FIL-G6-LP-Ang Puting Sapatos

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

ENGLISH LESSON PL ANS FILIPINO LESSON PLANS L I T E R AC Y S T R AT EG I E S

Ang Puting Sapatos


Baitang 6 | Maikling Kuwento

Ang teksto ay isang maiking kuwento tungkol kay


Ginang Eva Cruz na mahilig magregalo ng sapatos.
Tinatalakay dito ang mga trauma na dala ng
kasalatan at kahihiyang naranasan noong
kabataan, at kung paano ito mahilom ng pagiging

BAI TANG 6
mapagbigay. Ang detalyadong lesson plan
ay dinisenyo upang mapapayaman ang
talasalitaan at lubos na maunawaan ang
kuwento sa pamamagitan ng aktibong
partisipasyon sa malayang talakayan sa
tulong ng mga tanong at larawan.

Talaan ng Nilalaman

Teksto 02
Banghay-Aralin 06
Pang-Araw-Araw na Tala 18
T EKSTO

Ang Puting Sapatos


ni Grace D. Chong
Isinalin sa Filipino ni Luis P. Gatmaitan, M.D.

"
S apatos!” hula ni Anton sa regalo ng
barangay ay Aling Sapatos sa halip na
Ginang Cruz.
kaniyang Ninang noong kanyang kaarawan. Hindi naman sa hindi sila nasisiyahang
Tama siya. tumanggap ng sapatos. Ito’y dahil … minsan,
gusto rin naman nilang masorpresa at nang
“Sapatos!” hula ni Jillian sa regalo ng kaniyang hindi na lang laging tama ang kanilang hula.
Lola sa kaniya noong pasko.
Tama siya. May matibay na dahilan si Ginang Cruz kung
bakit ang lahat ng kaniyang regalo sa bata
“Sapatos!” hula ni Jay sa natanggap man o matanda ay sapatos.
niyang regalo mula sa tagapagtaguyod sa
paligsahan. Tama siya. Walang nakaaalam kung ano ito; walang
makahula. Pilit man nilang tuklasin, wala
“Sapatos!” “Sapatos!” “Sapatos!” Tama ang talagang nakaaalam kung ano ang
hula nilang lahat. totoong dahilan.

Paanong nahulaan ng lahat ang laman ng Ito’y sapagkat ang tunay na dahilan ay
nakabalot sa regalo? nananatiling lihim hanggang ngayon –
napakaespesyal kung kaya’t nasa puso
A, madali lang. Kapag ang regalo ay lamang ito ni Ginang Cruz.
nanggaling kay Ginang Eva Cruz, tiyak na ang
laman nito ay isang pares ng sapatos! Ang Tanging ang kaniyang namayapang magulang
mga regalo, gantimpala, at anumang pabuya at isang kapatid na lalaki ang nakaaalam ng
galing kay Ginang Cruz, tiyak na ito’y sapatos, lahat-lahat tungkol dito.
sapatos sapatos!
Noong musmos pa lamang si Ginang Cruz,
“Sana, laruang robot naman ang iregalo sa mahirap ang kaniyang pamilya pero masaya
akin ni Tita sa susunod,” sabi ni Myrna.

“Sana, manyika naman ang iregalo ni Lola sa


akin sa susunod,” sabi ni Gladys.

“Sana, aklat naman ang iregalo sa akin ni


Ginang Cruz sa susunod.” Sabi ni Sammy.

“Sana.” “Sana.” “Sana,” hiling ng bawat isa.

Pero hindi. Hindi sila naririnig ni Ginang Cruz. sila. Hindi man lamang nakatapos ng
elementarya ang kaniyang magulang.
Ang ibinibigay lamang niya ay sapatos—
magagandang sapatos. Kaya naman hindi Kung kaya’t kahit sila’y ubod ng sipag, hindi
nakakapagtakang ang tawag sa kaniya sila nakakuha ng magandang hanapbuhay.
ng mga kaibigan, inaanak, pamangkin,
apo, kapitbahay, kasamahan sa trabaho, Nasa Grade 6 na si Eva nang magkasakit nang
kasamahan sa simbahan, at mga kagawad sa malubha ang kaniyang ama. Lagi na lamang

2 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


itong inuubo at hindi na nakapagtrabaho;
lagi na siyang nakahiga. Kinailangan siyang
alagaan.

Kinailangan din nila ng maraming perang


pambili ng gamot.

Pagdating mula sa eskuwelahan, noon pa


lamang aalis ng bahay ang kanyang nanay.

“Anak alagaan mong mabuti ang iyong ama


habang ako’y naglalaba doon sa malaking
bahay.”
damit at puting sapatos!” Nagmamadaling
"Opo, Inay.” umalis ng bahay ang kaniyang Inay.

“At pakitulungan mo na rin ang iyong kapatid Nagtatanong-tanong siya sa kaniyang mga
sa kanyang takdang-aralin.” kaibigang tindera sa palengke.

“Opo, Inay.” Nagtatanong-tanong siya sa kaniyang kamag-


anak sa kabilang bayan.
“ At pakitulungan mo na rin ang iyong kapatid

BAI TANG 6
na kaniyang mga takdang-aralin.” Tinanong din ng kaniyang Inay ang kanilang
kapitbahay na hindi naniniwalang mahalaga
“Opo, Inay.” pa ang dumalo ng Pagtatapos.

