Rebolusyong Pangkaisipan

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Rebolusyong Pangkaisipan

Araling Panlipunan VIII


Rebolusyong Pangkaisipan
Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang
pagbabago ng isang institusyon o lipunan.
 Isa sa mga bunga ng pamamarang makagham
ang pagbabagong ginawa nito sa iba-ibang aspekto
ng buhay ng tao.
 Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng
tao sa larangang pangkabuhayan,
pampolitika,panrelihiyon at maging sa edukasyon
Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan
(Enlightenment).
 Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng
reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning
panlipunan,pampolitikal,at pag ekonomiya.
Kaisipang Politikal
Umunlad ang Enlightenment o
Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-8 na
siglo (1700s).
Baron de Montesquieu(Mon tehs kyoo) -
Isa sa kilalang pilosopo sa panahong ito
dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa
absolutong monarkiyang nararanasan sa
France sa panahong iyon
Sa kaniyang aklat na “The Spirit of the Laws”(1748),
tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani
sa Europe.
Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito
ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang
kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament .
Mas kinilala ang kaisipang balace of power
Montesquieu na tumutukoy sa paghahati ng
kapangyarihan pamahalaan sa tatlong sangay
(ehekutibo,lehislatura,at hudikatura).
PHILOSOPHES
Sa kalagitnaang bahagi ng ika-
18 na siglo,isang pangkat ng
mga taong tinawag na
philosophes ang nakilala sa
France.
LIMANG MAHALAGANG KAISIPAN NA
BUMUBUO SA KANILANG PILOSOPIYA
1. Naniniwala ang mga philosophes na ang
katotohanan(truth)ay maaaring malaman gamit ang
kayuwiran.
 2. May paggalang ang mga philosophes sa kalikasan
(nature)sa isang bagay.
3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan
ng mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan.
 4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na
maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na
paraan”.
5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes.
MGA TAONG PHILOSOPHES
Francois Marie Arouet
Thomas Hobbes
John Locke
Jean Jacques Rousseau
Francois Marie Arouet
Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes
Mas kilala sa tawag na Voltaire
Siya ay nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang
kasaysayan,pilosopiya,politika,at maging drama.
Madalas gumamit ng satiriko so Voltaire laban sa
kaniyang mga katunggali tulad ng mga
pari,aristocrats,at maging ang pamahalaan.
 Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito,ilang beses
siyang nakulong.
Thomas Hobbes at John Locke
 may magkataliwas na ideya
tungkol sa katangian ng
pamamahalang nararapat na
mamuno sa mamamayan.
Jean Jacques Rousseau
Nagmula sa isang mahirap na pamilya
 Kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga
sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang
pang-indibiduwal (individual freedom).
 Binigyang diin niya ang kasamaan ng lipunan (evils
of the society) ay mauugat sa hindi pantay na
distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa
pagkamal nito.
 Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting
pamahalaan sa kaniyang aklat na The Social Contract.
Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal
Denis Diderot(dee DROH)
- nagpalaganap sa ideya ng mga philosophe sa
pamamagitan ng pagsulat at pagtipon 28-volume na
Encyclopedia na tumatalakay sa iba-ibang paksa.
Binatikos nila ang Divine Right at ang tradisyonal na
relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at
simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan
ang mga Katolikong bibili at babasa nito.
Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang
na 20,000 kopya ang naimpenta sa mga taong 1751-
1789. Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightment o
Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan
ng Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa
Asya at Africa.
MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG
ENLIGHTENMENT
Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay
tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa
kababaihan
Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa
kalagitnaan ng ika-18 na siglo (1700s) nang
magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng
pagtingin

Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang


uring kababaihan kaysa kalalakihan.
PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot
1. Isa sa mga bunga ng pamamarang makagham ang
pagbabagong ginawa nito sa iba-ibang aspekto ng buhay ng tao
A. Rebolusyong Pangkaisipan
B. Mga kababaihan sa panahon ng Enlightenment
C. Pagpapalaganap ng Ideyang liberal
2. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring
kababaihan kaysa kalalakihan.
D. Rebolusyong Pangkaisipan
E. Mga kababaihan sa panahon ng Enlightenment
F. Pagpapalaganap ng Ideyang liberal
Para sa bilang 3 hanggang 6
ISULAT ANG MGA TAONG PHILOSOP

TAMA O MALI
1. Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan noong ika-8 na siglo (1700s)
2. Hindi umunlad ang buong bayan sa panahon ng
Rebolusyong Pangkaisipan
3. Tinawag ang Rebolusyong Pangkaisipan na Panahon ng
Kaliwanagan (Enlightenment)
4. Nang panahon ng Kababaihan sa panahon ng
Enlightenment kanilang ginawa ang islogang kalayaan at
pagkapantay
5. Si Dennis Diderot ay Nagmula sa isang mahirap na
pamilya

You might also like