9609 265 28282 1 10 20240418

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Kahandaan ng mga Propesor

sa Filipino sa Pagtuturò ng mga


Asignatura sa Bágong Kurikulum
ng Pangkalahatang Edukasyon:
Batayang Pag-aaral Tungo sa
Pagpaplanong Wika
ng mga SUC III
Readiness of Filipino Professors in Teaching Subjects
in the New General Education Curriculum:
Basis for Language Planning of the SUC’S III

RAFFY AGANON
[email protected]
Tarlac State University

ABSTRAK

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na maláman ang mga pagpaplanong wika ng mga pang-
estadong unibersidad at kolehiyo (SUC) ng Rehiyon III batay sa isinagawang pagsusuri ukol sa
kahandaan ng mga propesor ng Filipino sa pagtuturò ng mga asignatura sa bágong kurikulum ng
pangkalahatang edukasyon. Gumamit ng kuwalitatibo at kuwantitatibong paraan ng pananaliksik
kung saan ang mga datos na nakalap ang dumaan sa masikhay na pag-aaral, paghihimay sa bawat
bahagi at pagsusuri sa kabuoan. Sa pag-aaral na ito, napag-alaman ang mga planong pangwika ng
bawat SUC ng Rehiyon III na makatutulong sa mga propesor ng Filipino na lubos na naapektuhan ng
pagpapatupad sa isang memorandum mula sa CHED ukol sa pagbabâ ng mga asignaturang Filipino
sa programang K to 12 ng DepEd. Ang pagpaplanong pangwika na nabuo mula sa ginawang pag-
aaral ay nakasentro sa pitóng komponent gaya ng sumusunod: kaguruan, kurikulum, instruksiyon,
pananaliksik, ekstensiyon, produksiyon at ko-kurikular na gawain. Gayunman, ang mga naturang
plano ay nararapat lámang na maisakatuparan ng bawat SUC upang mapanatili at mapaunlad pang
lalo ang wikang Filipino sa larangan ng akademya.

Mga susing salita: Pangkalahatang edukasyon, pagpaplanong wika, kahandaan, pananaliksik,


ekstensiyon

78 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


ABSTRACT

The main purpose of this study is to identify the plans of the State Universities and Colleges in Region
III on language planning based on the study conducted on the readiness of Filipino Professors in
teaching subjects under the new General Education Curriculum. Qualitative and Quantitative methods
of research were used, and the data gathered were analyzed towards the development of language
plans. Through this study, it was then found out that language planning could help Filipino Professors
in every SUC in Region III that were greatly affected by the CHED Memorandum that mandated Filipino
subjects to be taught at K-12 programs of the Department of Education. The language planning that
has made based on the study were centered on seven components: faculty, curriculum, instruction,
research, extension, production and co-curricular activities. Therefore, these plans should be fulfilled
in every SUC in Region III to maintain and further enrich the Filipino language in the academe.

Keywords: General education, language planning, readiness, research, extension

3
PANIMULA

A
ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay nagpapakita lámang ng yaman ng Pilipinas
sa iba’t ibang wika na siyang nagdidikta ng pangangailangan ng isang wikang magbubuklod
sa mga mamamayang Pilipino. Nakasaad sa konstitusyon ng Pilipinas ang batas ukol sa
paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon. Kaakibat nito ang halaga ng paggamit
ng Filipino bilang epektibong salik ng pagkatuto. Mapapansin na sa artikulo XIV, seksyon 6 ng 1987
Konstitusyon, tiniyak ang wikang panturò:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ng asignaturang Filipino sa kurikulum na


ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay ipinapatupad sa kolehiyo at ang di paggamit
payabungin at pagyamanin pa sa salig sa ng wikang Filipino sa pagtuturò sa kolehiyo.
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba Sa madaling salita, hindi na ituturo ang
pang wika. Alinsunod sa mga tadhana at asignaturang Filipino sa kolehiyo, at
sang-ayon sa ararapat na maaaring ipasya ng idadagdag na lámang ito sa kurikulum ng
Kongreso, dapat magasagawa ng hakbangin programang K to 12 ng DepED. Kapansin-
ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang pansing binura sa kolehiyo ang asignaturang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang Filipino sa pamamagitan ng CMO No. 20 S. 2013
midyum ng opisyal na komunikasyon at gaya ng nasa pigurang ito na nag papakita
bilang wika ng pagtuturò sa sistemang pang- ng mga asignatura sa bágong kurikulum ng
edukasyon (Art. XIV, Sek.6 ng Saligang Batas pangkalahatang edukasyon. Matutunghayan
1987) ding wala na ni isang asignatura ang ituturò
Subalit sa inilabas ng Commission on sa Filipino gaya ng isinasaad sa nasabing
Higher Education (CHED) na Memorandum batas na “puspusang itaguyod ang paggamit
No. 20 Series of 2013 noong Hunyo 28, 2013 na ng Filipino ay wikang pagtuturò sa sistemang
may titulong “General Education Curriculum: pang-edukasyon.”. Paano mapauunlad,
Holistic Understanding, Intellectual and Civic mapalalaganap, at mapananatili ang wikang
Competencies,” tumataliwas ito sa isinasaad pambansang Filipino kung hindi na ito
ng naturang Saligang Batas. Ang nasabing magagamit na wikang panturò sa kolehiyo?
CHED Memo ay nagsasaad ng pagtanggal

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 79


Uri Kurso
Core 1. Understanding the Self
• 8 courses 2. Readings in Philippine History
• 3 units each 3. The Contemporary World
• 24 units total 4. Mathematics in the Modern World
5. Purposive Communication
6. Art Appreciation
7. Science, Technology and Society
8. Ethics

Electives Choices on:


• 3 courses 1. Arts and Humanities
• 9 units total 2. Social Sciences & Philosophy
3. Mathematics Science and Technology

Mandated Life & Works of Rizal (3 units)

Pigura 1: Mga Bágong Asignatura Batay sa CHED Memo No. 20 S. 2013

Nabanggit man sa CMO No. 20, Series of makagawa ng mga iba’t ibang pamamaraan
2013 na “The general education courses maybe para matugunan ang mga suliraning ito.
taught in English or Filipino”, ang probisyon Kung kayâ ninais ng mananaliksik na ituon
sa opsiyonal na paggamit ng Filipino bÍlang ang pansin sa mga planong pangwika ng mga
wikang panturò ay lalong lumalabnaw at pang-estadong unibersidad at kolehiyo (SUC)
nawawalang saysay. Ang walong (8) core ng Rehiyon III sa magiging lagay ng Filipino
courses ay maaari daw iturò sa Filipino gaya ng at ng mga kaguruan ng Filipino na apektado
paliwanag ng CHED kayâ naman tinumbasan sa implementasyon ng CHED Memorandum
ito ng titulo sa Filipino: (1) Understanding No.20 S 2013. Kasáma rin dito ang (1) pag-alam
the Self/Pag-unawa sa sarili; (2) Readings sa personal na kakanyahan ng mga kalahok;
in Philippines History/ Mga Babasahin (2) ang kaniláng kahandaan sa pagtuturò
hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas; (3) The ng mga asignatura sa bágong kurikulum ng
Contemporary World/ Ang Kasalukuyang pangkalahatang edukasyon; at (3) ang mga
Daigdig; (4) Mathematics in the Modern hámong kaniláng kahaharapin sa pagtuturò
World/ Matematika sa Makabagong Daigdig; ng mga bágong asignatura.
(5) Purposive Communication/ Malayuning
Komunikasyon; (6) Art Appreciation/ PAGPAPLANONG WIKA
Pagpapahalaga sa Sining; (7) Science,

P
Technology and Society/ Agham, Teknolohiya atuloy na itutulak ng CHED ang
at Lipunan; at (8) Ethics/ Etika. Ngunit pagtanggal ng asignaturang Filipino
ang malaking tanong ay kung sapat ba ang sa kurikulum ng pangkalahatang
paliwanag na ito upang ang mga propesor ng edukasyon sa kolehiyo. Ang pagbura sa
Filipino ay bigla na lang lumihis sa dati niláng Filipino sa kolehiyo ay hakbang paurong
itinuturò? At ano ang magiging kalagayan ng sapagkat babawasan nito ang oportunidad
mga guro ng Filipino kapag tuluyan na itong para sa intelektuwalisasyon ng wika. Kung
maipatupad? seryoso ang gobyerno sa pagtataguyod sa
May mga pag-aaral at pagsasaliksik paggamit ng Filipino bÍlang wikang panturò,
ukol sa kalagayan ng Filipino sa iba’t ibang kinakailangang pataasin pa ang kasanayan ng
institusyon, mga suliraning pangwikang mga estudyante sa intelektuwal na paggamit
kinakaharap ng mga paaralan, at maging nito, kayâ kailangan talagang magkaroon
mga pagpaplanong wika (Almario, Ganotice pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
2015; Manzano 2012; Bulan, Baquiran, Ang pagpapatupad ng CHED Memorandum
Constantino, Liwanag, Luis, Montera, Tarun na ito ay naging isang napakalaking isyu
2010) upang makabuo ng mga solusyon at sa ating bansa partikular sa mga kaguruan

