Panitikan Sa India Rama at Sita
Panitikan Sa India Rama at Sita
Panitikan Sa India Rama at Sita
Ding Bobis
PhD-Filipino
India
Ang India, Indiya o opisyal na tinutukoy
na Republika ng India (
Internasyunal o Ingles: Republic of India)
ay isang bansang matatagpuan sa
Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na
pinakamalaking bansa sa buong mundo
ayon sa lawak ng teritoryo at ang
bansang pangalawa sa pinakamaraming
populasyon sa buong mundo.
Ang mga karatig-bansa ng India ay
ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar,
Nepal, at Bangladesh. Ang mga
pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai
(dating Bombay), Bagong Delhi, Kolkata
(dating Calcutta), at Chennai
(dating Madras).
Ang pera sa India ay tinatawag na
Rupee at ang kodigong pantawag sa
bansang ito ay +91. May iba’t ibang
wikang ginagamit sa iba't ibang lugar sa
India: Hindi (41%), Bengali (8.1%), Telugu
(7.2%), Marathi (7%), Tamil (5.9%), Urdu
(5%), Gujarati (4.5%), Kannada (3.7%),
Malayalam (3.2%), Oriya (3.2%), Punjabi
(2.8%), Assamese (1.3%), Maithili (1.2%),
at iba pa (5.9%).[3]
Pambansang Kasabihan:
Satyamēva Jayatē
Unang Kabihasnan
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang
unang kabihasnan ng India sa Lambak ng
Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-
Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon
ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad
ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa
dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay
sa mga nahukay na labi noong 1920.
May kaalaman na sa arkitektura ang mga
tao sa Harappa at Mohenjo-Daro.
Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa
mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng
mga natagpuang bahay na kadalasa'y may
dalawang palapag at binubuo ng kusina,
salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay
rin ditong upuang gawa sa kahoy na
napapalamutian ng mga abaloryo.
Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga
naunang taong natutong gumawa ng telang yari
sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang
bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga
hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at
elepante. Natagpuan din sa lungsod ng
Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda
ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang
magagaling na mangangalakal ang mga
mamamayan dito.
Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga
naunang taong natutong gumawa ng telang yari
sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang
bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga
hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at
elepante. Natagpuan din sa lungsod ng Harappa
ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't
ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na
mangangalakal ang mga mamamayan dito.
Ang lahat ng mga nabanggit ay mga
pagpapatunay na naging maunlad ang
Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at
ang paglaho ng dalawang lungsod ay
nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik.
May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog
Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak
ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit
nawala ang Kabihasnan Indus.
Ayon sa mga arkeoloheyo, ang paglusob ng
mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring
positibong dahilan ng pagkawala ng
Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi
ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng
dalawang kabihasnan.
May mga Imperyong umusbong
dito ito ay ang mga:
1. Imperyong Maurya
Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-
kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga
maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na
pinag-isa noong ika-3 siglo B.C.E. bilang
Imperyong Maurya na itinatag ni
Chandragupta Maurya at umunlad sa
pamamahala ni Dakilang Asoka. Ang mga naging
hari ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa
agham, matematika, heograpiya, medisina, sining
at panitikan.
2. Imperyong Mughal
Sa pagsugod ng mga muslim
mula sa Gitnang Asya noong ika-10 siglo
hanggang ika-12 siglo, halos ang buong
Hilagang India ay pinamumunuan ng isang
Sultan. Ang tinawag sa muslim na imperyo
na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno
ni Dakilang Akbar, naging balanse ang pag-
tuturing sa mga Hindu at Muslim.
Kolonya ng mga Europeo at
Paglaya