Isang araw, may sinabi si Eva sa kaniyang ina. Sa wakas, nakahiram din ng puting damit ang
“Inay… kailangan daw pong magsuot kami ng kaniyang Inay.
puting damit at puting sapatos sa araw ng
aming pagtatapos.” Nag-aalala si Eva dahil “Masyadong masikip at masyadong maigsi!”
alam niyang magiging malaking problema ito reklamo ni Eva nang isukat niya ang damit.
sa kaniyang pamilya. Hindi pa kasi uso noon ang mga damit na
mini-skirt.
“Oww,” napatigil ang kaniyang nanay at
napaisip nang malalim. “Hindi naman ganun kasama…,” pa-ubo-
ubong sabi nang nakahiga niyang ama.
“Hindi naman po ako kailangang dumalo,”
mungkahi ni Eva sapagkat alam niyang hindi “Puwede na,” sabi ng kaniyang Inay.
kakayanin ng kaniyang nanay na maibili siya
ng maisusuot sa Araw ng Pagtatapos. “A, opo, siguro nga po,” tugon ni Eva. Pero
wala pa rin po akong puting sapatos!”
“Siyanga po pala, Inay, kasama po ako sa mga
tatanggap ng karangalan,” pahabol “Hmmm, di ba may luma kang itim na
niyang sabi. sapatos?"

“May tatanggapin kang karangalan?” gulat na “Pintahan mo na lang kaya ng puti,” mungkahi
sabi ng kaniyang Inay, umaapaw sa puso ang ng kaniyang ama.
kaligayahan. “Naku, kailangan kang dumalo
sa iyong pagtatapos, Eva." “Magandang ideya ‘yan!” dagdag ng Inay
ni Eva.
"Napakahalagang okasyon nito. Gagawa ako
ng paraan para magkaroon ka ng puting Kaya si Eva, kasama ang kaniyang kapatid at

Ang Puting Sapatos 3


T EKSTO

Inay ay naghanap ng puting pintura – sa ilalim Pero hindi siya maaaring umalis. Kabilang sa
ng mga halaman, sa mga butas na imburnal, mga nanonood ang kaniyang Inay at kapatid
sa pagitan at sa mga loob ng mga sirang na kumakaway at ngumingiti pa sa kanya.
timba, at sa ibabaw ng mga
yuping dram. Naalala rin niya ang amang may sakit na
nagsabing, “Eva, kahit mahirap lamang tayo,
Hanggang sa nakatagpo sila ng isang lata ng ang dami mo naman karangalang natamo.”
tita-tirang pintura sa tabi ng umaapaw
na basurahan. Ang mga salitang yun ay pansamantalang
nagpalubag ng kaniyang loob.

Nang biglang umambon.

Nanatili ang mga mag-aaral sa kanilang


kinaroroonan. Hindi sapat ang ambon o ulan
upang iwan nila ang napakahalagang okasyon
na ito sa kanilang buhay.

Subalit ang saglit na pag-ulan ay sapat na


upang mabasa ang kanilang sapatos!
Maingat na pinintahan ni Eva ang kaniyang
itim na sapatos.

“Ang ganda na!” bati ng kapatid ni Eva sa


kaniyang itim na sapatos.

Hindi sukat akalain ni Eva na magiging


maganda ang kaniyang sapatos –
napakaganda nito!

Dumating ang Araw ng Pagtatapos.


Ooops. Biglang nagkaroon ng maliliit na bilog
Ang basketball court sa kanilang paaralan ay ang mga puting sapatos ni Eva. Tahimik na
napalamutian ng mga puting bulaklak na yari tumatangis si Eva. Hindi!
sa papel.
Pagkatapos, tumagas ang puting pintura na
Naggagandahan ang kaniyang mga kaklaseng naging mga itim na guhit. Nakupo!
babae sa kanilang kasuotang bago at puting
damit na may borloloy pa. At nang tinawag na ang pangalan niya sa
entablado, ang kaniyang sapatos ay mistula
Samantalang si Eva, pilit niyang hinahatak ng may mantsa ng lintang itim. Nakupo!
pababa ang masikip at maiksing damit upang Nakupo! Nakupo!
magkamukha itong mahaba.
Pagkatapos ay bumalik ang dating kulay itim
Pakiramdam niya’y hindi siya nabibilang sa ng mga ito! Aww.
grupo at hiyang-hiya ito para sa sarili. Gusto
na niyang umuwi. Namula si Eva.

Nanlamig si Eva.

4 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Nagmistulang zombie si Eva. Sunod-sunod na napaubo ang kaniyang ama.

Labis ang pagkapahiya ni Eva kung kaya’t Nang ito’y huminto, sinabi niya, “Kung
hiniling nitong sana’y maging kasing-itim na pinaghusayan mo ang bagay na
rin siya ng kaniyang mga sapatos at tuluyan ipinagkatiwala sa iyo at ipinagpapasalamat
nang maglaho sa kaniyang anino. mo ang mga ito, ‘yun ang tunay na diwa
ng tagumpay.”
Pero ang mga nanonood, ang kaniyang
mga guro at principal ay malakas na Ipinagpatuloy ni Eva ang pag-aaral hanggang
pumapalakpak para sa kaniya. hayskul at kolehiyo sa tulong ng scholarship
at ang pamamasukan sa kahit anong trabaho
Maging ang ilan sa kaniyang kamag-aral upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral.
ay nagsimula na ring ihiyaw ang kaniyang
pangalan: “E-va! E-va! E-va! Pinilit niyang Dahil siya ay nagtapos ng may mataas na
magpakatatag at umakyat sa entablado karangalan, kinuha siyang magtrabaho at
upang tanggapin ang diploma at karangalang sinanay ng isang international company.
laan para sa kanya.
Makalipas ang ilang taon, nagpatayo si Eva ng
Sa kaniyang tahanan, inihandog niya ang sariling negosyo at naging matagumpay ito.