80 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


ng Filipino sa mga unibersidad at kolehiyo gayundin sa alokasyon ng wika at ang
na kinakailangang mabigyan ng kalutasan. itinakdang silbi nito; (2) ang corpus planning
At sa pamamagitan ng magandang planong na tumutukoy sa pormulasyon ng mga
pangwika ay mabibigyan ito nang maayos reporma sa ispeling, paglikha ng mga salita
at mabisang solusyon. Ang pagpaplanong at pagbuo ng makabágong uri ng pagsulat; at
pangwika (Almario, 74) ay dapat nakasandig (3) ang acquisition planning na nakapokus sa
sa malinaw at organisadong saliksik at pagtuturò at pagkatuto ng iba’t ibang wika.
sinusubaybayan ang implementasyon ng Dagdag pa rito ang artikulo ni Earl (2010) na
isang pangmatagalan at mapanuring saliksik. nailathala sa isang jornal na naglalahad na
Ibig sabihin, bago magplano ay kailangan maraming guro ang bumubuo ng mga imahen
ng kaalaman ang magpaplano mula sa mga o senaryo sa proseso ng kaniláng kabuoang
saliksik at talakayang naganap ukol sa wika at plano sa pagtuturò at ito ay nasa isipan nila.
kultura. Ibatay ang plano mula sa mga totoong Gumagawa sila ng paglalarawan sa kaniláng
impormasyon at pagsusuri, at hindi sa mga isip o diwa kung ano ang maaaring anyo ng
haka-haka lámang. Kailangan din ang mahusay leksiyon at paano ito epektibong mailalahad
na konsultasyon at malayang talakayan. sa klase. Samakatwid, higit na nagaganap ang
Pagkatapos mabuo ang plano, bawat hakbang pagpaplanong pampagtuturò sa isipan kaysa sa
na gagawin ay batay sa wastong saliksik upang papel para sa maraming guro. Ang epektibong
makapagsagawa agad ng pagbabago at higit guro ay iyong nagagawang maihatid sa mga
pang mapatatag ang mga proyekto tungo sa mag-aaral ang mga inaasahang bunga ng
pagtatagumpay ng planong pangwika. pagkatuto.
Ang pagpaplanong pangwika ay isang Layunin ng pagpaplanong wikang
pagtatangkang maimpluwensiyahan ang gamit lutasin ang mga problemang pangwika
ng wika nang mas mabilis, mas sistematiko, at mula sa mga mungkahing solusyon at
mas malawak. Tumutukoy sa decision-making manipulasyon. Nakapokus lámang ang
tungkol sa wika at ito ay nangangahulugan pagpaplanong pangwika sa mga gawain ng
ng tuwirang pagbabago ng wika o deliberate mga SUC (kaguruan, kurikulum, instruksiyon,
language change. Kinabibilangan ito ng pagbuo pananaliksik, ekstensiyon, produksiyon, at ko-
ng patakaran, kodipikasyon, elaborasyon, at kurikular) kung saan mula sa mga gawaing
implementasyon (Fishman, 80) ito ay bubuo ng mga programa at mula sa
Sa aklat ni Zafra (24), ayon sa mga mga programang ito ay bubuo naman ng mga
sosyolingguwistikang sina Fishman, proyekto. Maituturing na malaking tulong ang
Alisjahbana, Rubin at Jernudd, at Haugen, kalalabasan ng pag-aaral na ito upang matukoy
ang pagpaplanong wika ay isang organisadong ang mga pagpaplanong wika, programa, at
pagdedesisyon tungkol sa wika. Maaaring proyekto ng mga pang-estadong unibersidad at
solusyon ito sa problema o kaya’y pagbabago kolehiyo ng Rehiyon III sa kalagayan ng Filipino
sa estruktura at elemento nito upang hindi lámang bÍlang isang asignatura kundi
magabayan ang development nito sa konteksto bÍlang wika ng edukasyon, sa kabila ng banta
ng pagbabagong panlipunan, pangkultura, ng CHED Memorandum 20, s. 2013. Kasabay
at panteknolohiya. Karaniwang ginagawa ito sa layunin na maláman ang pagpaplanong
ng mga akademisyan at komiteng pangwika. wika ng mga SUC III sa wikang Filipino,
Dahil dito, ang mga gawaing kaugnay matutukoy rin ang mga epektong dulot nito sa
ng intelektwalisasyon, modernisasyon, mga propesor na apektado ng implementasyon
estandardisasyon, seleksiyon, elaborasyon, nito sa antas tersiyaryo. Makabuluhan ang
at kultibasyon na mga dimensyon at sub- pananaliksik na ito at malaking tulong hindi
dimensyon ng pagpaplanong pangwika na lámang sa mananaliksik kundi sa lahat ng mga
pinag-uusapan sa mga forum, seminar, at propesor na nagtataguyod sa halaga ng wikang
kumperensiya ay mahalaga sa larangang ito. Filipino hindi lámang bÍlang wikang pambansa
Malaking tulong ang pag-aaral ni Cooper ng Pilipinas, kundi bÍlang wika ng pagtuturò at
(65) ukol sa pagpaplanong pangwika at pagkatuto.
estandardisasyon. Tinukoy niya na may tatlong
pangunahing uri sa pagpaplano ng wika;
(1) ang status planning, ito ang pagkilala ng
pamahalaan sa kahalagahan o posisyon ng
isang wika sa iba pang wikang ginagamit,

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 81


DISENYO AT METODOLOHIYA

A
ng deskriptibong paraan ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito. Isa itong paglalahad
ng katotohanan na siyang magiging basehan ng pagpapasiya (Calmorin, 1994 ). Isa ring paraan
ng paglalahad at pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap kung saan tutukuyin ang
kalagayan at kaugnayan ng mga pangyayari at maging ang kahinaan o kalakasan ng isang programa.
Ito ay kombinasyon ng kuwalitatibo o kuwantitatibong pag-aaral na dumaan sa masikhay na pag-
aaral, paghihimay sa bawat bahagi at pagsusuri sa kabuoan. Binigyang katuturan ang lahat ng datos
na natipon mula sa mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo (SUC) sa Rehiyon III, mula sa hámong
kinakaharap ng mga propesor hanggang sa mga planong pangwika ng kani-kanilang administrador.

MGA KALAHOK

Mula sa labindalawang (12) pang-estadong unibersidad at kolehiyo (SUC) ng Rehiyon III ang
pinanggalingan ng mga kalahok sa pag-aaral na ito. Purposive sampling ang ginamit sa pagkuha ng
kalahok. Lahat ng mga propesor ng Filipino na kasalukuyang nagtuturò, mga may plantilla item, mga
contractual, at part-timer ay kabÍlang sa mga naging kalahok.

Talahanayan 1
Bilang ng mga Kalahok at ang kanilang Ranggong Pang-akademiko mula sa mga
Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III
BÍlang May
Part-
Unibersidad/Kolehiyo ng mga Plantilla Contractual
timer
Kalahok item
Aurora State College of Technology (ASCOT) 6 2 4
Bulacan Agricultural State College (BASC) 8 4 3 1
Bataan Peninsula State University (BPSU) 9 6 2 1
Bulacan State University (BulSU) 14 7 3 4
Central Luzon State University (CLSU) 11 6 3 2
Don Honorio Ventura Technological State
8 4 3 1
University (DHVTSU)
Nueva Ecija University of Science and Technology
12 7 2 3
(NEUST)
Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) 4 2 2
Pampanga State Agricultural University (PSAU) 10 7 1 2
Ramon Magsaysay Technological University
11 6 3 2
(RMTU)
Tarlac College of Agriculture (TCA) 9 5 2 2
Tarlac State University (TSU) 13 6 3 4
62 31 22
Kabuoan 115 115

MGA INSTRUMENTO

G
umamit ng dalawang paraan sa pangangalap ng datos ang mananaliksik, talatanungan, at
panayam. Dalawang magkaibang talatanungan ang ginamit, isa para sa mga guro sa Filipino
na binubuo ng tatlong na bahagi: (1) ang personal na kakanyahan ng mga kalahok, (2) ang
kahandaan ng mga propesor sa pagtuturò, (3) ang mga hámong kakaharapin ng mga propesor at isa
para sa mga pangulo ng mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo na naglalaman ng mga tanong

82 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


ukol sa mga pagpaplanong wika upang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino na isinagawa
sa pamamagitan ng panayam. Matutunghayan sa ibabâ ang dalawang talatanungang ginamit sa pag-
aaral na ito.

