Katitikang Pulong

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Philippines

Probinsya ng Capiz
Munisipalidad ng Jamindan

KATITIKAN NG PULONG NG MGA SK MEMBER NG BRGY. POBLACION, JAMINDAN, CAPIZ

Ika - 18 ng Oktubre, 2024


Ika – 2 N.H hanggang 4 N.H
Sa Barangay Hall ng Poblacion Jamindan Capiz

Dumalo:

 Kagalang – galang, Hon. Ulysses F. Guillermo ( Punong Barangay )


 G. Junius M. Visto ( Kalihim ng Barangay )
 Bb. Verlyn V. Villas ( SK Chairman)
 Bb. Alyzza Margareth Abaring ( SK Secretary)
 Bb. Kreiasha Mari A. Polendey ( SK Member )
 Bb. Euny Raenzel L. Marcelo ( SK Member )
 G. Giero Gabriel V. Agapito ( SK Member )
 G. Vince Glejan A. Protacio ( SK Member )
 G. Kian Aryz P. Atanacio ( SK Member )

Di Dumalo:

 G. Neumann Vinz R. Sudario ( SK Treasurer )


 Bb. Gabriela L. Dangan ( SK Member )

Panukalang Adyenda

1. Paglalagay ng Basurahan sa Poblacion Jamindan Capiz

I. Pagsisimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay sinimulan ng pagbati ng SK member na si Vince Glejan Protacio sa


lahat ng panauhin, sa ganap na ika -2 ng hapon, at sinundan ng isang maikling
panalangin.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pulong

Nag patuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni G. Vince Glejan A. Protacio sa nakaraang


pagpupulog noong Septyembre 18, 2024. Iniulat niya ang tungkol sa proyektong
paglalagay ng basurahan sa Poblacion Jamindan Capiz.

III. Pagpapatibay ng Adyenda


 Pinasimulan ang pagpupulong sa isang panalangin na ipinagkaloob kay G. Vince Glejan
A. Protacio. Kasunod ay nagbigay ng maikling mensahe si Hon. Ulysses Guillermo tungkol
sa proyektong paglalagay ng basurahan sa Poblacion Jamindan Capiz.
 Sinimulan ni Bb. Euny Raenzel L. Marcelo ang unang adyenda- Pagtatalakay kung saang
parte ng Poblacion ilalagay ang mga basurahan. Ipinaalam niya na ilalagay ang mga
basurahan sa mga mataong lugar. Nagbigay ng suhestiyon ang bawat miyembro at
napagdesisyonan na ilalagay ito sa harap ng simbahan, palengke, sa plaza ( sa Rizal,
playground, at sentro ng plaza), sa bus stop/ terminal, at sa harap ng paaralan.
 Pagtatalakay sa mga taong pwedeng makakatulong sa paglalagay ng mga basurahan sa
Poblacion- Sumunod ay ang pagtalakay ni Bb. Alyzza Margareth Abaring sa mga taong
makakatulong sa paglagay ng basurahan. Nagbigay naman suhestiyon si G. Giero Gabriel
Agapito na kinakailanganin ang mga soldador/welder para sa basurahan upang
masigurong hindi ito matutumba. Nagbahagi rin si Bb. Verlyn V. Villas ng kaniyang idey a
na kailangan na tumulong ang mga kasapi ng Sangguniang Kabataan sa paglalagay ng
basuraha upang mapadali ang mga gawain. Ayon rin kay Bb. Kreiasha Mari na
kinakailangang ipaalam sa mga mamamayan ng Poblacion ang tungkol sa proyekto
upang magkaroon ng mga boluntaryo.
 Sinundan ang pagpupulong ng pagtalakay ni Bb. Kreiasha Mari Polendey ng perang
gugulin para sa nasabing proyekto. Ayon sa kaniya, mayroong 50,000 pesos na pondo
ang munisipyo para sa proyektong ito. Hahatiin ang pera sa pagbili ng mga materyales
na gagamitin at pagbabayad sa mga soldador sa bawat oras ng kanilang paggawa. Ang
20,000 pesos ay gagamitin para sa basurahan. Ang 10,000 pesos naman ay para sa bakal
na pampatibay ng mga basurahan at 10,000 pesos rin para sa iba pang materyales na
kakailanganin. Ang matitirang pera ay gagamitin sa pagbayad ng mga soldador na may
600 pesos na istimasyon kada araw.

IV. Iskedyul ng Susunod na Pulong


Oktubre 27, 2024 - Ika – 2 N.H. hanggang 4 N.H.

V. Pagtatapos ng Pulong
Pormal na natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:00 ng hapon. Nagbigay ng panapos
na salita si G. Vince Glejan A. Protacio at kaniya ring binigyang pasalamat ang mga
dumalo, kasama si Bb. Verlyn V. Villas. Kanilang ipinahayag ang inaasahang aktibong
partisipsyon ng mga miyembro sa nasabing aktibidad.

Inihanda ni:

Kalihim ng Barangay

Nagpatotoo:

Verlyn V. Villas
SK Chairman

Inaprobahan:

Tagapayo

You might also like