Activity Week 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I. Panuto: Pag-aralan ang ilustrasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Bakit ang bilog na kumakatawan sa sarili ay nasa gitna ng bilog na kumakatawan Sa


mga konseptong pangwika?
a. Wika ang daan sa pakikipag-ugnayan sa tao at kailangang may kaalaman Din
sa mga konsepto nito
b. Isinilang ang tao na may wika na magiging daan sa pakikipag-ugnayan sa
Kapuwa
c. Malaki ang kaugnay ng wika sa sarili para makipag-usap sa ibang tao
d. Nakapaloob ang wika sa sarili

2. Anong konsepto ang mga rehiyunal na wika?


a. Wikang sarili
b. Unang wika
c. Rehistro ng wika
d. Ikalawang wika

3. Kung ang isang tao ay maraming wikang sinasalita, ano ang tawag sa kaniya?
a. Monolingguwal
b. Bilingguwal
c. Multilingguwal
d. Nolingguwal

4. Ano ang isang mahalagang pagkakakilanlan ng isang lahi?


a. Simbolo
b. Wika
c. Kilos
d. Bansa
5. Ano ang pinakamahalagang gamit ng wika?
a. mayroong simbolo ang bansa
b. nakikilala ang tao
c. ginagamit sa pagsasalita
d. ginagamit sa pakikipag-ugnayan

6. Wika na kadalasan ay nagmula o sinasalita sa loob ng tahanan.


a. Dayalek
b. Etnolek
c. Idyolek
d. Ekolek
7. Nagkita sa isang tindahan ang dalawang magkaibigan sa kanilang barangay.
Nasambit ng isa ang ganit, “Wow Pare, ang tindi ng tama ko… heaven.”
a. Sosyolek
b. Dayalek
c. Idyolek
d. Etnolek
8. Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang ang barayti ng wikang Jargon ang mga
termino tulad ng account, balance, diagnosis at test paper?
a. Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan
b. Sapagkat ito ay mula sa etnolingguwistikong grupo
c. Sapagkat ito ay mula sa isang partikular na grupo
d. Sapagkat ito ay wikang hindi pag-aari ninuman
9. Sir, gamit mo ba lesson plan o daily log? Ma’am sa dami nating gawain bilang adviser
malaking bagay na daily log na ang gagamitin ko.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
10. Ang chaka naman ng damit mo! Waley inggit ka lang.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
11. Bago ang tsikot ng erpat mo, ibig sabihin marami kayong datung.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
12. Ayon sa panukalang batas ni Sen. Pia Cayetano, hindi nararapat na bigyanghalaga
ang edad sa pagtanggap ng isang empleyado sa isang tanggapan o isang
pagawaan.
a. Idyolek
b. Sosyolek
c. Rehistro
d. Dayalek
13. “Bibigyan kita ng reseta para gumaling ang iyong sakit.”
a. Idyolek
b. Dayalek
c. Sosyolek
d. Rehistro
14 Ang banas naman dito sa lugar ninyo Mare, samantalang sa amin ay
Napakaaliwalas.
a. Dayalek
b. Idyolek
c. Rehistro
d. Sosyolek
15.Tumutukoy ito sa punto o paraan ng pagsasalita ng isang tao.
a. Barayti
b. Idyolek
c. Register
d. Sosyolek

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang Sagot

_____1. “Sir, na-encode ko na po yung report at ise-send ko na lang sa Fb.” Anong Domeyn
ang makikita sa rehistro ng wikang ipinahayag?
a. Agrikultural. c. Edukasyon
b. Computer. d. Pang-agham
_____2. Saan madalas marinig ang ganitong usapan?
“Tingnan mo sa faculty, baka naandoon si Ma’am.”
a. Paaralan c. Opisina
b. Bangko d. Kongreso
____3. “Tigang na ang lupa, kailangan itong bungkalin at sakahin.”
a. Barbero. c. Magsasaka
b. Pulis. d. Empleyado
____4. “Chief, magsasampa po ako ng reklamo, pang-eestapa.”
a. Eskuwela c. Tailoring
b. Restawran d. Presinto
____5. “Normal naman, Dok, ang vital signs nya. Okay naman ang heart beat.”
a. Bahay. C. Ospital
b. Presinto. d. Bangko
III. Dayuhan
Ni Ana Marie Josue

Madaling nakasakay si Lani sa pampasaherong bus na dumaan sa tapat ng kanilang


trangkahan. Nakaupo siya sa bandang gitna ng bus, kahit maaga pa ay halos mapupuno na rin
ang bus. Nasa bandang Bacoor na ang sasakyan nang may sumakay na Amerikano na kasama
ang isang Pilipino. Sa kabutihang palad, dahil walang katabi sa upuan si Lani at puno na ang
mga upuan, sa tabi niya naupo ang Amerikano. Hindi naman ito pansin ni Lani. Maya-
maya’y kinausap siya ng Amerikano.
“Hi!, saan ba ang uniporme na yan?” itinuro ang uniporme ni Lani.Medyo nagulat si Lani.
Matatas ang pagsasalita ng Filipino ng Amerikano. Walang bahid ng pagka-slang. Bawat
tanong ng Amerikano sinasagot ni Lani. Puro tanong na nasa wikang Filipino. Pagdating sa
Baclaran, tatayo na ang lalaki para bumaba. Nagtanong si Lani, “ilan taon na po kayo sa
Pilipinas?” Sumagot ang Amerikano, “dalawang taon na.”

IV. Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa laang patlang.
1. Ano ang wikang ginamit sa pag-uusap ng Amerikano at Pilipino?
______________________
2. Ano ang maaring dahilan nang pagiging matatas ng Amerikano sa wikang Filipino ?
_________________
3. Ano ang kakaibang karanasan mo na may kaugnayan sa konsepto ng wika?
_________________

Tukuyin at isulat sa inyong sagutang papel kung TAMA o MALI ang pahayag.
1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.
2. Ang hanapbuhay ay isang salik na tumutukoy sa saang lugar, pook, o bayan
Na ginagamit ang wika.
3. Ang homogeneous at heterogeneous na wika ay iisa.
4. Komunikasyon ang pundasyon ng personal na relasyon ng isang tao sa
Kanyang kapuwa.
5. Ang komunikasyon ay hindi nangangailangan ng proseso.

You might also like