1. Talatanungan para sa mga Propesor ng Filipino

I. Personal na Datos

Pangalan: _________________________ Kasarian:_____________

Katayuang Sibil:____________________ Edad:________________

Tirahan:__________________________

Edukasyon:
Antas Paaralan Kurso Taon ng Pagtatapos
Gradwado
Kolehiyo
Sekondarya
Elementarya

Katayuan sa pagtuturò: ______ Permanente ______ Temporaryo ______ Substitute


______ Kontraktuwal ______ Part-timer

Ranggong Pang-akademiko: __________________________

Taon/tagal na sa pagtuturò: __________________________

Mga Asignaturang Itinuturo: _________________________

II. Kahandaan ng mga Propesor

Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na nagpapakita ng inyong kahandaan sa pagtuturò ng mga bagong
asignatura sa pangkalahatang edukasyon na siyang nilalaman ng CHED Memorandum 20, s. 2013.
Gamitin ang panukatan na nasa ibaba sa pagmamarka.

Iskor Deskripsyong Berbal


5 Handang-handa
4 Handa
3 Bahagyang handa
2 Di-handa
1 Di lubos na handa

Mga Bagong Asignatura sa GEC 5 4 3 2 1


1. Pagtuturò ng Pag-unawa sa Sarili /Understanding
the Self
2. Pagtuturò ng Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan
ng Pilipinas/ Readings in Philippine History

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 83


3. Pagtuturò ng Ang Kasalukuyang Daigdig/ The
Contemporary World
4. Pagtuturò ng Mathematics in the Modern World/
Matematika sa Makabagong Daigdig
5. Pagtuturò ng Purposive Communication/ Malayuning
Komunikasyon
6. Pagtuturò ng Art Appreciation/ Pagpapahalaga sa
Sining
7. Pagtuturò ng Science, Technology and Society/ Agham,
Teknolohiya at Lipunan
8. Pagtuturò ng Ethics/ Etika

III. Suliraning Kakaharapin ng mga Propesor

Panuto: Lagyan ng tsek ang mga aytem ng mga suliraning kakaharapin sa pagtuturò ng mga asignatura
sa bagong pangkalahatang edukasyon. Gamitin ang panukatan na nasa ibaba sa pagmamarka.

Iskor Deskripsyong Berbal


5 Lubos na sumasang-ayon
4 Sumasang-ayon
3 Bahagyang sumasang-ayon
2 Hindi sumasang-ayon
1 Lubos na di-sumasang-ayon

Mga Suliranin 5 4 3 2 1
1. Pagbuo ng mga bagong silabus para sa mga bagong
asignatura
2. Kakulangan sa mga aklat na gagamitin sa pagtuturò ng
mga bagong asignatura.
3. Panibagong pag-aaral ang kakailanganin sapagkat di
angkop ang natapos na espesyalisasyon.
4. Panibagong pakikisama sa mga guro sa departamentong
lilipatan.
5. Maaaring mawalan ng gana sa pagtuturò bunga ng
panibagong paghahanda.
6. Mahihirapang ituro ang mga bagong asignatura dahil
sa walang kahandaan.
7. Hindi na papayagan na dumalo sa mga pambansang
seminar-workshop ukol sa Filipino.
8. Kakulangan ng kaalaman sa mga estratehiya at teknik
na gagamitin sa pagtuturò ng mga bagong asignatura.
9. Kakulangan ng mga kagamitang pampagtuturò na
magagamit sa pagtuturò ng mga bagong asignatura.
10. May kahirapan sa pagsulat ng mga riserts na may
kinalaman sa mga bagong asignatura.

84 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


2. Panayam para sa Pangulo ng Pamantasan

Kaguruan

1. Ano po ang inyong plano sa mga guro na lubos na apektado sa implementasyon ng CHED
Memorandum 20, s. 2013

a. Permanente
b. Kontraktwal/ part-timer

2. Papayagan n’yo po ba ang mga propesor na dumalo sa mga seminar-workshop, lokal, rehiyonal,
nasyonal o internasyonal, ukol sa Filipino? ______ Oo _____Hindi Bakit?

Kurikulum

3. Ano po ang inyong saloobin sa kautusan ng CHED sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa


kolehiyo?

4. Mayroon po bang kurso sa pamantasan na BSE Filipino o kaya’y AB Filipino?


__________ Oo _________Wala

5. Kung wala, may balak po ba ang inyong pamantasan na magbukas ng kursong BSE Filipino o
kaya’y AB Filipino? ______ Oo _____ Wala Bakit?

6. Ano po ang inyong opinyon sa panukala ng CHED na maaaring ituro sa Filipino at Ingles ang mga
asignatura sa bagong pangkalahatang edukasyon?

7. Ipag-uutos n’yo po ba ang paggawa ng silabus na nasusulat sa Filipino para sa mga bagong
asignatura ng GEC? ______ Oo _____Hindi Bakit?

Instruksyon

8. Pabor po ba kayo na ituro sa Filipino ang mga core courses sa bagong GEC?
______ Oo _____Hindi Bakit?

9. Sang-ayon po ba kayo na magturo ng core courses (bagong asignatura) ang mga propesor ng Filipino
na apektado ng nasabing CHED Memorandum? ______ Oo _____Hindi Bakit?

10. Bilang pangulo po ng pamantasan, sa pagitan po ng Ingles at Filipino, ano po sa palagay ninyo
ang dapat na maging wikang panturo sa mga core courses sa bagong GEC? _________Ingles
__________Filipino Bakit?

Riserts

11. Ngayon po na nalalapit nang ipatupad ang naturang CHED Memorandum, papayagan n’yo pa pa
rin po ba na magsagawa ng mga riserts ang mga propesor gamit ang wikang Filipino bilang midyum
sa pagsulat? ______ Oo _____Hindi Bakit?

12. An-ano pong paksa ang inyong mas bibigyan prayoridad sa mga pananaliksik na maaaring
isagawa?

13. Ano po ang inyong mga plano upang lalong mapataas ang kalidad ng pananaliksik sa larangan
ng Filipino?

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 85


Ekstensyon

14. Papayagan pa rin po ba ninyo ang paggamit ng Filipino sa pagsasagawa ng programang pang-
ekstensyon ang inyong mga propesor? ______ Oo ____Hindi Bakit?

15. Mayroon po bang insentib na pinagkakaloob para sa mga guro sa pagsasagawa ng pananaliksik at
ekstensyon kahit na sa wikang Filipino nasusulat at isinasagawa ang mga ito?
______ Oo _____Hindi Bakit?

16. Ano pong mga programa ang inyong ipapatupad para sa mga isinasagawang ekstensyon ng mga
propesor ng inyong pamantasan?

17. Para po sa inyo, sino po ang mga kinakailangang makatanggap ng mg programang ito?

Produksyon

18. Pabor po ba kayo sa pagsusulat ng mga propesor ng mga aklat para sa mga core courses gamit ang
wikang Filipino? ______ Oo _____Hindi Bakit?

19. Ipag-uutos n’yo po ba ang paglikha ng mga kagamitang pampagtuturò gaya ng mga aklat, mga
lathalain, mga akdang pampanitikan at iba pa gamit ang wikang Filipino?
______ Oo _____Hindi Bakit?

20. Ano po ang kailangan ninyong gawin upang karamihan sa inyong mga guro ay mahikayat na
gumawa ng mga kagamitan dagdag sa mga produksyon ng inyong pamantasan?

Ko-Kurikular

21. Ipagpapatuloy pa rin po ba ng pamantasan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?


______ Oo _____Hindi Bakit?

22. Papayagan n’yo po ba ang pagsusulat ng mga anunsyo, paalala, at iba pang impormasyon sa
buong pamantasan gamit ang wikang Filipino? ______ Oo _____Hindi Bakit?

23. Papayagan rin po ba ninyo ang pagsusulat ng publikasyong pangkampus ng mga estudyante
gamit ang wikang Filipino? ______ Oo _____Hindi Bakit?

24. Ipag papatuloy pa rin po ba ang pagdaraos ng mga paligsahang pangwika gaya ng pagsulat ng
sanaysay, talumpati, tula, pagkukuwento, deklamasyon at iba pa?
______ Oo _____Hindi Bakit?

25. Papayagan rin po ba na gamitin ang wikang Filipino sa pagdiriwang ng iba’t ibang programa ng
pamantasan gaya ng Foundation Day, Intramurals at Graduation Day?
______ Oo _____Hindi Bakit?

