Long Quiz 3
Long Quiz 3
Long Quiz 3
Edukasyon Sa Pagpapakatao
Long Quiz 3
2nd Quarter
I. Panuto: Basahin at unawin ng mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Iwasan ang pagbubura.
1. Hindi gaanong nagkaroon ng mga kaibigan si Kiko sapagkat madali itong mapikon at mainitin ang ulo. Paano
maiiwasan ni Kiko ang ganitong emosyon sa pakikitungo sa kanyang kapuwa?
A. sumama sa mga basagulero B. sumama sa mga nakatatanda
C. maging mahinahon at kalmado D. huwag na lang makipagkaibiganNangunguna sa klase
2. Ano ang mabuting maidudulot ng wastong pamamahala sa ating pangunahing emosyon?
A. makahanap ng kaaway B. maging angkop ang ikikilos
C. masuring mabuti ang sarili D. makasakit ng damdamin ng iba
3. Hindi maiiwasan sa pamilya na magkaroon ng alitan. Ginagawa ni Niko ang kanyang makakaya para sa ikabubuti ng
lahat. Ngunit sadyang sinusubok sila ng tadhana. Madalas mainggit ang nakatatandang kapatid nitong si Rico tuwing
may nakakamit siyang karangalan sa paaralan na humantong na sa hindi nila pagkikibuan. Kung ikaw si Niko, paano
mo pakikitunguhan ang iyong kapatid na si Rico para maiwasan ang gulo?
A. Hahayaan nalang ang kapatid sa hindi nito pagkibo.
B. Huwag papatulan ang kapatid para maiwasan ang gulo.
C. Kakausapin ang kapatid ng masinsinan at magkapatawaran.
D. Isusumbong sa mga magulang ang ginawa ng kapatid para mapagalitan.
4. Ano ang pangunahing emosyon na tinutukoy kapag ang isang tao ay madaling maapektuhan ang kanyang emosyon
na maaaring magbunga sa hindi niya pagganap nang maayos sa kanyang mga takdang gawain?
A. takot B. lungkot C. pagkakasakit D. saya
5. Isang basketbolista si Jeff at siya ang tinuturing na superstar ng kanilang team ngunit nawawalan siya ng gana kapag
hindi nasusunod ang gusto niyang mangyari sa loob ng court. Ano ang pangunahing emosyon ang ipinapakita ni
Jeff?
A. dismayado B. galit C. lungkot D. saya
6. Alin sa mga sumusunod na emosyon ang mahalagang mapamahalaan nang mabuti?
A. dismayado B. galit C. pananabik D. takot
7. Paano natin maiiwasan ang pagkamuhi sa isang tao?
A. magkimkim ng galit sa lahat ng mga nagawang mali ng kapuwa sa iyo
B. magbilang ng mga pagkakamaling nagawa ng kapuwa para maghiganti
C. maging mapagpatawad sa iyong kapuwa sa kabila ng pagkakamaling nagawa
D. magkunwaring masaya kapag kaharap ngunit sa kaloob-looban ay nagngingitngit sa galit
8. Nagbabalak si Mat na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo ngunit nagaalinlangan siya dahil ayaw niyang
malayo sa pamilya. Alin sa mga sumusunod ang patunay na naimpluwensiyahan ng emosyong pagkatakot
ang ikinikilos ni Mat?
A. Si Mat ay ayaw mag-aral sa Maynila dahil mahal ang bayarin doon.
B. Si Mat ay nag-aalala na mag-aral sa Maynila dahil hindi niya kabisado ang lugar.
C. Si Mat ay nakiusap sa kanyang mga magulang na sa kanilang lugar nalang mag-aral.
D. Si Mat ay nag-alinlangang mag-aral sa Maynila dahil ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya.
9. Bakit may mga taong nakagagawa ng masama kapag sobrang galit?
A. dahil nakikinig sa dikta ng ibang tao
B. dahil nagpapadala sa bugso ng damdamin
C. dahil napamahalaan ng tama ang sariling emosyon
D. dahil iniisip ang kapakanan ng sarili, pamilya at ng ibang tao
10. Bakit mahalagang mapamahalaan nang maayos ang matinding emosyon? Ito ay upang
_________________________________________________.
A. makapaghiganti sa kapuwa
B. mailabas ang emosyong nararamdaman
C. maisagawa ang mga pansariling kagustuhan
D. magkaroon nang maayos na pagtugon sa mga problema
II. Panuto: Identification:Tukuyin kung ano ang hinihingi ng mga sumunod. Isulat ang sagot sa patlang.
– 14. Apat na uri ng damdamin 15-19. Limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama
11.
11. __________________________________ 15.____________________________________________
12. __________________________________ 16.____________________________________________
13.___________________________________ 17.____________________________________________
14.___________________________________ 18.____________________________________________
19.____________________________________________
20-24. Magbigay ng hindi bababa sa Anim na Pangunahing Emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education
in Values: What, Why and For Whom:
20.___________________________________
21. __________________________________
22. __________________________________
23. __________________________________
24. __________________________________
25. __________________________________
Masaya
(Happy)
Malungkot
(Sad)
Galit
(Anger)
Pagkamuhi
(Hatred)
Bilugan ang emoji na tumutukoy sa iyong emosyon batay sa ginawa nating gawin ngayong araw. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.
Teacher Remarks:
__________________________
__________________________
____________
CRISALYN O. BALLENAS
Teacher I
Ano ang EMOSYON?
Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at
narinig na binibigyan ng interpretasyon ng pag-iisip.
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw
ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil
sa naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo magpang-abot.
b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin. Nakapag-iingat at
nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
Paano napauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang pangunahing elemento ng EQ (Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin. Ito ay makatutulong sa
pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili. Ikaw ay nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka lang sunod nang
sunod sa nais ng iba.
2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon ay mahalaga dahil ang
mga ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong
kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay.
3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang
isang layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa sarili
at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya. Naglalaan siya ng oras upang makapagrelax at magnilay.