Work Sheet AP 10 1QW4 3.0

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG CAMP TINIO Camp Tinio,

Lungsond ng Kabanatuan

ARALING PANLIPUNAN 10 WORKSHEET NO. 4


ST
1 QUARTER

LEARNING COMPETENCY:
Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran

PANIMULA
“Ligtas Ang May Alam”, “I Am Ready”, ito ay simpleng pahayag ngunit kailangan nating pagtuonan ng pansin sa
panahon natin ngayon sapagkat hindi natin alam kung ano ang darating kinabukasan. Tinutukoy ko rito ang mga
kalamidad at iba’t ibang panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran na kalimitang nagiging dahilan ng pagkasira ng
ari-arian at pagkawala ng buhay ng maraming tao sa ating bansa.
Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran na ating
nararanasan? Ito ba ay tungkulin ng pamahalaan o ng mamamayan?
Tatalakayin sa modyul na ito ang tungkol sa mga paghahanda na dapat gawin ng mga mamamayan sa harap ng
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Hindi lamang ang pamahalaan ang may responsibilidad sa mga
suliraning ito.

Balik-Aral – Sagutan Natin!

Tanong Sagot
____1.Ito ay natural na pangyayari na dulot ng pagkaubos o pagkakalbo
ng kagubatan. ____2. Paglipat ng pook panirahan.
____3.Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng

kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na Sanhi


syon
Epekto Solu kalamidad.
____4. Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.
____5. Tumutukoy sa anumang bagay na nagmumula sa kalikasan
katulad ng kagubatan, kabundukan, lupa at mga anyong tubig.

Paksa 1: Ang Pamamahala sa Kalamidad(Disaster


Management)

• Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.

• Binigyang diin nina Ondiz at Rodito (2009), na ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang
gawain na binuo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
• At ayon naman sa Red Cross Disaster Management Manual, ito ay isang ahensiya na may
administratibong desisyon, at gawain patungkol sa bawat yugtong isang sakuna.

Mapapansin sa mga kahulugan na ang pamamahala sa kalamidad (disaster management), ay hindi lamang
tumutugon pagkatapos ng kalamidad, bagkus gumagawa din ng mga hakbang upang muling makabangon at
manumbalik sa dating pamumuhay ang mga tao sa isang komunidad.
Termino Kahulugan
Hazard - banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao.na maaaring sanhi ng pinsala, buhay, ari-
arian, at kalikasan. May dalawang uri ng hazard

• Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard- ito ay mga hazard na bunga ng mga


gawain ng tao. Halimbawa nito ay ang mga basura na itinatapon kung saan saan at maitim
na usok na ibinubuga ng mga pabrika.

• Natural Hazard – ito naman ay mga hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay

1
ang lindol, tsunami, landslide, at storm surge.
Disaster - mga pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya. Ito ay maaaring resulta ng hazard,
vulnerability o kahinaan, at kawalan ng kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang
mga hazard.
Vulnerability - kahinaan ng tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan
ng mga hazard. Ang mga kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan ang kadalasang
nakaiimpluwensiya sa kahinaang ito. Halimbawa, mas vulnerable ang mga taong
naninirahan sa paanan ng bundok at ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na
materyales.
Risk -.mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang kalamidad o sakuna. Ang
mababang kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang panganib na dulot ng
kalamidad ay nagiging dahilan ng mas mataas na pinsala. May dalawang uri ito, ang
human risk at structural risk.
Resilience - kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng kalamidad. Ang pagiging
resilient ay maaaring makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng
kasanayan at kaalaman tungkol sa hazard ay isang paraan upang sila ay maging ligtas sa
panahon ng kalamidad. Maari ring estruktural na kung saan isinasaayos ang mga tahanan,
gusali, o tulay upang maging matibay bago pa dumating ang isang kalamidad.

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and


Management Framework

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay may dalawang pangunahing layunin:

1. Ang suliranin na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat paghandaan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at

2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang maiwasan at mapababa ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad.

Mga Itinataguyod ng PDRRM Framework:

• Ang paglutas sa mga hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan.

• Nagmumula sa pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan,


mangangalakal, Non-governmental Organizations (NGO’s), pribadong sector, kasama na ang mga
mamamayang naninirahan sa isang komunidad ang pagbuo ng disaster management plan.

• Ang pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap ng mga hamong pangkapaligiran ng Community Based-
Disaster and Risk Reduction Management Approach ang itinataguyod ng National Disaster Risk and Reduction
Management Council (NDRRMC) sa kasalukuyan.