26. Bilang pangulo po ng pamantasan, ano-ano po ang inyong mga plano upang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino?

BALANGKAS NG PAG-AARAL

S
a panahong isinagawa ang pag-aaral na ito, sa pagtungo sa labindalawang (12) pang-estadong
unibersidad at kolehiyo (SUC) ng Rehiyon III, ang mananaliksik ay nagkaroon ng mga suliranin
sa pangangalap ng mga datos. May mga SUC na binubuo ng iba’t ibang mga kampus na nagdulot
ng pagkaantala ng mga sagot kayâ kinailangan pang balikan ang mga talatanungang ipinamahagi.

86 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


Gayumpaman, naging makabuluhan pa rin ito sapagkat malaking tulong ang naging impormal
na panayam habang sinasagutan ng mga guro ang talatanungan at nagsilbing oportunidad sa
mananaliksik na makaharap ang mga pangulo ng mga SUC ng Rehiyon III.
Isang balangkas ang nabuo na siyang naging salalayan sa pagpapaliwanag ng mga plano ng mga
administrador ng mga SUC ng Rehiyon III. Nakatuon ang nabuong balangkas sa tatlong tunguhin:
plano, programa, at proyekto na nakapokus naman sa pitóng gawain ng mga SUC gaya ng kaguruan,
kurikulum, instruksiyon, pananaliksik, ekstensiyon, produksiyon, at ko-kurikular. At mula rito,
bibigyang pansin ang konsultasyon at diseminasyon, implementasyon, at ebalwasyon ng mga
programa at proyektong nabuo mula sa pitóng gawain ng mga SUC ng Rehiyon III.

Pigura 2 Balangkas ng Planong Pangwika ng mga SU

PAGSUSURI NG MGA DATOS

S
a pamamagitan ng masikhay na pag-aaral, mabusising pagsusuri at paglalarawan sa mga
nakuhang datos, isang planong pangwika ang nabuo na tumugon sa mga suliraning kinakaharap
ng mga kaguruan ng Filipino mula sa iba’t ibang pang-estadong unibersidad at kolehiyo (SUC)

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 87


ng Rehiyon III. Ang lahat ng nakalap na datos ay inilarawang mabuti na naging batayan sa pagbuo ng
mga tuntunin, gawain, implementasyon, at inaasahang resulta sa mga planong pangwika na siyang
nararapat na maipatupad upang maipag patuloy ng mga guro ang pagpapanatili at pagpapalaganap
ng wikang Filipino hindi lamang bilang wikang pambansa kundi wika ng karunungan.

KINALABASAN NG PAG-AARAL
Paglalarawan sa mga Kalahok

Talahanayan 2
Personal na Kakanyahan ng mga Kalahok

BÍlang Bahagdan (%)


Kasarian
Babae 79 68.69
Lalaki 36 31.30
Edad
20–29 38 33.04
30–39 35 30.43
40–49 17 14.78
50– 59 15 13.04
60 pataas 10 8.69
Pinakamataas na Natamong Edukasyon
Kolehiyo 26 22.603
Kasaluyang Nagma-masteral 32 27.82
Tapos ng Masteral 26 22.60
Kasalukuyang Nagdo-doctorate 19 16.52
Tapós ng Docrorate 12 10.43
Katayuan sa Pagtuturò
Walang aytem 53 46.08
May aytem 62 53.91
Ranggong Pang-akademiko
Walang ranggo 53 46.08
Instructor 12 10.43
Asst. Professor 37 32.17
Asso. Professor 10 8.69
Professor 3 2.61
Taon sa Pagtuturò
0–2 31 26.69
3–10 30 26.08
11–20 23 20
21–30 13 11.30
Mahigit 30 taon 16 13.91

88 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


A. Batay sa kasarian. Batay sa datos na mga yunit o tapós na sa masteradong digri,
inilahad, mas malaki ang bÍlang ng mga siguradong pasók na sa aytem na assistant
babaeng naging kalahok sa pag-aaral na ito. Ito professor. Pinakakaunti naman ang bÍlang
ay isang realidad at patunay lámang na talagang ng mga professor sapagkat masyado nang
mas maraming kababaihan ang kumukuha ng mataas ang kalipikasyong hinihingi, tulad ng
kurso sa pagtuturò at nagpapakadalubhasa dapat tapos sa doktoradong digri, mayroon
sa larangan ng komunikasyon at wika kung ding serbisyong ekstensiyon, sangkot sa mga
ikokompara sa mga kalalakihan. pananaliksik, may ginagawang proyekto bÍlang
bahagi ng produksiyon at iba pa.
B. Batay sa edad. Pinakamaraming kalahok
ang nasa edad 20–29, nangangahulugang G. Batay sa taon sa pagtuturò. Marami sa
karamihan sa kanilá ay bago o di naman mga kalahok na nasa 0–2 taon pa lámang sa
kayâ ay iláng taon pa lámang sa larangan ng pagtuturò. Itinuturing silang bago pa lamang
pagtuturò. Patunay ito kung bakit karamihan sa serbisyo at halos nagsisimula pa lang ng
sa kanilá ay kontraktuwal pa lámang o wala kursong masteral. Kayâ, nararapat lámang na
pang aytem. Pinakakaunti naman ang bÍlang bigyan sila ng pagkakataon upang makadaló sa
ng mga kalahok na nasa edad 60–pataas mga seminar-workshop upang makakuha ng
sapagkat sa edad na ito ay maaari nang sapat na kaalaman at kasanayan na magagamit
magretiro sa serbisyo at makatanggap ng iba’t sa pagtuturò ng mga asignatura sa bágong
ibang benepisyo bunga ng paglilingkod sa pangkalahatang edukasyon.
gobyerno.
KAHANDAAN NG MGA PROPESOR
C. Batay sa edukasyong natamo. Lumalabas NG FILIPINO SA PAGTUTURÒ NG
na karamihan sa mga kalahok ay kasalukuyang MGA ASIGNATURA SA BÁGONG
kumukuha ng masteral na digri sapagkat PANGKALAHATANG EDUKASYON
ito ay pangangailangan upang makakuha ng

S
aytem. Pangangailangan rin ito upang ang a implementasyon ng CHED
mga kalahok na may istatus na temporaryo Memorandum 20, s. 2013, lubos na
ay maging permanente. At pagkatapos ng naapektuhan ang mga kaguruan sa
masteral digri, maaaring ipagpatuloy na rin departamento ng Filipino. Naging malaking
ang pag-aaral ng doctoral na digri upang lalong usapin kung ano ang kahihinatnan ng mga
mapataas ang kalipikasyon. guro bunga ng nasabing kautusan. Nakasaad
sa nasabing kautusan na maaaring iturò
D. Batay sa katayuan sa pagtuturò. Lumalabas sa Filipino o Ingles ang walong (8) bágong
na mas malaki ang bÍlang ng mga kalahok na asignatura sa pangkalahatang edukasyon. Ang
may aytem kompara sa walang aytem. Ngunit mga gurong apektado ng nasabing kautusan ay
marami pa rin ang bilang ng mga propesor maaaring magturò sa mga bagong asignatura,
na nagtuturo ng Filipino ang apektado sa at ang mga propesor ng Filipino ay kabÍlang sa
napipintong pagkakaltas ng mga empleado sa mga maaaring magturo nito. Isang mahalagang
mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo tanong ang bibigyang kasagutan sa bahaging
dalâ ng CHED Memorandum 20, s. 2013. ito, “kung sakaling handa o hindi handa ang
Kapag tuluyan o kailangan nang ipatupad ang mga propesor ng Filipino, may mga hámon bang
pagtuturò sa mga bágong asignatura sa wikang kahaharapin ang mga propesor sa pagtuturò ng
Filipino, maraming propesor ng Filipino ang mga asignaturang ito?”
kinakailangang magsagawa ng pag-aaral sa Matutunghayan sa talahanayan kung ang
bágong asignatura (re-tooling) para maiturò mga propesor ng Filipino ay may kahandaan
ang mga ito. sa pagtuturò ng mga asignatura sa bágong
pangkalahatang edukasyon kung sakali ito ay
F. Batay sa ranggong pang-akademiko. ituturò nga sa wikang Filipino.
Pinakamataas ang bÍlang ng mga assistant
professor sapagkat kapag mayroon nang

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 89


Talahanayan 3
Kalagayan ng mga Propesor ng Filipino sa Pagtuturò ng mga Bagong Asignatura

Kahandaan* Weighted
Mga Bágong Asignatura Deskripsiyon
HH H BH DH DLH Mean

Pang-unawa sa Sarili 36 53 22 4 0 4.05 Handa

Mga Babasahin Hinggil sa


38 49 22 5 1 4.03 Handa
Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Kasalukuyang Daigdig 24 56 29 4 2 3.83 Handa

