Modyul 11
Modyul 11
Modyul 11
PA N G A N G A L A G A S A K A L I K A S A N
“Wala ka bang napapansin sa iyong
kapaligiran”
Ano nga ba ang napapansin mo sa iyong kapaligiran o
kaya ay sa kalikasan?
“Lebel ng mga dagat sa mundo, tataas hanggang
tatlong talampakan sa 2100, ang pagtaas ng
temperature ay bumagal simula pa noong 1998,
patuloy na pag-init ay magpapatuloy kahit
binawasan na ang paggamit ng mga fossil fuels.
(United Nations’ Intergovernmental Panel on Climate Change, Agosto, 2013.)
Ayon sa Aklat ng Genesis,
kabanata 1, talatang 27 – 31,
nilalang ng Diyos ang tao ayon sa
Kaniyang sariling larawan bilang
lalaki at babae. Binasbasan sila ng
Diyos at binigyan ng tagubilin na
magparami. Kaakibat ng
pagbabasbas na ito ay ang utos na
punuin ang daigdig at magkaroon ng
kapangyarihan dito lalo na sa lahat
ng Kaniyang nilalang.
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng
nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala.
Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at
lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit
hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng
kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-
daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang
kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa,
tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o
wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay
maituturing na bahagi ng kalikasan
Sabi nga sa Compendium on the
Social Doctrine of the Church, sa bahaging
may kaugnayan sa kalikasan, ang ugnayan
natin o kaya’y tungkulin sa kalikasan ay
makikita sa kung ano ang ugnayan natin
sa ating kapuwa at sa Diyos. Subalit sa
pagdaan ng mga panahon, mukhang nag-
iba ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa
kahalagahan ng kalikasan. Ang tao ay
nagpatuloy sa walang habas na paninira sa
pag-aakalang siya ay may karapatan sa
kalikasan. Minaltrato ng tao ang
kalikasan.
MODYUL 11
M G A M A L I N G PA G T R AT O S A K A L I K A S A N
Mt. Pinatubo - 1991
St. Bernard, Leyte - 2006
Ondoy - 2009
Yolanda - 2013
Maraming mga pagmaltrato at paglabag
ang ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa
pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin
ang mga ito at pagkatapos ay suriin mo ang iyong
sarili kung kabilang ka sa mga kabataan na
gumagawa rin ng mga ito.
1 2 3 4 5 6 7 8