BAI TANG 6
sertipiko ng karangalan sa kanyang ama.
Ngayon, ang kaniyang kompanya ay
Noon lamang niya muling nakita ang ganung napakalaki na at maraming departamento.
ngiti ng kaniyang ama mula nang Isa na rito ang tinawag niyang “Thanksgiving
ito’y magkasakit. Section.”

“Ipinagmamalaki kita, anak. Pasensiya ka na Dito, may mga mahuhusay at bihasang


kung hindi ako nakasama para sapatero na gumagawa ng magagandang
mapanood ka.” sapatos para ipamigay niya – kung kaya’t
walang taong kilala niya na magsasabing wala
“Nandun po ako!" Tugon ng kapatid. ito, yun ang tunay na diwa ng tagumpay.

Naupo si Eva sa gilid ng kama ng kaniyang O, mahuhulaan mo na ba kung bakit si Eva


ama, ramdam pa rin ang pagkapahiya sa suot – o si Ginang Eva Cruz o Aling Sapatos – ay
niyang maiksi at masikip na damit at itim na mahilig mamigay ng sapatos sa bawat isa?
sapatos.

Naupo rin ang kaniyang ina sa kabilang gilid


ng kama at marahang sinabi, “Anak, wala
kang dapat ikahiya; ang lahat ay dapat
mong ipagmalaki.

"Magaling ka at sa kabila ng marami mong


gawain sa bahay, nagawa mo pa rin ang
magtapos ng may karangalan.

Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa


pagkakaroon ng puting damit at
puting sapatos.”

Ang Puting Sapatos 5


BANGHAY-A RA L IN

Masusing Banghay-Aralin
LAYU NIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng


sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Pagganap

Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o paksang napakinggan.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin

a. Pagwawari at Pagpapahalaga
Naipadarama ang pag-unawa sa naging karanasan at kalagayan ng mga
taong may pangangailangan.

b. Kasanayang Pampagkatuto
Naipahahayag ang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa anumang
regalong natatanggap.

PAKSA

Ang Puting Sapatos (The White Shoes) ni Grace D. Ong


Isinalin sa Filipino ni Luis P.Gatmaitan, M.D.

MGA KAG A M ITA N

A. Sanggunian:
Kuwento ng “Ang Puting Sapatos” ni Grace D. Ong
Isinalin sa Filipino ni Luis P.Gatmaitan, M.D.

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo:


sipi ng kuwento para sa pagbasa ng guro manila paper, pentel pen
larawan/guhit ng isang batang nagtapos sa elementarya

6 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


PA M A M A RA AN

BAG O M AGBA S A HABAN G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

A. Panimula

A. Magpakita ng larawan ng isang batang babaeng nakasuot ng puting damit at sapatos


paakyat ng entablado. Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng larawan? Bakit siya nakasuot ng
puting damit at sapatos? Sino kaya siya bilang mag-aaral? Ganito pa rin ba ang hitsura ng
mga nagtatapos sa Grade 6?

Pahapyaw na pagbabalik-tanaw sa naganap noong unang araw ng aralin.

B. Pagpapayaman ng Talasalitaan

Ipabasa ang mga sumusunod na pangungusap at ipatukoy ang kahulugan ng


salitang nasalungguhitan:

1. Nagbigay ng pabuya si Ginoong Santos sa mag- aaral na nakahanap ng

BAI TANG 6
kaniyang cellphone.

A. palabas C. regalo
B. patalastas D. babala

2. Maagang namayapa ang kanyang magulang kaya hindi na siya


nakapagpatuloy ng pag-aaral.

A. namatay C. umalis
B. ikinasal D. naghiwalay

3. Mas maraming borloloy sa katawan ang mga babae kaysa sa lalaki.

A. sakit C. dekorasyon
B. problema D. damit

4. Nagpalubag ng kaniyang kalooban ang mga papuring tinanggap mula


sa kaniyang guro.

A. nagpagalit C. nagpalungkot
B. nagpabigat D. nagpasaya

5. Nakatapos sya ng pag-aaral sa pamamagitan ng scholarship na ibinigay


ng pamantasang pinagtapusan niya ng pag-aaral.

A. libreng tirahan C. libreng paaral


B. libreng pakain D. libreng pamasahe

Ang Puting Sapatos 7


6. Nagmistulang zombie ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang makapal
na make-up.

A. patay na buhay C. aswang


B. multo D. tikbalang

Sabihin sa klase na ang mga salitang ito ay ginamit sa loob ng kuwentong babasahin
para sa kanila.

B. Pangganyak

Itanong:
1. Sa araw ng iyong pagtatapos, ano-ano ang mga bagay na gusto mong meron ka? Paano
kung hindi kayang bilhin ng iyong mga magulang ang bagay na ito? Ano ang gagawin mo?