Ang Community-Based Disaster and Risk Reduction


Management Approach (CBDRM)

Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang paraan upang
ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, sususri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaari nilang
maranasan lalo na ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. Isa itong paraan upang maiwasan
ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian at maisabuhay ng mga tao sa isang komunidad ang kahalagahan ng
pagiging handa. Binibigyang-diin ang bahaging dapat gampanan ng mamamayan sa pagpaplano, pagdedesisyon,
at pagsasakatuparan ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk management. Napakahalaga ang
aktibong partisipasyon ng mga mamamayan dahil sila ang posibilidad na makaranas ng mga epekto ng
kalamidad at sakuna.
Binigyang-diin dito na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng isang lugar upang:

1. mabawasan o mapababa ang epekto ng mga hazard at kalamidad;

2
2. magkaroon ng mas maayos na plano na tutugon sa panahon ng kalamidad upang mailigtas ang mas
maraming buhay at ari-arian sa halip na umasa lang sa tulong galing sa pambansang pamahalaan; at
3. mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng kalamidad dahil sa mas
organisadong plano na gawa ng lahat ng sektor ng pamayanan.

Gawain 1: Modified True or False


Isulat ang salitang LIGTAS kung ang pahayag ay tama, at kung mali itama ang salitang nasalungguhitan
upang maging tama ang pahayag. Gumamit ng sariling sagutang papel.

1. ____________ Ang Community-Based Disaster and Risk Reduction Management Approach ay isang
proseso ng paghahanda na nakatuon sa kapakanan ng tao.
2. ____________ Ang paglutas sa mga hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan.
3. ____________ Tanging ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay at tataya
sa mga risk na maaari nilang maranasan para makagawa ng isang disaster management plan.
4. ___________Mabibigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng sakuna at
kalamidad dahil sa mas organisadong plano na gawa ng piling sektor ng pamayanan.
5. ___________Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay
nakatuon sa paghahanda sa bansa at komunidad sa panahon ng kalamidad o anumang panganib.
Kahalagahan ng CBDRM Approach

Layunin ng CBDRM:

• Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran na


nakasalalay sa mabuting pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan.
• Maging disaster-resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based
Disaster and Risk Management Approach.

Katangian ng Bottom-up Approach


• Ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan
sa isang pamayanan ay nagmumula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng pamayanan.
• Ang pamumuno ng lokal na pamayanan ang pangunahing kailangan para sa grassroots
development kasama na ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sector, at
mga NGO’s.
• Nabibigyan ng pansin ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang grupo sa isang pamayanan na
makatutulong sa paglaban sa mga hazard at kalamidad.
• Ang karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang nagiging
pangunahing batayan ng plano.
• Ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ay isa sa mga salik upang
maipagpatuloy ang matagumpay na bottom-up approach. • Kailangan ang maingat at responsableng
paggamit ng mga tulong-pinansyal. • Ang matagumpay na bottom-up strategy ay natatamo dahil sa
malawakang partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at pagbuo ng desisyon.

Katangian ng Top-down Approach


• Ipinapaubaya sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng mga gawain
tulad ng pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.
• Karaniwan ang sistemang ito ay laging binabatikos at nakatatanggap ng mga kritisismo sa
kadahilanang napapabayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng epekto ng
kalamidad at kadalasang hindi naibibigay ang mga pangangailangan ng mga tao.
• Kadalasan ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano kung
kaya’t limitado ang pagbuo sa disaster management plan.
• Ang mga karanasan, pananaw, at pangangailanagan ng mga mamamayan ay hindi rin nabibigyan ng
pansin. Sa kabuoan, nagiging mabagal ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sanhi ng
hindi pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga patakaran at
hakbangin na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad.

3
Gawain 3. Dapat Tandaan! Concept Web:

Magbigay ng mga mungkahi kung papaano maiwasan o mabawasan ang maaaring matinding epekto
ng kalamidad sa buhay at ari-arian ng mga tao sa iyong sariling pamayanan.

Para sa karagdagang kaalaman maaring gamitin ang Learner’s


Module sa Araling Panlipunan 10 o bisitahin ang FB page na CTNHS-
AP 10. Wag din kayong mahihiyang magtanong sa inyong subject AP
teacher sa AP na sina Ma’am Zydilane D. Melad at Sir Herbert
Bautista. P

You might also like