1st-Monthly Test Ap

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Talisay Polytechnic Institute

Banga, Talisay, Batangas 4220 Philippines


Tel. (63) (043) 773 0351/784 0465
Email: talisaypolytechnicinstitute95@yahoo.
Unang Buwanang Pagsusulit sa Araling Panlipunan X
Pangalan: ________________________________ Iskor: __________
Seksyon: ___________________ Petsa: ___________

I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang titik ng
wastong sagot.

____1. Ito ay nangyayari sa kasalukuyan at may malinaw na impluwensiya o epekto sa lipunan at saklaw ng
interes ng tao.
A. Kontemporaryong Isyu C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
____2. Ano ang salitang naglalarawan sa mga isyu o pangyayari sa kasalukuyan?
A. Kontemporaryo C. Contemporarius
B. Con D. Isyu
____3. Ang salitang__________ ay ginagamit upang mailarawan ang mga paksa o tema, ideya o kaisipan,
usapin, o suliraning kinakaharap ng mga tao?
A. Kontemporaryo C. Contemporarius
B. Con D. Isyu
____4. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba’t-ibang kinatawan mula sa
pambansang organisasyon para sa pandaigdigan katahimikan at pagkakaisa?
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangkalakalan
B. Kontemporaryong Isyu D. Isyung Pangkalusugan
____5. Ang mga sumusunod ay maituturing na ang isang pangyayari o tema ay kontemporaryong isyu,
maliban sa____________.
A. Mahalaga at makabuluhan
B. May temang napag-uusapan at may positibong impluwensiya sa lipunan
C. May malinaw na epekto sa lipunan o mamamayan
D. May sariling pananaw ukol sa isyu na naaayon sa katotohanan
____6. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa proseso sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, maliban
sa _____________.
A. Pagkilala o pagtukoy kung totoo nga ba na nagaganap o nangyayari ang isang isyu
B. Pagsasagawa na kaukulang pagsasaliksik upang malaman ang saklaw ng isyung pinag-
uusapan at kung paano ito nagaganap
C. Pagsusuri sa mga konsepto o kaalamang kaugnay ng isyung pinag-uusapan
D. May matinding impluwesiya sa takbo ng kasalukuyang panahon
____7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong
isyu?
A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
C. Pagkilala sa sanggunian.
D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan
____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pamamaraan sa pagsusuri ng isyu?
A. Uri C. kahalagahan
B. Sanggunian D. datos
____9. Bakit kailangan tayong maging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
A. Upang malinaw na makapagpasiya sa mga mahahalagang kaganapan sa bansa.
B. Upang mapaunlad ang ating bansa
C. Upang mapalago ang ekonomiya ng ating bansa
D. Upang mapataas ang produksiyon ng bansa
____10. Ang pagbabago ng klima ay itinuturing na isang kontemporaryong isyu dahil ___________
A. Nangyayari lamang ito sa ilang bansa
B. Mayroon itong malawakang epekto sa buong mundo sa kasalukuyan
C. Isang isyu lamang ito ng nakaraang siglo
D. Wala itong epekto sa ekonomiya

II. PANUTO: Isulat ang salitang WASTO kung tama ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap
at kung mali naman, salungguhitan ang maling salita at isulat ang tamang sagot sa
patlang. (2pts each)

____________________________1.Ginagamit ang salitang kontemporaryo para mailarawan ang mga paksa


o tema, ideya o kaisipan, usapin, o suliraning kinahaharap ng mga tao, na
hinahanapan ng mga kaukulang solusyon o kasagutan.
____________________________2.Pinamamahalaan ng Department of the Interior and Local Government
ang pangangalaga o pangangasiwa sa kalikasan.
____________________________3.Ang bagyo ay isang malakas na hanging kumikilos nang paikot at
madalas ay may kasama pang malakas at matagal a pag-ulan.
____________________________4.Ang tsunami ay sere ng malalaking alon na dala ng mga pagyanig o
paglindol, pagguho ng kalupaan at pagsabog ng bulkan sa ilalim ng
karagatan, o pagbagsak ng isang kometa mula sa kalawakan.
____________________________5.Ang El Niño ay isang hindi pangkaraniwang init ng panahon na tumatagal
sa dalawa o higit pang araw.
____________________________6.UNISDR ang nangunguna sa Pilipinas sa pagtugon sa usaping
pangkaligtasan ng mga tao sa tuwing may mga kalamidad sa bansa.
____________________________7.Ang kontemporayong isyu ay tumutukoy sa napapanahong pangyayari o
paksang mainit na pinaguusapan dahil patuloy itong nakaaapekto at
nakapagpapabago sa kalagayan ng pamumuhay ng karamihan o lahat ng
tao.
____________________________8.Ang Government Service Insurance System ay ang siyang nangangasiwa
sa mga tulong pinansiyal o pautang sa mga mangagawa sa pribadong
sektor na nasalanta ng kalamidad at apektado ng pandemya.
____________________________9.Pandemya ang salitang ginagamit upang ilarawan ang mabilisang
pagkalat o pagkahawa ng mga tao sa isang sakit sa isang limitadong lugar
tulad ng Pilipinas.
____________________________10.Ang storm surge ay ang abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na may
kaugnayan sa low pressure weather system gaya ng bagyo.

III. PANUTO: Isulat sa loob ng kahon kung saang isyu nabibilang ang mga isinasaad na detalye sa
ibaba.

Isyung Pang-
Isyung Pangkapaligiran Isyung Pampolitika at Isyung Karapatang
edukasyon at
at Pang-ekonomiya Pangkapayapaan Pantao at Kasarian
Pansibiko

1. 6. 11. 16.

2. 7. 12. 17.

3. 8. 13. 18.

4. 9. 14. 19.

5. 10. 15. 20.

a. Kawalan ng Trabaho k. Migrasyon p. Korapsyon


f. Pandemya
o Unemployment

b. Territorial and border q. Pagkakaroon ng


g. Globalisasyon l. Police Brutality dekalidad na pagtuturo
conflict

c. Repormang pang- h. Terorismo r. Pagsasagawa ng


m. Gender Equality medical mission
edukasyon
s. Pagkakaroon ng
d. Pag-init ng mundo i. Diskriminasyon n. Hazing cleanup drive

o. Pagtugon sa
e. Pagbabago ng Klima t. Pagdukot at
j. Extra Judicial Killing pangangailangan ng
o Climate Change Pagkawala
mga guro
GOOD LUCK AND GOD BLESS – Ma’am Jez

Key Answer: AP MONTHLY TEST 11. Isyu

1. A 12. DENR

2. A 13. Jez

3. D 14. Jez

4. A 15. Matinding init o heat wave

5. D 16. NDRRMC

6. D 17. Jez

7. B 18. Jez

8. D 19. Jez

9. D 20. Jez

10. B

Isyung Isyung Pang-


Isyung Pampolitika at Isyung Karapatang
Pangkapaligiran at edukasyon at
Pangkapayapaan Pantao at Kasarian
Pang-ekonomiya Pansibiko

1. A 6.B 11.I 16.C

2.E 7.H 12.M 17.O

3.F 8.K 13.T 18.Q

4.G 9.P 14.N 19.R

5.D 10.L 15.J 20.S

You might also like