2. Pagganyak na Tanong (Bago basahin/iparinig ang kuwento)

Sabihin sa mga mag-aaral na ang kuwentong babasahin sa kanila ay kaugnay sa isang


bagay na kinailangang gawin ng mag-anak upang makadalo sa isang mahalagang
okasyon sa buhay ng pangunahing tauhan at kung ano ang naging epekto nito sa
kaniyang buhay.

Itanong:
Ano kaya ang bagay na ito na kailangan ng pangunahing tauhan upang makadalo sa
mahalagang okasyon? Paano ito ginawan ng paraan ng kaniyang pamilya?

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

C. Paglalahad ng Aralin

1. Bago basahin ang kuwento sa klase, balikan at ipaisa-isa sa kanila ang mga panuntunan
sa klase kapag nakikinig sa kuwento.
2. Paghandain ang mga mag-aaral ng katulad ng nasa ibaba sa kanilang papel.
Sabihin sa kanila na habang binabasa ang kuwento, may mga bahagi na panandaliang
hihinto upang magtanong. Sa mga tanong na may bilang, isusulat nila ang kanilang
sagot sa inihandang sagutan, samantalang ang tanong na walang bilang ay
maaaring pasagutan ng pasalita. Bigyan ng sapat na panahon ang mga batang
isulat ang kanilang sagot bago ipagpatuloy ang pagbasa.
3. Basahin ang pamagat ng kuwento.
Itanong:
Bakit kaya ito ang pamagat ng ating kuwento? Pumili ng dalawa o tatlong boluntaryong
bata upang sagutin nang pasalita ang iyong tinanong.

Sabihin:
Sino kaya sa kanila/inyo ang may tamang hula? Tuklasin natin.

8 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


4. Ituloy ang pagbasa. Lapatan ng angkop na damdamin ang pagbasa.
Tingnan sa DLP kung saang bahagi ng teksto magkakaroon ng paghinto para
magbigay ng tanong.

Tanong Hula Ko Ayon sa kwento

1. Bakit kaya pare-parehong


sapatos ang natanggap
nilang regalo?

2. Sino ang tanging


nakakaalam ng lihim na
dahilan ni Ginang Cruz
sa pagbibigay niya lagi ng
sapatos sa iba?

3. Bakit masasabing lumaki


sa mahirap na pamilya si
Ginang Cruz noong
siya'y bata?

4. Ano kayang paraan


ang gagawin ng
kanyang Inay?

5. Ano sa palagay niyo ang


ibig sabihin o ipahihiwatig

BAI TANG 6
ng tanog na ito?

6. Ano kaya ang susunod


na mangyayari?

Ang Puting Sapatos


ni Grace D. Chong
isinalin sa Filipino ni Luis P. Gatmaitan, M.D.

“Sapatos!” hula ni Anton sa regalo ng kaniyang Ninang noong kanyang kaarawan. Tama siya.
“Sapatos!” hula ni Jillian sa regalo ng kaniyang Lola sa kaniya noong pasko. Tama siya.
“Sapatos!” hula ni Jay sa natanggap niyang regalo mula sa tagapagtaguyod sa paligsahan.
Tama siya.

(Hinto sa pagbasa. Itanong: (1) Bakit kaya pare-parehong sapatos ang natanggap nilang regalo?)

A, madali lang. Kapag ang regalo ay nanggaling kay Ginang Eva Cruz, tiyak na ang laman nito
ay isang pares ng sapatos! Ang mga regalo, gantimpala, at anumang pabuya galing kay
Ginang Cruz, tiyak na ito’y sapatos, sapatos sapatos!

“Sana, laruang robot naman ang iregalo sa akin ni Tita sa susunod,” sabi ni Myrna.

“Sana, manyika naman ang iregalo ni Lola sa akin sa susunod,” sabi ni Gladys.

“Sana, aklat naman ang iregalo sa akin ni Ginang Cruz sa susunod.” Sabi ni Sammy.

“Sana.” “Sana.” “Sana,” hiling ng bawat isa.

Pero hindi. Hindi sila naririnig ni Ginang Cruz.

Ang Puting Sapatos 9


(Hinto sa pagbasa. Itanong: Bakit kaya ganito ang nasasabi o reaksiyon nina Myrna, Gladys at
Sammy? Kung isa kayo sa nabibigyan ng sapatos ni Ginang Cruz, ganito rin kaya ang inyong
mararamdaman o sasabihin? Ano ang dapat ninyong maramdaman?

Ang ibinibigay lamang niya ay sapatos—magagandang sapatos. Kaya naman hindi


nakakapagtakang ang tawag sa kaniya ng mga kaibigan, inaanak, pamangkin, apo,
kapitbahay, kasamahan sa trabaho, kasamahan sa simbahan, at mga kagawad sa barangay
ay Aling Sapatos sa halip na Ginang Cruz.

Hindi naman sa hindi sila nasisiyahang tumanggap ng sapatos. Ito’y dahil … minsan, gusto rin
naman nilang masorpresa at nang hindi na lang laging tama ang kanilang hula.

May matibay na dahilan si Ginang Cruz kung bakit ang lahat ng kaniyang regalo sa bata man
o matanda ay sapatos.

Walang nakaaalam kung ano ito; walang makahula. Pilit man nilang tuklasin, wala talagang
nakaaalam kung ano ang totoong dahilan.

Ito’y sapagkat ang tunay na dahilan ay nananatiling lihim hanggang ngayon – napakaespesyal
kung kaya’t nasa puso lamang ito ni Ginang Cruz.

Tanging ang kaniyang namayapang magulang at isang kapatid na lalaki ang nakaaalam ng
lahat-lahat tungkol dito.

