Topic

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

(HOW DO I LOVE THEE-SONNET

XLIII NI ELIZABETH BARRET


BROWNING
ISINALIN SA FILIPINO NI ALFONSO O.
SANTIAGO)
IBIG MONG MABATID, IBIG MONG
MALAMAN
KUNG PAANO KITA PINAKAMAMAHAL?
TUTURAN KONG LAHAT ANG MGA
PARAAN,
IISA-ISAHIN, IKAW ANG BUMILANG.
INIIBIG KITA NANG BUONG TAIMTIM,
SA TAYOG AT SAKLAW AY WALANG
KAHAMBING,
LIPAD NG KALULUWANG IBIG NA
MARATING
ANG DULO NG HINDI MAUBOS-ISIPIN.
YARING PAG-IBIG KOY KATUGON,
KABAGAY
NG KAILANGAN MONG KALIIT-LIITAN,
LAGING NAKAHANDANG PAG-UTUS-
UTUSAN,
MAGING SA LIWANAG, MAGING SA
KARIMLAN.
KASINLAYA ITO NG MGA LALAKING
DAHIL SA KATWIRAY HINDI PAAAPI,
KASINGWAGAS ITO NG MGA
BAYANING
MARUNONG UMINGOS SA MGA
PAPURI.
PAG-IBIG KOY ISANG MATINDING
DAMDAMIN,
TULAD NG LUMBAY KONG DI
MAKAYANG BATHIN
NOONG AKOY ISANG MUSMOS PA SA
TURING
NA ANG PANANALIG AY DI MASUSUPIL.
YARING PAG-IBIG KO, ANG
NAKAKABAGAY
AY ANG PAG-IBIG KO SA MARAMING
BANAL,
NA NANG MANGAWALA AY PARANG
NANAMLAY
SA PAGKABIGO KO AT
PANGHIHINAYANG.
YARING PAG-IBIG KO AY SIYANG LAHAT
NA,
NGITI, LUHA, BUHAY AT AKING
HININGA!
AT KUNG SA DIYOS NAMAN NA
IPAGTALAGA
MALIBING MAY LALONG IIBIGIN KITA.
ALAM MO BA NA...
ANG TULA AY ISANG ANYO NG
PANITIKAN NA MAY MATALINGHAGANG
PAGPAPAHAYAG NG ISIPAN AT
DAMDAMIN? MABABASA SA MGA TULA
ANG MGA KAISIPANG NAGLALARAWAN
NG KAGANDAHAN, KARIKTAN, AT
KADAKILAAN.
MAITUTULAD SA ISANG AWIT ANG TULA. NAGSISILBI RIN
ITONG PAGPAPAGUNITA SA DAPAT NA KAASALAN NG
MGA BATA AT KABATAAN, AT NAGLALAYONG
MAIPAHAYAG ANG KARANASAN, DAMDAMIN,
PANANAW, KABAYANIHAN AT ANG MAIGTING NA
PAGMAMAHAL SA SARILING BANSA. HANGGANG SA
KASALUKUYAN, ANG PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TULA
AY NANANATILING TULAY NG KAALAMAN MULA SA
KASAYSAYAN NG KAHAPON PATUNGO SA
KASALUKUYAN.
ISA SA ELEMENTO NG TULA AY ANG KARIKTAN. ANG
KARIKTAN ANG TUMUTUKOY SA PAGGAMIT NG
MATATALINGHAGANG SALITA, MGA SALITANG MAY
MALALALIM NA IBIG IPAKAHULUGAN AT MGA
TAYUTAY TULAD NG PAGWAWANGIS, PAGTUTULAD, AT
IBA PA.
MAY APAT NA PANGKALAHATANG URI ANG TULA:
TULANG PANDAMDAMIN O TULANG LIRIKO, TULANG
PASALAYSAY, TULANG PADULA AT TULANG PATNIGAN.
ANG BINASA MONG TULA AY ISANG SONETO NA
NASA ANYO NG TULANG PANDAMDAMIN O TULANG
LIRIKO. ANG SONETO AY ISANG URI NG TULA NA
NAGMULA SA ITALYA NA MAY LABING APAT NA
TALUDTOD AT SAMPUNG PANTIG SA BAWAT
TALUDTOD. MAY TIYAK NA SUKAT AT TUGMA NA
KINAKAILANGANG ISAALANG-ALANG NG MGA
MANUNULAT.
MALALIM NA PAG-IISIP AT MAYAMANG
KARANASAN ANG NAKAKAAPEKTO SA ISANG
MANUNULAT UPANG MAKABUO NG ISANG
MAHUSAY NA LIKHANG SINING. KUNG KAYAT ANG
MGA SONETO AY KINAPAPALOOBAN NG
DAMDAMIN NG ISANG MANUNULAT. ANG BAWAT
TALUDTOD NITO SA KARANIWANG DAMDAMIN AT
KAISIPAN AY NAGPAPAKILALA NG MATINDING
DAMDAMIN.

You might also like