Bahagi NG Pananalita

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Ang Mga

Bahagi
ng Pananalita
Mga Salitang Pangnilalaman
• Mga Nominal
– Pangngalan (NOUN)
– Panghalip (PRONOUN)
• Pandiwa (VERB)
• Mga Panuring
– Pang-uri (ADJECTIVE)
– Pang-abay (ADVERB)
Mga Salitang Pangkayarian
• Mga Pang-ugnay
– Pangatnig (CONJUNCTION)
– Pang-angkop (LIGATURE)
– Pang-ukol (PREPOSITION)
• Mga Pananda
– Pantukoy (ARTICLE)
– Pangawing (LINKER)
Pangngalan

Sa tradisyunal na balarila at
kahulugang pansemantika,
tinutukoy nito ang mga ngalan
ng tao, hayop, bagay, lugar,
pangyayari, at kalagayan.
Mga Uri ng Pangngalan
• Ayon sa KONSEPTO
– TAHAS (kongkreto), BASAL (diwa)
• Ayon sa KAYARIAN
– PAYAK, MAYLAPI, TAMBALAN, INUULIT
• Ayon sa KATANGIAN
– PANTANGI, PAMBALANA
• Ayon sa KASARIAN
– PANLALAKI, PAMBABAE, DI-TIYAK, WALANG
KASARIAN
• Ayon sa KAILANAN
– ISAHAN, DALAWAHAN, MARAMIHAN
Panghalip
Mga salita o katagang ginagamit
upang humalili sa isang pangngalan.
• Mga Uri ng PANGHALIP
– PANAO
– PAMATLIG
– PANAKLAW
– PANANONG
Pang-Uri

Ito ang mga salitang nagsasaad


ng katangian o uri ng tao,
hayop, bagay, lunan, atbp., na
tinutukoy ng pangngalan o
panghalip na kasama nito sa
loob ng pangungusap.
Kayarian ng Pang-Uri
• PAYAK
– Gutom, pangit, galit, ganda
• MAYLAPI
– Kalahi, mataas, kayganda, makatao
• INUULIT
– Puting-puti, maliliit, magaganda
• TAMBALAN
– Biglang-yaman, kapit-tuko
Iba pang Pag-uuri sa Pang-Uri
• Ayon sa KAILANAN
– Isahan – Kalahi
– Dalawahan – Magkalahi
– Maramihan - Magkakalahi
• Ayon sa KAANTASAN
– Lantay
– Katamtaman o pahambing
– Masidhi o pasukdol
Pang-Abay

Ang pang-abay ay nakikilala


dahil kasama at binibigyang
turing nito ang isang PANDIWA,
PANG-URI at kapwa PANG-
ABAY na bumubuo sa isang
parirala.
Pang-abay na Ingklitik
Sa Tagalog, may 16 na katagang pang-
abay, at ito ay ang mga sumusunod:

kasi kaya na sana daw/raw


din/rin naman yata pala tuloy
nga lamang/langman muna
pa ba
Pang-abay na Salita o Parirala
• Pamanahon - nang, noong, kung, kapag, tuwing, mula, umpisa,
hanggang
• Panlunan - sa, kay, kina, nina, amin
• Pamaraan- nang, na, -ng
• Pang-agam - marahil, siguro, tila, baka, waring
• Kundisyunal - kung, kapag, pag, pagka-
• Panang-ayon - oo, opo, sadyang, tunay, talaga,
• Pananggi - hindi, di, ayaw
• Panggaano - nang + timbang/sukat
• Kusatibo - dahil, dahil sa
• Benipaktibo - para, para sa
• Pangkaukulan - tungkol, hinggil, ukol, batay
Pandiwa
Ito ay mga salitang nagpapakilos o
nagbibigay-buhay sa isa o sa isang
lipon ng mga salita.
Batay sa pananaw istruktural,
nakikilala ito sa pamamagitan ng
mga impleksyon nito sa iba’t ibang
aspekto ayon sa uri ng kilos na
isinasaad nito.
Aspekto ng Pandiwa
• PERPEKTIBO
• IMPERPEKTIBO
• KONTEMPLATIBO

– Dasal > Nagdasal > Nagdarasal >


Magdarasal
Pokus at Kaganapan ng Pandiwa
• TAGAGANAP
• TAGATANGGAP
• LAYON
• GAMIT
• DIREKSYONAL
• GANAPAN
• SANHI
• Kumain ng suman at biko ang bata.
• Ipinagluto ko ng masarap na ulam ang aking
nobyo.
• Kinain ng bata ang matatamis na mangga at ubas.
• Ipinampunas ni Kevin ang panyo sa aking pawis.
• Pinuntahan namin ni Maria ang bahay nina Arnold.
• Pinagliguan namin ng aking mga kabarkada ang
Boracay.
• Ikatutuwa ni Jaymark ang pagbibigay sa kanya ng
regalo.
Pangatnig
Ito ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa isang pangungusap.
Hal.
at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit
kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa,
sapagkat
Pang-Angkop
Mga katagang nag-uugnay sa panuring at sa
salitang tinuturingan. Tatlo ang kinikilalang
pang-angkop sa balarilang Filipino.