(Hinto sa pagbasa. Sa bahaging ito, maaring pumasok ang konsepto ng pagiging isang pamilya.
Itanong: (2) Sino ang tanging nakakaalam ng lihim na dahilan ni Ginang Cruz sa pagbibigay niya
lagi ng sapatos sa iba? Sa inyong palagay, bakit tanging sila lamang ang nakakaalam? Sabihin:
Itutuloy ko ang pagbasa upang alamin natin kung ano ang sikretong ito ni Ginang Cruz…)

Noong musmos pa lamang si Ginang Cruz, mahirap ang kaniyang pamilya pero masaya sila.
Hindi man lamang nakatapos ng elementarya ang kaniyang magulang.

Kung kaya’t kahit sila’y ubod ng sipag, hindi sila nakakuha ng magandang hanapbuhay.

Nasa Grade 6 na si Eva nang magkasakit nang malubha ang kaniyang ama. Lagi na lamang
itong inuubo at hindi na nakapagtrabaho; lagi na siyang nakahiga. Kinailangan
siyang alagaan.

Kinailangan din nila ng maraming perang pambili ng gamot.

Pagdating mula sa eskuwelahan, noon pa lamang aalis ng bahay ang kanyang nanay.

“Anak alagaan mong mabuti ang iyong ama habang ako’y naglalaba doon sa malaking bahay.”

"Opo, Inay.”

“At pakitulungan mo na rin ang iyong kapatid sa kanyang takdang-aralin.”

“Opo, Inay.”

“At pakitulungan mo na rin ang iyong kapatid na kaniyang mga takdang-aralin.”

10 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


“Opo, Inay.”

Isang araw, may sinabi si Eva sa kaniyang ina. “Inay… kailangan daw pong magsuot kami
ng puting damit at puting sapatos sa araw ng aming pagtatapos.” Nag-aalala si Eva dahil alam
niyang magiging malaking problema ito sa kaniyang pamilya.

“Oww,” napatigil ang kaniyang nanay at napaisip nang malalim.

“Hindi naman po ako kailangang dumalo,” mungkahi ni Eva sapagkat alam niyang hindi
kakayanin ng kaniyang nanay na maibili siya ng maisusuot sa Araw ng Pagtatapos.

“Siyanga po pala, Inay, kasama po ako sa mga tatanggap ng karangalan,” pahabol


niyang sabi.

“May tatanggapin kang karangalan?” gulat na sabi ng kaniyang Inay, umaapaw sa puso ang
kaligayahan. “Naku, kailangan kang dumalo sa iyong pagtatapos, Eva."

"Napakahalagang okasyon nito. Gagawa ako ng paraan para magkaroon ka ng puting damit
at puting sapatos!” Nagmamadaling umalis ng bahay ang kaniyang Inay.

(Hinto sa pagbasa. Itanong: “Makahahanap kaya ng paraan ang kanyang Inay? (4) Ano kayang

BAI TANG 6
paraan ang gagawin ng kanyang Inay?”)

Nagtatanong-tanong siya sa kaniyang mga kaibigang tindera sa palengke.

Nagtatanong-tanong siya sa kaniyang kamag-anak sa kabilang bayan.

Tinanong din ng kaniyang Inay ang kanilang kapitbahay na hindi naniniwalang mahalaga pa
ang dumalo ng Pagtatapos.

Sa wakas, nakahiram din ng puting damit ang kaniyang Inay.

“Masyadong masikip at masyadong maigsi!” reklamo ni Eva nang isukat niya ang damit. Hindi
pa kasi uso noon ang mga damit na mini-skirt.

“Hindi naman ganun kasama…,” pa-ubo-ubong sabi nang nakahiga niyang ama.

“Puwede na,” sabi ng kaniyang Inay.

“A, opo, siguro nga po,” tugon ni Eva. Pero wala pa rin po akong puting sapatos!”

“Hmmm, di ba may luma kang itim na sapatos?"

“Pintahan mo na lang kaya ng puti,” mungkahi ng kaniyang ama.

“Magandang ideya ‘yan!” dagdag ng Inay.


Kaya si Eva, kasama ang kaniyang kapatid at Inay ay naghanap ng puting pintura – sa ilalim ng
mga halaman, sa mga butas na imburnal, sa pagitan at sa mga loob ng mga sirang timba at
sa ibabaw ng mga yuping dram.

Hanggang sa nakatagpo sila ng isang lata ng tita-tirang pintura sa tabi ng umaapaw na

Ang Puting Sapatos 11


basurahan.

Maingat na pinintahan ni Eva ang kaniyang itim na sapatos.

“Ang ganda na!” bati ng kapatid ni Eva sa kaniyang itim na sapatos.

Hindi sukat akalain ni Eva na magiging maganda ang kaniyang sapatos – napakaganda nito!

Dumating ang Araw ng Pagtatapos. Ang basketball court sa kanilang paaralan ay


napalamutian ng mga puting bulaklak na yari sa papel. Naggagandahan ang kaniyang mga
kaklaseng babae sa kanilang kasuotang bago at puting damit na may borloloy pa.
Samantalang si Eva, pilit niyang hinahatak pababa ang masikip at maiksing damit upang
magkamukha itong mahaba. Pakiramdam niya’y hindi siya nabibilang sa grupo at hiyang-hiya
ito para sa sarili. Gusto na niyang umuwi.

