Wastong Gamit NG Mga Salita

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 63

Aralin sa Wikang Filipino

para sa :
SMP 2
Inihanda ni :
Evelyn S. Makadados, MBA
Guro sa Wikang Filipino (Bihasa Tagalog
WASTONG GAMIT
NG MGA SALITA
Ang kawastuang pambalarila
ay kaalaman sa wastong gamit
ng mga salita gaya ng mga
katha,pasulat man o
pasalita.Upang maging malinaw
at tama ang isang pagpapahayag
ito ay ginagamitan ng wastong
gamit ng mga salita
Sa pakikipagtalastasan,di
mapapasubalian na
madalas na nagkakamali
ang maraming tao sa
paggamit ng mga salita.
MGA SINUSUNOD
NA TUNTUNIN SA
PAGGAMIT NG
WASTONG
SALITA
1. NANG AT NG
Nang
Ang ‘NANG’ ay siyang
ginagamit sa panimula ng
sugnay na di makapag’iisa at
pangatnig sa hugnayang
pangungusap na katumbas ng
salitang “when’ sa ingles.
Halimbawa:
Nang ako’y dumating sa
bahay,nagising ang mga bata.
Ang ‘nang’ na nagbuhat sa
inangkupan ng ‘ng’ ang siyang
ginagamit na pang-abay na
pamanahon.Ito’y katumbas ng
salitang ‘already sa Ingles.
Halimbawa:
Marami nang (na+ang)
panauhin sa bulwagan.
NG
Ang ‘NG’ ay isang bahagi
ng pananalita na gumaganap
bilang pantukoy at pang-ukol
ayon sa gamit sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ang magsasaka ay
nagbubungkal ng lupa.
Bilang pantukoy na palayon ng
mga tagaganap ng pandiwang
balintiyak.Ito’y katumbas ng ‘by’
sa Ingles.
Halimbawa:
Ang silid-aralan ay nililinis ng
mga mag-aaral.
2.KUNG at KONG
KUNG
Ang ‘KUNG’ ay pangatnig na
panubali at ginagamit sa karaniwan
sa hugnayang pangungusap,kung
kaya’t ito’y matatawag ding
pangatnig na panghugnayan.
Halimbawa:
Kung tayong lahat ay
magmamahal sa wikang Filipino
ay lalong uunlad ang Pilipinas.

KONG
Ang kong ay nanggaling sa
panghalip na panaong ‘ko’ at
inaangkupan lamang ng ‘ng’.
Halimbawa:
Ibig kong makatulong sa pag-
unlad ng Pilipinas.

3.MAY AT MAYROON
Ito ay mga pandiwang walang
banghay.Ang mga ito’y may
kahulugan ngunit ang dalawa ay
may pagkakaiba ng paggamit sa
mga pangungusap.
MAY-
Kapag ito’y sinusundan ng
pangngalan,pang-
uri,pandiwa,pang-abay at
katagang mga.
Halimbawa:
May inaasaaahang bukas ang
mga taong masipag.
MAYROON-
Kapag ito’y sinusundan ng
kataga o panghalip na panao sa
kaukulang palagyo.

Halimbawa:
Mayroon pa sanang ibig
sabihin si Andrew kay Lolo
Tomas.
4.SUBUKIN/SUBUKAN
Ang subukin ay
nangangahuluganng isang
pagsasagawa ng isang bagay sa
ayos na kalagayan At ito ay
inuuri sa tao,anyo,at bagay.
Halimbawa:
Subukin nating mamili sa bagong
bukas na Department Store.

Ang subukan ay nangangahulugan


ng pag-espiya sa isang tao kung ano
ba ang kinikilos nito.
Halimbawa:
Subukan mong sumunod sa
kanila at tingnan mo kung ano
ang kanilang ginagawa doon.
5.PAHIRIN/PAHIRAN
Ang pahirin ay
nangangahulugan ng pagbubura
o paglilinis sa isang bagay ng
nakapahid,samantalang ang
pahiran ay paglalapat o
pagpapairal sa isang bagay sa
tamang lugar.
Halimbawa:
Pahirin mo nga ng basang
basahan ang pisara.

Pahiran mo ng alcohol ang


sugat ni Elvie.
6.SUNDIN/SUNDAN
Ang sundin ay nagsasaad ng
pagsunod o pag-unawa sa isang
utos o kagustuhan at maaaring
batas o panuto.
Halimbawa:
Sundin mo ng maluwag sa
puso ang mga panuntunan ng
paaralan.
Ang sundan naman ay
panggagaya sa ginawa o kinikilos
ng isa o maraming tao.