Matematika sa Makabagong Bahagyang


2 25 43 24 21 2.68
Daigdig handa

Malayuning Komunikasyon 48 49 15 3 0 4.23 Handa

Pagpapahalaga sa Sining 31 56 19 8 1 3.94 Handa

Agham, Teknolohiya, at Bahagyang


14 38 34 22 7 3.26
Lipunan handa

Etika 34 45 23 11 2 3.85 Handa

*HH – Handang-handa; H – Handa; BH – Bahagyang Handa; DH – Di handa;


DLH – Di lubos na handa

Handa ang mga propesor na iturò ang anim na asignatura (Pang-unawa sa Sarili, Mga Babasahin
Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas, Ang Kasalukuyang Daigdig, Malayuning Komunikasyon,
Pagpapahalaga sa Sining, at Etika) kung sakaling ito ay ituturò sa wikang Filipino sapagkat hindi na
ito bago sa kanilá dahil ang mga ito ay itinuturò sa na hay-iskul maging sa kolehiyo. Ang asignaturang
Malayuning Komunikasyon ay nakakuha ng pinakamalaking mean (4.23), nangangahulugan lámang
na bihasang-bihasa ang mga propesor sa Filipino sa larangang ito.
Batay sa naging panayam ng mananaliksik sa mga kalahok, ang mga asignaturang ito ay
makakáyang maiturò sa tulong na rin ng mga seminar, pagsasanay, worksyap na kinakailangang
daluhan upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman hindi lámang ukol sa mga paksa kundi maging
sa mga pamamaraan ng pagtuturò ng mga asignaturang ito.
Sa kabiláng bandá, bahagyang handa naman ang mga guro na iturò ang Agham, Teknolohiya,
at Lipunan at ang Matematika sa Makabagong Daigdig sapagkat madalas itong itinuturò sa wikang
Ingles at nagtataglay ang mga ito ng mga teknikal na mga terminong may kahirapang isalin. Ang
kakulangan sa materyales gaya ng libro na nasusulat sa Filipino ang dahilan ng mga propesor kung
kayâ hindi sila gaanong handa upang iturò ang mga ito.
Sa kabuuan, mayroon pa ring mean na 3.73 nangangahulugang handa ang mga guro sa pagtuturò
sa walong (8) bágong asignatura sa pangkalahatang edukasyon at hindi nakitaan ng pagkabahala
o pag-alinlangan ang mga propesor ng Filipino. Sa kabila ng pagiging handa ng mga propesor ng
Filipino na iturò ang mga bágong asignaturang ito batay na rin sa resulta ng pag-aaral, may mga
hámon pa ring silang kakaharapin upang maging malinaw, maayos, at may katuturang maibahagi
sa kaniláng mga mag-aaral ang mga kaalaman nararapat nilang matamo sa loob ng apat na sulok ng
silid-aralan.

90 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


MGA KAHAHARAPIN NG MGA PROPESOR hámon ng mga guro sapagkat karamihan
SA PAGTUTURÒ NG MGA ASIGNATURA daw sa mga ito ay sa wikang Ingles itinuturò.
SA BAGONG PANGKALAHATANG Ayon pa rin sa mga guro, kapag tuluyan nang
EDUKASYON ipatupad ang pagtuturò ng mga asignaturang
ito sa wikang Filipino, pangunahing problema

S
a kabila ng pagiging handa ng mga nila ay ang paghahanap ng iba’t ibang aklat na
propesor ng Filipino na iturò ang walong magagamit. At upang matugunan ang hámong
bágong asignatura sa pangkalahatang ito, nararapat lámang na simulan na habang
edukasyon sa wikang Filipino, mayroon pa maaga ang pagsulat/pagbuo ng mga aklat na
ring mga hámon na kaniláng haharapin na nakasulat sa Filipino upang may magamit sa
tiyak na makaaapekto sa kaniláng pagtuturò. pagtuturò.
Isang mahalagang tanong din ang kailangang Ang pagbuo ng mga bagong silabus
masagot sa bahaging ito, “mula sa mga para sa mga bagong asignatura ay isa rin
hamong nailahad, paano makatutulong ang sa hámon kung tutuusin sapagkat ang mga
pagpaplanong wika sa bawat SUC ng Rehiyon silabus ay dapat naaayon sa Outcome-Based
3 para sa mga propesor na apektado ng CHED Education (OBE). Bahagi ng pagbuo ng
Memo?” silabus ay ang mga reperensiya bilang mga
sanggunian, kinakailangang makalikom ng
Talahanayan 4 mga reperensiyang nakasulat sa Filipino, kung
Mga Hamong Kakaharapin ng mga Propesor saan ang kakulangan ng aklat ay kabÍlang din
sa kanilang suliranin. Upang ito’y matugunan,
Kakulangan sa mga aklat na gagamitin sa dapat sáma-sáma sa pagbuo ng silabus upang
pagtuturò ng mga bagong asignatura. mas maging mabisa ito.
Ang kakulangan ng kaalaman sa mga
Pagbuo ng mga bagong silabus para sa mga
estratehiya at teknik na gagamitin sa pagtuturò
bagong asignatura.
ng mga bágong asignatura ay isa rin sa hámong
Panibagong pag-aaral ang kakailanganin dapat matugunan. Kinakailangang magkaroon
sapagkat di angkop ang natapos na ng mga bágong estratehiya at teknik na akma
espesyalisasyon. sa pagtuturò. Ang pagdaló sa mga pagsasanay
at seminar ay mabisang paraan upang
Kakulangan ng mga kagamitang magkaroon ng kaalaman sa mga panibagong
pampagtuturò na magagamit sa pagtuturò estratehiya o teknik. Isa pa sa itinuturing na
ng mga bagong asignatura. hamon na kakaharapin ng mga guro ng Filipino
ay ang posibilidad na hindi pumayag ang ibang
May kahirapan sa pagsulat ng mga riserts na departamento na ituro sa Filipino ang ilang
may kinalaman sa mga bagong asignatura. sa mga asignatura na dati nang itinuturò sa
Ingles.
Batay naman sa isinagawang
Mahihirapang ituro ang mga bagong
panayam, kung sakaling payagan na ng
asignatura dahil sa walang kahandaan.
mga administrador na iturò sa Filipino ang
Kakulangan ng kaalaman sa mga estratehiya ilan sa walong asignaturang ito, maaaring
at teknik na gagamitin sa pagtuturò ng mga maapektuhan naman ang mga gurong dati
bagong asignatura. nang nagtuturò ng mga ito gaya ng pagbabawas
sa kanilang regular na mga yunit.
Hindi pagpayag ng ibang departamento na
ituro sa Filipino ang mga bagong asignatura MGA PAGPAPLANONG WIKA NG MGA
PANG-ESTADONG UNIBERSIDAD AT
KOLEHIYO

L
Batay sa mga kasagutan sa talatanungan,
lumabas ang iba’t ibang hámong kahaharapin umabas na handa ang mga propesor ng
ng mga kaguruan ng Filipino sa pagtuturò ng Filipino sa kaniláng pagtuturò subalit
mga bágong asignatura. Sa mga nabanggit may mga hámong dapat na harapin
na hámon, ang kakulangan sa mga aklat upang maging maayos ang pagsasakatuparan
na gagamitin sa pagtuturò ng mga bagong nito, at mula sa mga hámong nailatag,
asignatura ang itinuturing na pangunahing pagpaplanong wika ang nakikitang solusyon

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 91


para rito. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga plano, matutugunan ang isang isyung pangwika
tulad ng CHED Memo 20, s. 2013. Ang mga planong nabuo sa pananaliksik na ito ay nagsisilbing
pamantayan sa mga desisyon at kilos na kinakailangan sa pagkamit ng mga layunin ng mga pang-
estadong unibersidad at kolehiyo ng Rehiyon III. Ang mga planong ito ay may malaking tungkulin
sa pagtataguyod, pagpapayaman, at pagpapanatili ng wikang Filipino sa kabila ng dinaranas nitong
suliraning pangwika.
Naging salalayan sa pagpapaliwanag ng mga plano ng mga administrador ng mga SUC ng
Rehiyon III ang balangkas (Pigura 2) na nabuo sa pagpapaliwanag sa bahaging ito na nakatuon plano,
programa, at proyekto na nakapokus naman sa kaguruan, kurikulum, instruksiyon, pananaliksik,
ekstensiyon, produksiyon, at ko-kurikular. Pagkatapos ay ilalahad ang hakbang sa konsultasyon at
diseminasyon, implementasyon, at ebalwasyon ng mga programa at proyektong nabuo ng mga SUC
ng Rehiyon III.

