloy-tuloy
na pag-ulan sa loob ng ilang araw. Ang pagbaha sa
kasalukuyan ay tila baga nagiging pangkaraniwan na lamang
sa maraming lugar sa Pilipinas.
Flashflood

- Ito ay ang rumaragasang agos ng tubig na may


kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba pa.
bagama’t mabilis ang pagdating ng flashflood,
mabilis din ang paghupa nito. Ang pangkaraniwang
sanhi nito ay ang malakas na pag-ulan.
Landslide

- Ito ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o malalaking


bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o
bundok. Ang pangkaraniwang sanhi nito ay ang
malalakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o hindi kaya
naman ay paglindol.
Pagputok ng bulkan
- Ito ay tumutukoy sa pagbuga ng apoy ng mga aktibong bulkan sa bansa
• Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may 200 na bulkan at 24 ditto ay mga aktibo
• Isang halimbawa nito ay ang Mayon Volcano na tinaguriang perfect cone
dahil sa kabila ng pagputok ng may 48 beses ay nanatiling perpekto ang
pinakatuktok nito
• PHILVOLCS- Philippine Volcanology ang seismology –nagbabantay para sa
seguridad ng bansa sa patuloy na paglalagablab ng bulkan sa pamamagitan
ng pagbibigay babala
Lindo
l
- Ang malakas na uri nito at ang mga teribleng epekto nito
ang isa sa pinakanakakatakot at mapanirang pangyayari
sa kalikasan. Ito ay isang biglaan at mabilis na pag-uga
ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga
batong nasa ilalim ng lupakapag pinakawawan nito ang
puwersang naiipon sa mahabang panahon.
Buhawi

- Ito ay tinatawag ding alimpuyo, tornado, o ipo-ipo. Ito ay isang


bayolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo
o sumasayad sa kalatagan ng lupa. Ito ay karaniwang nabubuo kasama
ng isang thunderstorm. Ang malamig na hangin sa himpapawid ay
bababa sa kalupaan samantalang ang mainit na hangin sa ibaba naman
ay aakyat nang paikot.
Tsunami
- Kilala rin bilang mga seismic sea wave (iba pa ito sa tidal
wave), ito ay serye ng malalaking alon na nilikha ng
pangyayari sa tubig, gaya halimbawa sa bahagi ng karagatan.
Ang mga lindol, malalaking pagkilos ng tubig (sa ibabaw man
o sa ilalim), pagputok ng bulkan, at iba pang uri ng pagsabog
sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng
maliit na bulalakaw, at pagsabog ng mga kagamitang
nukleyar o atomiko sa karagatan ay maaaring ,akabuo ng
tsunami.
Kalamidad bunga ng Maling Gawi o Desisyon ng Tao
- Polusyon
- Oil Spill
- Deporestasyon
Bagama’t ang maraming kalamidad ay sinasabing gawa ng
kalikasan, ang maraming gawa at desisyon ng mga tao ay
nakaaambag o nakapagpapalala sa epekto ng kalamidad, kung
hindi man nagiging tuwirang dahilan ng mga ito.
Polusyo
n
- Ito ay tumutukoy sa dumi, ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran.
Ang mga pangkaraniwang sanhi nito ay ang mabilis na paglaki ng
populasyon, pagdami ng industrial waste (mga basura na galling sa mga
pagawaan), at mga sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapawid.
Kung ang isang bansa ay may plantang nukleyar, ito man ay maaring
panggalingan ng polusyon dahil sa mapanganib nitong basurang radioactive
at sa posibleng mapanganib na disgrasyang bunga ng pagsingaw ng mga
nuclear reactor.
Oil Spill

- Ang oil spill sa karagatan ay madalas maganap kapag

hinayaang bumiyahe ang tanker ng langis kahit na masama


ang panahon. Ang malalakas na alon na humahampas sa mga
barge o barko na nagdadala ng langis ay nagreresulta sa oil
spill. Maaari ding dahilan ang pagkakarga ng langis na lagpas
sa kapasidad ng barge o tanker.
Deporestasyon