Halimbawa:
Sundan mo ang mga tamang
gawa upang ikaw ay hindi
mapariwara.
7.NAMATAY/NAPATAY
Ang ‘namatay’ ay
nangangahulugan ng paglisan sa
mundo alinsunod sa natural na
pagkawala ng buhay dahilan gaya
ng
sakit,bangungot,atake,atb.Samanta
lang ang ‘napatay’ay ang
pagkawala ng buhay na hindi
inaasahan na may kadahilanan
tulad ng aksidente.
Halimbawa:
Si Mario ay namatay noong isang
linggo dahil sa sakit sa puso.

Ang mag-ina na naglalakad sa


kalsada ay napatay ng salaring di
nakikilala.
8.WALISIN/WALISAN
Ang walisan ay uri ng
pandiwang ginagamit sa pag-alis
ng kalat o dumi sa maluwang o
malawak na lugar.Habang ang
walisin ay tumutukoy naman sa
iisang bahagi lamang ng isang
malaking lugar.
Halimbawa:
Walisan mo nga ang kalat sa
ating bakuran.

Walisin mo nga ang kalat sa


paligid ng halaman.
9.KATA/KITA
Ang kata at kita ay mga
panghalip na panao na
kadalasang pinagpapalit ang
gamit kahit na may sari-sariling
wastong gamit.
Ang kita ay ginagamit kung
ang isa sa dalawang nag-uusap
ang siyang gagawa ng gawain
para sa kausap.
Halimbawa:
Ibibili kita ng paborito mong
pabango.
Ang kata naman ang
ginagamit kung ang dalawang
nag-uusap ay parehong
gagawang gawain.
Halimbawa:
Kata ay pupunta sa pamilihang
bayan.
10.DAW at DIN/RAW at RIN
Ginagamit ang salitang
raw/rin kung ang nauunang
salita ay nagtatapos sa
patinig.Ang W at Y ay
malapatinig kaya raw at rin ang
ginagamit kung nagtatapos sa
alin man sa dalawang titik na ito.
Ang daw at din ang ginagamit
kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa
W at Y.
Halimbawa:
Wala rin mangyayari kung
tatakasaan mo ang problema.

Takot daw siya sa multo.


POP QUIZ
1.Kahit na madilim ay basa
pa rin ____ basa ang
masipag na si Anna.
a. nang
b. ng
Tama ka…Galing mo…!!!
Ay sori….mali ka!!!!!
2. Ang bayan ____
tutulungan natin ay
talagang magtatagumpay.
a. kong
b. kung
Oooopss…ulitin
mo..
Tumpak..!!!
Nakuha mo ang
tamang
sagot..!!!
3.___ mga taong laki sa
layaw.

a. mayroon
b. may
Mali ka…!!!!
Tumpak…!
4. ____ mo ngang tingnan ang
ginagawa ni Melissa sa loob
ng kwarto.
a. subukan
b. subukin
Nakuha mo..!!!!
Ay,mali..!!!
5. ___ mo ng gaas ang
haligi ng bahay upang
huwag bukbukin.
a. pahirin
b. pahiran
Magaling…!!!!
Mali ang sagot
mo..!!!!
6.Walang masama kung
susundan mo ang ang yapak
ng iyong ama.
a. susundin
b. susundan
Oooopsss.Mali na
naman!!!
Wow…grabe,gali
ng mo..!!!!!
7. ___ ni Narding ang kanyang
alagang aso dahil sa
pagkagat nito sa kanya.
a. namatay
b. napatay
Hay naku!! Mali
na naman!!!!
Hanep! Nakuha
mo!!!!
8. ____ mo nga ang mga
punit-punit na papel diyan.
a. walisin
b. walisan
Magaling!!!
Nakuha mo..!!
Subukan mo
ulit…..
9.Sasamahan ____ sa
pagpunta mo sa Maynila.
a. kata
b. kita
Sori! Hindi mo
nakuha.
Grabe! Ang
galing mo!!!
10.Malakas ___ ang buhos ng
ulan kagabi.
a. rin
b. din
Mali ang iyong
sagot.!!!
May tama ka..!!!
Inihanda ni:

Evelyn Sanchez Makadados, MBA

Guro sa Wikang Filipino (Bahasa Tagalog)

Sekolah Indonesia Davao

You might also like