1. Pagpaplano

Sa pagpaplano, susuriin ang mga pangangailangan ng mga propesor ng Filipino sa mga


SUC na may kaugnayan sa pitóng gawain (kaguruan, kurikulum, instruksiyon, pananaliksik,
ekstensiyon, produksiyon, at ko-kurikular). Aalamin ang kaniláng karanasan at magiging karanasan
sa implementasyon ng mga bagong asignatura sa pangkalahatang edukasyon, at magagawa ito
sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga propesor na lubos na apektado sa naturang CHED
Memorandum. Kailangan ang malayàng talakayan sa pagitan ng mga administrador at ng mga
propesor ng Filipino upang makabuo ng planong pangwika na makatutulong sa kanilá at sa magiging
kalagayan ng wikang Filipino sa antas tersiyaryo. Sa pamamagitan nito, mababatid ang lahat ng mga
suliranin at makagagawa ng mga patakaran sa pagbuo ng mga mahusay at mabisang programa at
proyekto na makatutulong sa ikabubuti ng bubuoing planong pangwika. Bukod sa mga pangulo ng
bawat SUC, maaari ring isangkot sa pagpaplano ang mga dekano sa mga kolehiyo kung saan naroon
ang mga asignatura sa pangkalahatang edukasyon. Kailangan ang suporta ng mga dekano sa mga
planong mabubuo mula sa talakayan ng mga administrador ng mga SUC. Nagiging mabisa ang isang
plano kung lahat ng sangkot ay aktibo at di taliwas sa implementasyon ng mga ito. Sa pamamagitan
nito, sa kabila ng pagkawala ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, matitiyak pa rin ang kalagayan ng
Filipino sa pagtuturò at pagkatuto ng mga mag-aaral.

2. Balangkas ng Planong Pangwika

Deskriptibong ilalarawan ang mga planong pangwika na nakasentro sa pitóng gawain ng mga
SUC (kaguruan, kurikulum, instruksiyon, pananaliksik, ekstensiyon, produksiyon, at ko-kurikular)
batay sa balangkas na nabuo na ipinakita sa Pigura 2. Layunin ng pagpaplanong pangwika na lutasin
ang mga problemang kinahaharap sa pitóng gawain ng mga propesor ng Filipino sa pamamagitan ng
mga mungkahing programa at proyekto na siyang malaking salik sa ikatatagumpay ng mga plano.

Talahanayan 5
Planong Programa at Proyekto ng mga SUC
Gawain ng mga SUC Planong Programa Mungkahing Proyekto
Kaguruan Retooling Pagbubukas ng senior hay-iskul
pagdalo sa mga seminar, training at Papel pananaliksik
workshop
Ekstensyon ng mga propesor
patuloy na pag-aaral sa masteral at
doctorate degree
K - 12 program
alternatibong gawain gaya ng
pananaliksik, ekstensiyon, o paggawa ng
mga bagong silabus

92 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


Kurikulum Rebisyon ng mga silabus Komon na silabus para sa GEC
Pagdaraos ng mga worksyap
Instruksyon Pagtuturò sa mga bagong asignatura sa Pagbuo ng mga diksiyonaryong
wikang Filipino Filipino sa iba’t ibang disiplina
Pagdalo sa mga seminar-workshop Pananaliksik sa Filipino
Riserts Pagsasalin Mga saling kaugnay na literatura
at pag-aaral
Paggamit ng wikang Filipino bilang wika
rin ng pananaliksik Papel pananaliksik na nakasulat
sa Filipino
Pagbibigay insentibo
Ekstensyon Pagsasagawa ng mga seminar-worksyap Brochure, pahayagan, jornal na
nakasulat sa Filipino
Mga gawain tulad ng Adopt-a-barangay,
pangangalaga sa kalikasan, technology
and livelihood program at nutrisyon
Insentibo tulad ng deloading at honoraria
Produksyon Paggamit ng wikang Filipino sa mga Brosyur, pahayagan, jornal para
gawaing ekstensyon at mga serbisyong sa mga nalilikhang kagamitan
pangkomunidad
Reperensyang aklat para sa
Pag-aanunsyo bagong asignatura
Ko-kurikular Pagdiriwang ng Buwan ng Wika Mga orihinal na akdang
pampanitikan
Pagdiriwang ng Graduation Day,
Foundation Day Dagdag pondo
Pagdaraos ng mga patimpalak pangwika Publikasyong pangkampus
Pakikilahok sa taunang DC-SUC CIRPS III
Pagsasagawa ng mga kumperensiya,
seminar-workshop at pagsasanay sa
Filipino
Pagsusulat ng publikasyong pangkampus

a. Kaguruan
Retooling ang isa sa mga programang maaaring gawin upang makapagturò sa ibang disiplina.
Ang pagdaló sa mga seminar, training, at workshop ay isang tulong upang maisakatuparan ito. Ang
patuloy na pag-aaral sa masteral at doctorate degree ay nabanggit din upang mai-align ang kaniláng
mga sarili sa mga bágong asignatura. Ang programang K–12 ng gobyerno ay isang pagkakataon
upang magbukás ng Senior High School ang mga SUC at ito’y isang proyekto na makatutulong sa
mga propesor na apektado sa pagbabâ ng asignaturang Filipino sa hay-iskul. Ang pagkakaroon ng
mga alternatibong gawain gaya ng pananaliksik, ekstensiyon, o paggawa ng mga bágong silabus
sa pangkalahatang edukasyon ay mabisa ring mungkahing gawain habang wala pang maiturò at
kasalukuyan pa lang na inaayos ang mga kurikulum.

b. Kurikulum
Para sa paglinang ng kurikulum, nararapat lámang na magkaroon ng rebisyon sa mga silabus.
Regular na pag-update sa nilalaman ng mga silabus ang kailangan upang magkaroon ng pagbabago,
pagdaragdag ng mga kaugnay na paksa mula sa mga natutuhan sa paaralang gradwado, at mula sa
mga dinadaluhang seminar-workshop, mga kumperensiya at pagsasanay. Gawin ito sa pamamagitan
ng sáma-sámang paggawa ng mga propesor ng Filipino at mga propesor sa iba’t ibang disiplina upang
matugunan ang lahat ng mga kinakailangang pagbabago. Ang pagdaraos ng mga workshop sa buong
institusyon ay isang programa para sa proyektong isang komong silabus na tugma sa singkronisasyon.