Pero hindi siya maaaring umalis. Kabilang sa mga nanonood ang kaniyang Inay at kapatid na
kumakaway at ngumingiti pa sa kanya.

Naalala rin niya ang amang may sakit na nagsabing, “Eva, kahit mahirap lamang tayo, ang
dami mo naman karangalang natamo.” Ang mga salitang yun ay pansamantalang nagpalubag
ng kaniyang loob.

Nang biglang umambon.

Nanatili ang mga mag-aaral sa kanilang kinaroroonan. Hindi sapat ang ambon o ulan upang
iwan nila ang napakahalagang okasyon na ito sa kanilang buhay.

Subalit ang saglit na pag-ulan ay sapat na upang mabasa ang kanilang sapatos!

(Hinto sa pagbasa. Itanong: (6) Ano kaya ang susunod na mangyayari?)

Ooops. Biglang nagkaroon ng maliliit na bilog ang mga puting sapatos ni Eva. Tahimik na
tumatangis si Eva. Hindi!

Pagkatapos, tumagas ang puting pintura na naging mga itim na guhit. Nakupo!

(Hinto sa pagbasa. Itanong: “Nailalarawan ba ninyo sa inyong isip kung ano ang hitsura ng
sapatos ni Eva ng mga sandalling iyon? Ano kaya ang nararamdaman ni Eva ng mga sandaling
iyon? Aakyat pa kaya siya sa entablado?)

At nang tinawag na ang pangalan niya sa entablado, ang kaniyang mga sapatos ay mistula ng
mga mantsa ng tintang itim. Nakupo! Nakupo! Nakupo!

Pagkatapos ay bumalik ang dating kulay itim ng mga ito! Awww.


Namula si Eva.
Nanlamig si Eva.
Nagmistulang zombie si Eva.

Labis ang pagkapahiya ni Eva kung kaya’t hiniling nitong sana’y maging kasing-itim na rin
siya ng kaniyang mga sapatos at tuluyan nang maglaho sa kaniyang anino. Pero ang mga

12 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


nanonood, ang kaniyang mga guro at principal ay malakas na pumapalakpak para sa kaniya.
Maging ang ilan sa kaniyang kamag-aral ay nagsimula na ring ihiyaw ang kaniyang pangalan:
“E-va! E-va! E-va! Pinilit niyang magpakatatag at umakyat sa entablado upang tanggapin ang
diploma at karangalang laan para sa kanya.

Sa kanilang tahanan, inihandog niya ang sertipiko ng karangalan sa kanyang ama.

Noon lamang niya muling nakita ang ganung ngiti ng kaniyang ama mula nang
ito’y magkasakit.

“Ipinagmamalaki kita, anak. Pasensiya ka na kung hindi ako nakasama para


mapanood ka.”

“Nandun po ako!" Tugon ng kapatid.

Naupo si Eva sa gilid ng kama ng kaniyang ama, ramdam pa rin ang pagkapahiya sa suot
niyang maiksi at masikip na damit at itim na sapatos.Naupo rin ang kaniyang ina sa kabilang
gilid ng kama at marahang sinabi, “Anak, wala kang dapat ikahiya; ang lahat ay dapat mong
ipagmalaki.

"Magaling ka at sa kabila ng marami mong gawain sa bahay, nagawa mo pa rin ang magtapos
ng may karangalan. Ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng puting damit

BAI TANG 6
at puting sapatos.”

Sunod-sunod na napaubo ang kaniyang ama. Nang ito’y huminto, sinabi niya, “Kung
pinaghusayan mo ang bagay na ipinagkatiwala sa iyo at ipinagpapasalamat mo ang mga ito,
yun ang tunay na diwa ng tagumpay.”

Ipinagpatuloy ni Eva ang pag-aaral hanggang hayskul at kolehiyo sa tulong ng scholarship at


ang pamamasukan sa kahit anong trabaho upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral.

Dahil siya ay nagtapos ng may mataas na karangalan, kinuha siyang magtrabaho at sinanay
ng isang international company.

Makalipas ang ilang taon, nagpatayo si Eva ng sariling negosyo at naging matagumpay ito.

Ngayon, ang kaniyang kompanya ay napakalaki na at maraming departamento. Isa na rito


ang tinawag niyang “Thanksgiving Section.”

Dito, may mga mahuhusay at bihasang sapatero na gumagawa ng magagandang sapatos


para ipamigay niya – kung kaya’t walang taong kilala niya na magsasabing wala ito, yun ang
tunay na diwa ng tagumpay.

O, mahuhulaan mo na ba kung bakit si Eva – o si Ginang Eva Cruz o Aling Sapatos – ay mahilig
mamigay ng sapatos sa bawat isa?

Ang Puting Sapatos 13


BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

D. Pagtalakay sa Aralin

1. Gawaing Pagpapaunawa tungo sa Pormatibong Pagtataya #1


2. Gawaing Pagpapalalim tungo sa Pormatibong Pagtataya #2
3. Gawaing Paglinang sa Kabisaan tungo sa Pormatibong Pagtataya #3

Ipagawa:
1. Pangkatin ang klase batay sa pagkakatulad ng kanilang mga sagot sa bawat
tanong na ibinigay habang pinakikinggan ang kuwento. Gawin ito hanggang
makabuo ng limang (5) pangkat. (Kung sino ang magkakatulad o
magkakaugnay ang hula sa bawat tanong ay siyang pagsasamahin sa pangkat)

Pangkat 1:
Relate Much. Ano ang mas malalim na dahilan ni Gng. Cruz sa pamimigay niya ng mga
sapatos sa kanyang mga kakilala?