• Patinig + NG = BatA maganda > Batang


maganda
• Katinig + NA = PangiT bata > Pangit na bata
• N + G = DahoN malapad> Dahong malapad
Pang-Ukol
Mga salita o katagang nag-uugnay sa
isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
Halimbawa:
ng nina kay laban sa alinsunod
sa laban kaypara sa tungkol kay/sa ukol
kay hinggil sa ayon sa/kay ukol kina
Pantukoy
Ito ang katagang laging
nangunguna sa pangngalan o
panghalip na ginagamit sa simuno o
kaganapang pansimuno.

Si Sina Ang Ang mga


Pangawing
Ito ay isang palatandaan ng ayos
ng isang pangungusap. Palatandaan
ito na inilipat sa pusisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap.

AY
Pagpapalawak ng
Pangungusap
Mga Paraan sa Pagpapalawak
ng Pangungusap

• Pagdaragdag ng mga Paningit o


Ingklitik
• Paggamit ng mga Panuring
• Pagsasama ng mga Pamuno sa
Pangngalan
• Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala
1. Pagdaragdag ng mga Paningit o
Ingklitik
PANINGIT o INGKLITIK – mga
katagang isinasama sa mga
pangungusap upang higit na maging
malinaw ang kahulugan nito.
Hal:
man naman kaya kasi
yata sana tuloy nang
ba po muna pala
na daw/raw din/rin lamang/lang
halimbawang pangungusap:
 Kahit po hindi naman kayo matuloy, dapat
lamang na maghanda ka.

 Kahit hindi kayo matuloy dapat na maghanda ka.


2. Paggamit ng mga Panuring
2 Kategorya ng mga Panuring:

1. Pang-uri na panuring sa pangngalan at


panghalip.

2. Pang-abay na panuring sa pandiwa,


pang-uri o kapwa pang-abay.
PANG-URI NA PANURING SA
PANGNGALAN AT PANGHALIP.

Hal: Ang matalinong mag-aaral na si


Joland ay kaibigan ko.
PANG-ABAY NA PANURING SA PANDIWA,
PANG-URI O KAPWA PANG-ABAY
• Pamanahon
• Panlunan
• Pamamaraan

PAMANAHON (Kailan)
Umalis na kahapon ang mag-anak
PANLUNAN (Saan/Lugar)
Kami ay pupunta sa Dahilayan, Bukidnon.

PAMAMARAAN (Paano)

Dahan-dahan siyang naglakad patungong


kusina.
3. Pagsasama ng mga Pamuno
PAMUNO- pangngalan o pariralang
tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa
pang pangngalan.

Halimbawa:
Si Briones, ang kalihim sa DepEd, ay
nanawagan na dapat pagtiunan ng pansin
ang mga natutunan ng mga bata.
4. Paglalagay ng mga Kaugnay na
Parirala
Kaugnay na Parirala- mga dagdag na salita
na idinurugtong sa pangungusap o mga
parirala ba may parehong kahulugan sa
naunang parirala.
Mga dagdag na salita na idinurugtong sa
pangungusap

Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay


nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo, bumili
ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang
naglalakad-lakad, nakita naming si Benjie, isa naming kaklase, sa
Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil
nawala raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan.
Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang
samantalang ako ay gastos lang nang gastos.
Mga parirala na may parehong kahulugan
sa naunang parirala

Nakalulungkot limiin na sa araw na iyon ay nailibing ang


matataas na pangarap o dili kayaý kasama ng
umalimbukay na alikabok ang mga ambisyong matagal
nang naikintal sa isipan. Subalit darating ang tamang
panahon na tahasang malalaman ang tunay na kahulugan
ng buhay, ang kahulugan ng paghihintay sa mga
nakatakda, at ang kahaagahan ng pag-inog ng mundo
na tiyak na daratal pagdating ng araw.
Wakas

You might also like