- Ang deporestasyon (deforestation) ay ang


pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng mabilis o illegal
na pagputol ng mga puno sa kagubatan,
pagmimina, o pagkakaingin (pagsusunog sa mga
puno at halaman).
Epidemya

- Ito ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso


ng nakahahawang sakit nang mas mabilis kaysa sa
normal nitong pagkalat sa isang particular na lugar.
Ang halimbawa ng mga nakahahawang sakit ay ang
tigdas, dengue, malaria, diarrhea, at cholera.
-
Climate Change
Ito ay may kaugnayan sa global warming o
pagtaas ng temperature sa daigdig naresulta rin ng
maraming gawa o kapabayaan ng mga tao. Nagdudulot
at nagpapalala ng pagtaas ng temperature ang mga
gawain gaya ng pagsunog ng mga produktong mula sa
langis, pagkalbo ng kagubatan, pagsasaka at
industriyalisasyon na gumagamit ng kemikal.
Global Warming
La Nina
El Nino
Nagkakaroon ng maraming bagyo sa ating
bansa mula buwan ng hulyo hanggang
nobyembre.

Mabagyo ang mga pulo ng batanes, dakong


timog ng Luzon, at dakong silangan ng
samar.
Bihira namang bagyuhin noon ang
bahaging timog ng bansa tulad ng
Mindanao. Ngunit ngayon, nakararanas na
rin dito ng bagyo dahil sa pagbabago ng
klima ng ating mundo bunga ng paglala ng
polusyon at global warming.
Ang Pilipinas ay nasa daanan ng mga
bagyong nanggagaling sa mga rehiyon na
nasa Karagatang Pasipiko. Madalas na
pakanluran ang tinatahak na direksiyon
ng mga bagyo. May hanggang 19
hanggang 30 ang dumaraan sa bansa
taon-taon.
Tinataya naman mahigit kumulang sa 20
lindol ang yumayanig sa ating bansa
araw-araw. Ngunit karamihan sa mga ito
ay mahihina lamang. Ang lindol na
naganap noong Hulyo 16,1990 ay isa sa
pinakamalakas na lindol na naranasan sa
Pilipinas.
DENR- Department of Environment and Natural
Resources
-ang gumawa ng geohazard map upang malaman
ang mga lugar na malapit sa sakuna o kalamidad
-ginawa upang maprotektahan ang mga likas na
yaman gaya ng tao, halaman, hayop at mga ari-arian
Mga Babala ng Bagyo
Babala Bilang 1
(Public Storm Signal No. 1)

Sa Loob ng 36 na oras, inaasahan ang


pagdating ng hanging may lakas na 60
kilometro bawat oras. Kailangang maging
handa sa mga mangyayari.
Babala Bilang 2
(Public Storm Signal No. 2)

Saloob ng 24 na oras, inaasahang


darating ang hanging may lakas na 60
hanggang 100 kph. Ang mga klase sa ,mababa
at mataas na paaralan ay suspendido.
Babala Bilang 3
(Public Storm Signal No. 3)

Saloob ng 12 hanggang 18 oras,


inaasahang darating ang hanging may lakas na
100 kph. Kailangang manatili ng mga tao sa
loob ng bahay o lumipat sa mas matibay na
gusali.
Babala Bilang 4
(Public Storm Signal No.4)
Sa loob ng 12 oras o di kaya’y mas
maaga pa, darating ang bagyong may
lakas na 185kph. Ang bagyo ay lubhang
mapanganib. Kailangang lumikas sa ligtas
na lugar.
Sagutin:
1. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng mga
babala ng PAGASA?

2. Anong bilang ng babala ng bagyo ang


nagsasaad na walang pasok sa mababa at
mataas na paaralan?

3. Mayroon pa bang ibang babala na dapat din


nating sundin? Ano-ano ito?

You might also like