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 93


Layunin ng singkronisasyon na maiwasan ng mga pananaliksik sa Filipino. Hirap ang
ang problema sa di pagkakasundo ng bawat pananaliksik sa Filipino dahil sa mga teknikal
kolehiyo sa kung ano ang susundin/gagamitin na terminolohiya na walang katumbas o kayâ’y
na silabus. salin. Upang masolusyunan ang suliranin
na ito, ang programang pagsasalin, maging
c. Instruksiyon ang pag-aaral sa bágong ortograpiya sa
Sumasang-ayon ang karamihan sa mga Filipino ang kailangan upang matugunan ang
pangulo ng SUC sa panukala ng CHED na pangangailangang ito.
maaaring iturò sa Filipino ang mga bágong Malaking hámon sa mga SUC III ang
asignatura. Mainam ito upang lalong paggawa ng mga pananaliksik na nasusulat
maintindihan ng mga mag-aaral ang anumang sa wikang Filipino, ngunit hinihikayat pa rin
paksa at mabibigyan ng pagkakataon ang ng mga pangulo ng SUC ang kaniláng mga
sinumang mag-aaral na ipahayag ang kaniláng kaguruan na magsulat din ng mga pananaliksik
mga sariling sa wikang mas naiintindihan nila. sa wikang Filipino lalo na sa mga paksain na
Ang programang ito ay nararapat na bigyan kinakailangang sa Filipino nakasulat. Ang
ng pagkakataon upang masuri kung epektibo programang paggamit ng wikang Filipino
ba ito o hindi. Sang-ayon din sila sa paggamit bÍlang wika rin ng pananaliksik ay mahusay na
ng Ingles at Filipino sa mga bágong asignatura gawain para sa intelektuwalisasyon ng wikang
sa pangkalahatang edukasyon dahil parehong pambansa, at isang jornal ng mga pananaliksik
kailangan ang dalawang ito wika sa pagtuturò na nasusulat sa Filipino ang maaaring proyekto
at pagkatuto. Mas aktibo ang mga mag-aaral ng naturang programa. At upang maganap ang
sa paglahok sa mga talakayan kung wikang nasabing hámon, ang programang pagbibigay
Filipino ang ginagamit sapagkat mas sanay insentibo sa sinumang magsasagawa ng
sila rito. Ngunit kailangan ding sanayin ng pananaliksik ay isang motibasyon, at ang
mga mag-aaral ang kaniláng sarili sa paggamit malilikhang mga papel pananaliksik ang
ng wikang Ingles para maging competitive sa proyektong mabubuo para rito.
ibang pamantasan sa loob at labas ng bansa.
Ang pagdalo sa mga seminar-worksyap na may e. Ekstensiyon
kinalaman sa Filipino ay programa pa rin ng mga Sa pagbibigay impormasyon at pagtulong
SUC para sa kaalaman ng mga bágong teknik at sa mamamayan sa labas ng unibersidad o
pamamaraan na magagamit sa pagtuturò. Ang kolehiyo, isang epektibo at mabisang tulay
pagbuo ng mga diksiyonaryong Filipino sa iba’t sa pagtulong at pagbibigay impormasyon
ibang disiplina ay isang mabisang proyekto sa ang paggamit ng wikang naiintindihan ng
pagpapaunlad ng wikang pambansa. Paunlarin lahat. Kayâ halos lahat ng mga pangulo ng
ang kasanayang pangwika ng mga mag-aaral SUC III ay sang-ayon sa paggamit ng wikang
maging ang mga propesor sa pamamagitan ng Filipino sa pagsasagawa ng mga gawaing
pagsusulat ng mga pananaliksik sa Filipino na ekstensyon at mga serbisyong pangkomunidad
siyang proyekto para mabatid ang kahusayan (community services) bÍlang programa ng
sa paggamit ng wikang pambansa. gawaing ekstensiyon. Ang mga programang
ekstensiyon na isinasagawa ng SUC ay
d. Pananaliksik seminar-workshop, mga pagsasanay, adopt-
Ang mga pananaliksik ay nakasulat at a-barangay, pangangalaga sa kaligiran,
isinusulat sa wikang Ingles sapagkat ito ang technology and livelihood program, nutrisyon
wikang gamit sa mga research forum, research at pagpapalaganap ng mga bágong tuklas
colloquium at in-house research. Mangilan- sa larangan ng agham at teknolohiya. Ang
ngilan lámang ang mga pag-aaral na nasa mga gawain at programang nabanggit ay
larangan ng Filipino, at ilan pa sa mga ito ay kadalasang mga magsasaka, mangingisda, mga
ukol sa kasaysayan at sikolohiya. Ilan lámang ordinaryong mamamayan, at mga nakatirá
sa SUC ng Rehiyon III ang nag-aalok ng Filipino sa mga liblib na lugar ang nakikinabang.
bÍlang medyor sa batsilyer at gradwadong Mas magiging epektibo ang pagtuturò ng
antas, kayâ kokonti o halos walang mahagilap mga gawaing makatutulong sa kaniláng
na mga pananaliksik na nasusulat sa Filipino. pamumuhay at pagkatuto, pagtuturò ng mga
Mahirap para sa mga guro na maghanap ng bagong kaalaman sa larangan ng pagsasaka at
mga kaugnay na literatura at pag-aaral na pangingisda kung ang wikang gamit ay kanilang
nasusulat sa Filipino dahil sa kakulangan mauunawaan. Ang mga guro ng Filipino ay

94 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


maaaring i-involve ang sarili sa science and pangwika ay nagbibigay ng búhay sa mga ko-
technology sa pamamagitan ng paggamit ng kurikular na gawain at nagpapaunlad sa sosyo-
wikang Filipino. Ang pagbuo ng mga brochure kultural ng mga mag-aaral gaya ng pagsulat
na nakasulat sa Filipino ang proyektong ng sanaysay, talumpati, dagliang pagtalakay,
maaaring buoin para sa beneficiaries ng mga pagkukuwento, deklamasyon, isahang tinig, at
gawaing ekstensiyon para mas madalÎ at iba pa ay ipagpapatuloy pa rin bÍlang isa pang
mabisa ang paghahatid ng impormasyon sa programa. Sa pamamagitan ng pakikilahok
mga mamamayan ng komunidad. Malaking sa mga gawaing panitikan at kultura,
tulong din sa mga propesor ang mga gawaing nasasalamin ang mayamang wika at kultura ng
ektensiyon sapagkat malaking tulong ito mga Pilipino. Ang mga mabubuong orihinal na
para sa kaniláng individual promotion. Ang akdang pampanitikan ay magsisilbing proyekto
pagkakaloob pa rin ng insentibo gaya ng ng mag-aaral sa bawat SUC. Sinusuportahan
deloading at honoraria ay isang mabisang ng mga administrador ng SUC ang mga
programa na maaaring ipatupad sa lahat ng gawaing ganito bilang paghahanda sa taón-
SUC. taóng pagdaraos ng Development Council of
State Universities and Colleges in Region III
f. Produksiyon at Center for Inter-institutional Research and
Suportado ng bawat administrasyon ng Policy Studies (DC-SUC III / CIRPS). Gawain
SUC III ang paglikha ng mga aklat para sa na ng iláng pamantasan ang pagbibigay ng
mga bágong asignatura dahil ang mga ito ay insentibo sa mga mag-aaral na sumasali sa
instrumento sa epektibong paghahatid ng mga patimpalak pangwika bÍlang paraan ng
kaalaman sa mga mag-aaral. Kadalasang paghimok sa mga mag-aaral na sumali. Maging
itinuturo ang mga bagong asignatura sa Ingles ang pagsusulat ng mga mag-aaral sa mga
kayâ ang akma lámang programang paglikha publikasyong pangkampus gamit ang wikang
o pagsulat ng mga reperensiyang aklat para sa Filipino ay suportado rin ng mga pangulo.
mga asignaturang ito, at ang mga reperensiyang Ang mga publikasyong pangkampus ng bawat
aklat ang magsisilbing mga proyekto. Katulad pang-estadong unibersidad at kolehiyo ng
sa ekstensiyon, lalong matagumpay ang Rehiyon III ay gumagamit ng dalawang wika,
tunguhin ng programa kung makagagawa ng Ingles at Filipino. Ang mahalaga sa pagsusulat
mga polyeto, brochure, pahayagan, magasin, o ay naipapahayag nila ang kaniláng isipan at
jornal na nakasulat sa wikang Filipino bÍlang damdamin, ang kaniláng opinyon at pananaw
mga proyekto. Malaking tulong ito sa mga guro sa mga isyung kaniláng kinasasangkutan,
sa pagtuturò at pagkatuto ng mga mag-aaral at direkta man o hindi. May pagkakataon din,
sa promosyon ng mga propesor. Samantalang lalo kung kinakailangan, isinasagawa ang
dagdag pondo naman ito sa bawat pamantasan Foundation Day, Intramurals at maging
na magagamit sa pagtupad ng iba’t ibang Graduation Day na ginagamit ang wikang
proyekto. Bukod pa sa mga aklat, ang mga Filipino.
bunga ng pag-aaral at bágong teknolohiya ay
naihahatid nang husto sa pamamagitan ng 3. Konsultasyon at Diseminasyon
din wikang Filipino. Epektibo rin ito sa pag-
aanunsiyo sa mga produktong nagawa ng bawat Ang pagkakaroon ng konsultasyon mula
SUC at sa pagpapaliwanag at panghihikayat ng sa pangulo ng mga SUC, mga dekano at mga
mga ordinaryong mamamayan na tangkilikin propesor ng Filipino ay kinakailangan upang
ito. ang anumang plano, programa at proyekto
ay mapag-aralan, masuri, at maláman kung
g. Ko-kurikular kapaki-pakinabang at makatutulong sa
Bahagi pa rin ng planong pangwika ng pagpapaunlad ng wikang Fipino bÍlang wika ng
mga SUC ang pagpapatuloy ng mga programa pagtuturò at pagkatuto. Sa pamamagitan nito,
gaya ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. matutukoy ang mga suliranin at mungkahi
Isinasagawa ang pagdiriwang na ito sa lahat ng para sa pagtatagumpay ng mga nabuong plano,
antas ng edukasyon upang maikintal sa isipan programa at proyekto. Mahalagang salik ito
at puso ng bawat mag-aaral hindi lámang ang pagpaplano mula sa mga taóng sangkot
ang kasaysayan ng pagkakaroon ng wikang sa pagpapatupad at pagsasakatuparan ng mga
pambansa ang Pilipinas higit lalo ang halaga ito. Pagkatapos ng konsultasyon, isusunod na
ng pagkakaroon nito. Ang mga patimpalak ang diseminasyon sa mga plano, programa

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 95


at proyekto na kinakailangang malinaw, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
tumpak at kompleto upang maging ganap ang