Pangkat 2:
Problema Mo, Sagot Ko. Ano ang naging suliranin ni Eva? Kung ikaw ay kamag-aral o
kaibigan niya, anong tulong ang kaya mong ibigay sa kanya. Isulat ang inyong sagot.

Pangkat 3:
BFF Forever. Kung kayo ang kaklase ni Eva, paano mo palalakasin ang kaniyang loob
upang hindi siya mahihiya sa kanyang suot na damit at sapatos? Gumawa ng plakard at
sulatan ito ng iyong mensahe para kay Eva.

Pangkat 4:
Role Play. Tukuyin ang pinakamahalagang karanasan ni Eva na naging sanhi ng anyang
pamimigay ng sapatos. Isadula ito.

Pangkat 5:
Gumawa ng isang maikling liham para ipabatid ang nararamdaman kay Gng. Cruz sa
pagbibigay sa kanyang gawaing pamimigay ng sapatos.

Talakayin ang sumusunod:

1. Sino si Gng. Cruz?


2. Ano ang ibang tawag sa kaniya? Bakit siya tinawag nito?
3. Ano-ano ang reaksiyon ng mga nakatatanggap ng regalo? Bakit ganito ang
kanilang reaksiyon?
4. Bakit sapatos ang laging ibinibigay ni Gng. Cruz? Tawagin natin ang Pangkat 1
upang iulat ang kanilang sagot.

14 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Relate Much

5. Sang-ayon ba kayo sa sagot ng pangkat o may karagdagang sagot pa ba kayo?


6. Ano ang naging suliranin ni Eva? Kung ikaw ay kamag-aral o kaibigan niya, anong tulong
ang kaya mong ibigay sa kanya?

Problema Mo, Sagot Ko

Problema ni Eva Sagot ko

BAI TANG 6
7. Ano ang nararamdaman ni Eva sa araw ng kaniyang pagtatapos? Bakit?
8. Kung kayo ang kamag-aral at kaibigan ni Eva, paano mo siya susuportahan?
Tawagin ang Pangkat 3 at ipakita ang kanilang inihandang plakard.
9. Sa ating kuwento, saang bahagi ang nagpapakita ng matibay na dahilan
bakit sapatos ang laging ibinibigay ni Ginang Cruz? Tawagin natin ang
Pangkat 4 upang isadula ito.
10. Kung isa kayo sa nabigyan na ng sapatos ni Gng. Cruz, ano ang inyong sasabihin?
Paano ninyo ipararating sa kanya ang inyong nais sabihin? Tawagin natin ang
Pangkat 5 upang basahin ang kanilang liham para kay Gng. Cruz.

Mahal
kong G
inang C
ruz,

Ang Puting Sapatos 15


E. Paglalapat

Ipagawa:

A. Suriin ang bawat larawan. Paano mo ipakikita o ipadarama ang iyong


damdamin sa mga sumusunod na situwayon na hinango sa kuwentong
napakinggan? Anong tulong ang kaya mong ibigay?

Nang nag-
Habang Nadarama ni Eva aatubiling
pinipinturahan sa suot na damit umakyat si Eva sa
ni Eva ang sapatos kung ihahambing sa entablado dahil sa
suot ng mga kahihiyan
kamag-aral

B. Ano sa palagay mo ang maaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon:

1. Kung hindi nakahanap ng puting pintura sina Eva, ano kaya ang maaaring nangyari?

2. Kung hindi nagkasakit ang tatay ni Eva, maiiba kaya ang takbo ng kuwento? Ano ang
maaring naganap sa kuwento kung hindi nagkasakit ang kaniyang Tatay?

3. Sa mga ginawa ni Eva sa kuwento, alin dito ang gagawin mo? Alin naman ang hindi mo
gagawin? Bakit? (maaring isa- isahin ang mga nangyari sa kuwento gaya ng pagpintura sa
sapatos, pagsusuot ng masikip at maiksing damit, pag-akyat sa entablado para tanggapin
ang karangalan sa kabila ng hitsura niya, ang pamimigay ng sapatos sa mga kakilala...)

F. Paglalagom

A. Sagutin ang sumusunod:


1. Ano ang inyong naging damdamin sa mga sumusunod na kaganapan sa
kuwentong napakinggan?
a. habang pinipinturahan ni Eva ang kaniyang sapatos
b. nang unti-unting tumatagas ang pintura sa kaniyang sapatos
2. Ano ang tawag sa damdaming ito?
3. Kailan natin nadarama ang ganitong damdamin?
4. Sa paanong paraan mo ito maipakikita o maipadarama?

16 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


B. Sa pagbibigay ninyo ng mga sagot sa mga tanong habang pinakikinggan ang kuwento,
anong kasanayan ang inyong nililinang? Paano ninyo higit na malinang ang kasanayan
sa paghihinuha?

G. Pagtataya

Pabalikan ang unang gawain. Pasagutan ang ikatlong hanay ayon sa kuwento.

Tanong Hula Ko Ayon sa kwento

1. Bakit kaya pare-


parehong sapatos
ang natanggap
nilang regalo?

2. sino ang tanging


nakakaalam ng lihim na
dahilan ni Ginang Cruz
sa pagbibigay niya lagi
ng sapatos sa iba?

3. Bakit kaya lumaki sa


mahirap na pamilya si

BAI TANG 6
Ginang Cruz noong
siya'y bata?

4. Ano kayang paraan


ang gagawin ng
kanyang Inay?

5. Ano sa palagay niyo ang


ibig sabihin o
ipahihiwatig ng tanog
na ito?

6. Ano kaya ang susunod


na mangyayari?

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Ipagawa:

Gumuhit ng isang magandang pares ng sapatos. Isulat at buuin ito: Kung ako’y
maging isang ganap na _________________, ang gagawin ko para sa aking
kapuwa ay ________________________

Ang Puting Sapatos 17


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 6 LUNES MARTES

L AY U N I N

A Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-


Pangnilalaman unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o


paksang napakinggan

C Mga Kasanayan sa A. Pagwawari/Pagpapahalaga


Pampagkatuto
1. Naipadarama ang pag-unawa sa naging karanasan at kalagayan
ng mga taong may pangangailangan.
2. Naipahahayag ang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa
anumang regalong natatanggap.

B. Pampagtuturo
• Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari
sa kuwentong napakinggan. F6PN-Id-e-12
• Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa
pamamagitan ng gamit sa pangungusap. F6PT-Id-1.14
• Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto F6TA-0a-j1

NILALAMAN / PAKSA

Ang Puting Sapatos (The White Shoes)


ni Grace D. Ong
Isinalin sa Filipino ni Luis P.Gatmaitan, M.D.

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

A Sanggunian Kuwento ng “Ang Puting Sapatos” ni Grace D. Ong


Isinalin sa Filipino ni Luis P.Gatmaitan, M.D.

B Iba pang mga Kagamitang sipi ng kuwento para sa pagbasa ng guro


Pampagtuturo manila paper, pentel pen
larawan/guhit ng isang batang nagtapos sa elementarya

PAMAMARAAN

A Balik-Aral at/o Panimula 1. Pagpapakita ng larawan Pahapyaw na pagbabalik-tanaw


ng isang batang babaeng sa naganap noong unang araw
nakasuot ng puting damit at ng aralin.
sapatos at mula rito
ipasasagot ang mga tanong
sa mga mag-aaral.
2. Paglinang ng Talasalitaan

B Pangganyak Itanong ang mga pangganyak Maaaring magbigay ng sariling


na tanong. gawaing pamukaw sigla na
wala sa DLP na iuugnay pa rin
sa unang araw ng aralin at sa
pagpapatuloy ng pagtalakay rito.

18 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Una Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES


L AY U N I N

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan


Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin

Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o paksang napakinggan

BAI TANG 6
NILALAMAN / PAKSA

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

PAMAMARAAN

Ang Puting Sapatos 19


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 6 LUNES MARTES

PAMAMARAAN

C Paglalahad ng Aralin 1. Pagbibigay ng mga


panuntunan sa klase kapag
nakikinig sa kuwento.
2. Paghahanda sa klase sa
pagbabasa. Sabihin ang mga
kahingian sa pagbasa gaya
ng panandaliang paghinto
para sa pagsagot sa mga
tanong. (Tingnan sa DLP kung
saang bahagi ng
teksto magkakaroon ng
paghinto para magbigay
ng tanong.)
3. Paghihinuha sa pamagat
ng kuwento.

D Pagtalakay sa Aralin Ipagawa ang pangkatang 1. Pagtalakay sa mga tanong


gawain. Ipagawa ang itinakdang na ibinigay.
1. Gawaing Pagpapaunawa gawain sa bawat pangkat. 2. Pagpoproseso ng mga sagot
tungo sa Pormatibong at paglilinaw.
Pagtataya #1

2. Gawaing Pagpapalalim
tungo sa Pormatibong
Pagtataya #2

3. Gawaing Paglinang
sa Kabisaan tungo
sa Pormatibong
Pagtataya #3

E Paglalapat 1. Pagpapasuri sa ibinigay na


mga larawan.
2. Pagsagot sa mga maaaring
mangyari sa ibinigay na
mga sitwasyon.

F Paglalagom Pagbibigay ng mga


tanong panlagom.

G Pagtataya Pabalikan ang unang gawain.


Pasagutan ang ikatlong hanay..
ayon sa Kuwento.

H Karagdagang Gawain Ipagawa ang gawaing pagguhit


at/o Pagpapahusay at pagsulat.

20 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Una Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES


PAMAMARAAN

BAI TANG 6

Ang Puting Sapatos 21


PANG-A RAW-A RAW N A TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I TA N G 6 LUNES MARTES

M G A TA L A

P A G N I N I L AY

A Bilang ng mag-aaral
na nagtamo ng 80%
sa pagtataya

B Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)

C Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin

D Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)

E Alin sa aking pagtuturo ang


naging epektibo? Bakit?

F Ano-ano ang aking naging


suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?

G Anong mga inobasyon


o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /
natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

22 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Una Petsa ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

M G A TA L A

P A G N I N I L AY

BAI TANG 6

Ang Puting Sapatos 23


The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

This compendium was published with support


from the Australian Government through the
Basic Education Sector Transformation (BEST)
Program.

Permission to use or reproduce this publication


or parts of it in hard or digital copies for personal
or educational use is granted free, provided that
the copies are not reproduced or distributed for
commercial purposes, and that proper credit is
given to the Australian Government.

Printed in the Philippines

First Printing, 2019

You might also like