K
implementasyon ng mga ito. inakailangan pa rin ng mga kaguruan
ng Filipino ang patuloy na pag-aaral sa
4. Implementasyon mas mataas na digri nang sa gayon ay
makasabay sa mga pagbabágong nagaganap sa
Ang implementasyon ng mga plano, larangan ng kurikulum. Ang mga pagbabago
programa, at proyekto ay bigyang-pansin gaya ng implementasyon ng CHED Memo No.
dahil walang tiyak na kaganapan ng mga 20, series 2013 ay isang hakbang ng Lalong
plano at programa kung hindi ito maisasagawa Mataas na Edukasyon upang mapabuti ang
nang maayos. Sa implementasyon nito, edukasyon at kinakailangan na sumunod ang
sapat na pondo ang kakailanganin upang mga pamantasan at kolehiyo hindi lámang sa
maisakatuparan ito nang maayos, at ang Rehiyon III kundi sa buong bansa.
suporta mula sa mga administrador ng bawat Nagpakita man ng kahandaan ang
SUC ang kailangan para matulungan ang mga mga propesor ng Filipino sa pagtuturò sa
propesor ng Filipino na lubos na naapektuhan mga bágong asignatura sa pangkalahatang
sa pagbabago sa kalagayan ng asignaturang edukasyon ay may mga hámon pa ring
Filipino sa kolehiyo. Ang kaniláng suporta ay kailangang harapin. Ang mga hámong ito
masusumpungan sa kaniláng pag-aproba sa ay kinakailangang mabigyan ng agarang
mga gawain at pagbibigay ng pondo. Kapag solusyon upang maipagpatuloy ng mga guro
ang mga propesor ng Filipino ay nagnanais ang responsabilidad sa pagkatuto ng mga
magsagawa ng pananaliksik sa Filipino, mag-aaral. Kinakailangan ng mga pagsasanay,
maglabas ng jornal sa Filipino, magsagawa seminar-workshop na malaking tulong sa
ng mga patimpalak pangwika, magdaos ng pagbuo ng iba’t ibang teknik, estratehiya, at
mga seminar sa wikang Filipino, mabilis lang pamamaraan sa pagtuturò ng mga bágong
ang pagbibigay ng pondo dahil nagkaroon asignatura.
na ng konsultasyon, ang kailangan na lang Ang mga planong pangwika ng mga
ay pagsubaybay sa implementasyon ng mga pangulo ng SUC III ay malaking tulong upang
programa upang masiguro na mabuo ang mga mapanatiling maunlad ang wikang Filipino.
proyekto sa bawat programa. Ang pagbibigay-diin sa mga plano, programa,
at proyekto sa pitong gawain ay isang malaking
5. Ebalwasyon hakbang para sa kapakanan ng mga gurong
lubos na apektado ng naturang memorandum.
Ang ebalwasyon sa mga programang Sa pamamagitan ng konsultasyon at
pangwika ay mahalagang maganap upang diseminasyon, implementasyon, at ebalwasyon
maláman kung naisasakatuparan ang mga sa mga plano, programa, at proyekto,
plano ng mga pangulo ng SUC para sa mga mapagtitibay ang pagpapahalaga sa wikang
propesor ng Filipino at sa kalagayan ng wikang Filipino ng mga kaguruan ng Filipino maging
Filipino, kung epektibo ba ang mga programa mga administrador ng bawat SUC.
o hindi, at kung nakatutulong ba ang mga Maaaring magsagawa pa ng mga pag-
proyekto o hindi. Ang resulta ng ebalwasyon aaral sa ibang rehiyon upang magkaroon
ang magsasabi kung anong mga programa ng kaalaman sa mga planong pangwika
ang lalong dapat paigtingin, palakasin at na kaniláng ipinapatupad. Ang mga ito ay
pagyamanin at kung ano ang mga programa maaaring makatulong sa pagsasaayos at
ang nangangailangan ng mulÍng pagpaplano pagpapabuti tungo sa pagtatagumpay ng mga
at pagsasaayos. Layunin ng ebalwasyon sa mga planong pangwika ng iba’t ibang pamantasan
programa at proyekto na alamin ang halaga at kolehiyo hindi lang sa Rehiyon III kundi sa
ng pagpaplanong wika ng mga pangulo ng buong bansa. n
SUC para sa mga propesor ng Filipino at sa
kalagayan ng wikang Filipino bÍlang wika ng
pagtuturò at pagkatuto.

96 Daluyan D dluyn TOMO XXVIII, BLG. 2, 2022


MGA SANGGUNIAN Earl, R. S. (2010). “The use of instructional design
skills in the mental and written processes of
Almario, V. S. (2015). Pagpaplanong Wika at Teachers.” Papel na iniharap sa Conventional
Filipino. Manila: Komisyon sa Wikang of the Association for Educational
Filipino. Communications and Technology, Iowa.

Austero, C. S. et.al (2013). Pagbasa at Pagsulat Fishman, J. A. (1974). Advances in Language


sa Iba’t Ibang Disiplina. Makati City: Gold Planning. The Netherlands: Mouton & Co.
Publishing Palace. N.V.

Awafola, A. (2012). “An Analysis of the New 9 Ganotice, D. D. (2015). “Kakayahan ng mga Guro
year Basic Education Curriculum of Nigeria.” sa Pagtuturò at Pagkatuto ng mga Mag-aaral
University of Nigeria. Tungo sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.”
Dibisyon ng Lungsod ng Tabuk.
Badayos, P. B. (2013). Metodolohiya sa Pagtuturò
at Pagkatuto ng Filipino: Mga Teorya, Liwanag, L. B. (2010). “Ang Mahalagang Papel
Simulain at Istratehiya. Malabon City: Mutya ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa
Publishing House, Inc. Paghahanda ng mga Guro sa Edukasyong
Multilinggwal.” Isang papel na inihanda
Baquiran, D. A. (2010). “Ebalwasyon ng para sa internasyonal na
Pampagtuturòng Programa ng General kumperensiya sa MLE.
Education sa Filipino ng Technological
University of thePhilippines (TUP): Basehan Manzano, D. L. (2012). “Ang Programang Filipino
sa Pagpapaunlad ng Kurikulum.” Philippine ng mga Pang-estadong Unibersidad at
Normal University. Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral
tungo sa isang Akademikong Modelong
Bulan, E. E. (2011). “Pagtataya ng Senaryo para Pangwika.” Tarlac State University.
sa Pinayamang Panuntunan sa Pagtuturò ng
Filipino sa Kolehiyo.” Arellano University. Montera, G. G. (2010). “Pagtataya sa mga Saloobin
ng mga Instructor at Mag-aaral na Cebuano
Calmorin, L. P. (1994). Educational Research, sa Epekto ng Pagtuturò ng Wikang Filipino
Measurement and Evaluation, second sa Unibersidad ng San Carlos, Cebu City.”
edition. Manila: National Bookstore. Manuel Luiz Quezon University.

Constantino, P. C. (2010). Filipino at Pagpaplanong Tarun, J. Z. (2010). “Implementasyon ng CHED


Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng Sangfil. Memo Order No. 59 s. 1996 sa mga Programa
Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang ng Filipino ng SUCs sa Rehiyon 2.” Isabela
Filipino – UP Diliman. State University.

Cooper, J. (2010). Language Problems, language Zafra, G. S. (2013). Adyenda sa Saliksik Wika. Ulat
planning and language policy. Western ng Kumperensya. Sentro ng Wikang
Washington University. Filipino. UP Diliman.

X
Si RAFFY AGANON ay Associate Professor 3 at kasalukuyang Tagapangulo ng Departmento ng
Pangkalahatang Edukasyon ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan ng Tarlac State University.
Nagtapos ng Doctor of Philosophy in Filipino sa Manuel L. Quezon University (MLQU); Master sa Edukasyon
medyor sa Filipino sa Pangasinan State University (PSU); at Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon
medyor sa Filipino sa Central Luzon State University (CLSU). Ilan sa mga nailathala niyang aklat para sa
mga mag-aaral sa Mataas na Edukasyon ay pinamagatang Sining ng Komunikasyong Pang-akademiko at
Komunikasyong Pang-akademiko sa Filipino, Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina na inilimbag ng St. Andrew
Publishing House; at Filipino sa Iba’t Ibang Displina na inilimbag naman ng AIMS Publication.
Bukod sa pagtuturò ng Filipino sa kolehiyo, siya rin ay nagtuturò sa paaralang gradwado ng TSU.
Nagsusulat din siya ng mga piyesa sa tula, talumpati at sabayang bigkas. Naging tagapayo ng College Student
Council (CSC) ng Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan (CASS) sa loob ng tatlong taon (2016–2019).
Nagkaroon na ng pananaliksik mula sa proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2018.

Kahandaan ng mga Propesor sa Filipino sa Pagtuturò 97

You might also like